Nang tuluyan nang mawala sa paningin nila si Andora ay tsaka lang ulit sila nagkatinginan. Mag-uusap na sana sila nang biglang mabitawan ni Carlita ang board game na siyang ikinagalit ni Aubrey. Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawa. Natigil lang iyon nang mangyari ang hindi nila inaasahan.
Nagliwanag ang board game na siyang ikinataka nila. Noong una, inisip nila na normal lang iyon at baka natural lang na nangyayari sa board game kapag naibagsak. Ngunit sa pagkakaalam ni Cielo, hindi. Dahil nang minsan naman itong naibagsak ni Hans ay wala namang ganitong nangyari. Ganon pa rin ang board game at nagkaroon lang ito ng gasgas dahil sa pagkabagsak nito.
Nagkatinginan ulit sila nang isang ilaw ang lumabas mula sa gitna ng board game at umabot ito hanggang sa kalangitan. Sinundan lamang nila ito ng tingin dahil namangha sila. Masaya ang ekspresyon ng mga mukha nila dahil mukhang wala naman palang mangyayaring kakaiba.
Nagtawanan pa nga sila ng mga sandaling iyon hanggang sa matigil dahil bigla nalang nawala si Hans. Hinanap nila ito sa paligid pero wala. Para itong bula na naglaho nalang bigla.
Nataranta sila at baka may iba pa silang kalaban sa lugar na ito. Pero sa pagkakaalam ni Cielo, wala na. Lumayo pa sila ng konti sa paghahanap dahil baka may pinuntahan lang si Hans. Ngunit laking gulat nila nang paglingon nila ay wala na rin sina Carlita at Cielo.
Ano bang nangyayari?
"Guys? Hindi magandang biro yan!" sigaw ni Aubrey at alam niyang malapit ng tumulo ang mga luha niya.
"Magpakita nga kayo sakin! Hindi ako natatawa sa joke niyo!" Umikot siya at napatitig siya sa ilaw na nasa board game.
Nanlaki ang mga mata niya nang bigla siya nitong higupin papasok. Mistula siyang naging usok dahil hindi na niya maramdaman ang katawan niua. Tila ipo-ipo siyang ipinasok sa loob ng board game hanggang sa magsara na ito.
"Aaahhh!" sigaw pa niya nang bumagsak siya sa lupa.
Napatingin siya sa paligid at napatayo siya bigla nang makita niya sina Cielo. Napaisip siya sandali. Ibig sabihin... Hinigop rin ang mga ito sa loob ng game? So, anong ibig sabihin nito? Nasa loob na silang apat ngayon ng mismong board game?
Hindi nila sigurado.
"Anong nangyari? Bakit bigla nalang tayong napunta dito?" tanong niya sa iba.
"Hindi ko alam. Kanina, bigla nalang rin akong hinigop ng ilaw na iyon pagkatapos ay napunta na ako dito. Sumunod sina Carlita at Cielo tapos ikaw. Wala akong idea sa mga nangyayari," sabi ni Hans.
"Sa tingin niyo ba, parte pa rin ito ng laro?" tanong ni Cielo.
"Siguro. Kasi hindi naman mangyayari ito kung hindi dahil sa game na 'yon e," sabi naman ni Carlita.
"Tama ka. Pero posible kayang, kaya tayo hinigop papasok dito dahil dito lang natin matatapos ang laro?" Tinignan nila si Hans. May point ito.
"Ewan ko. Naguguluhan na ako sa mga pagbabago. Sige nga, kung dito natin tatapusin ang laro, paano natin mapapaikot ang roleta and at the same time, paano natin malalaman ang numerong nakuha natin dahil wala naman sa mga kamay natin ang bola?" Natahimik sila sa sinabi ni Carlita.
"See? Kaya nga---"
Hindi na naituloy pa ni Carlita ang sasabihin niya nang may lumabas mula sa harapan nila. Isang roleta at isang bola. Mas malaki na ito kesa sa nauna nilang pinaikot kanina. Nakalutang na rin ito sa ere na siyang ipinagtaka nila.
"Papaano yan napunta diyan?" tanong ni Cielo at hinawakan pa ito dahil hindi ito makapaniwala.
"Nasa loob na kasi tayo ng game kaya siguro ganito ang mga naging pagbabago. Sa tingin ko, bigla nalang lilitaw yang roleta na yan kapag ready na ang sunod na player." Tumingin sila sa direksyon ni Carlita dahil sa sinabi nito.
"Diba ikaw ang kasunod ko?" Tumango si Aubrey pagkatapos ay huminga ng malalim tsaka kinuha ang bola.
Pinaikot na niya ang roleta at nang malapit na itong huminto ay binitawan na niya ang bola. Nang malaman ang numero niya, kwatro, ay biglang nagliwanag ang damit na suot niya at nilipad siya nito mula sa ere. Nang maglanding siya ay lumabas ang isang napaka-lakas na ipo-ipo mula sa roleta at nang mahawi ito sa ere ay nalaman na nila ang sunod na simbolo.
"A-ano yan?" Kunot-noong sabi ni Hans dahil hindi niya maintindihan ang mga nakikita niya.
"Parang gubat? Pero bakit parang nangangain yung puno? Weird," sabi ni Cielo na hindi inaalis ang tingin sa simbolo.
Nang maglaho iyon sa ere ay naglaho rin ang bola lasabay ang roleta. Tama nga si Carlita sa sinabi nito kanina. Mukhang ganon ang magiging sistema dito dahil nasa loob na sila ng mismong game.
"Kinakabahan ako. Parang masama yata ang naging pag-ikot ko. Baka mapahamak na naman tayo nito," sabi ni Aubrey habang nakatingin sa kanila.
"Wag kang mag-alala. May mga kapangyarihan naman tayo. Kaya mapo-proteksyonan natin ang mga sarili natin." Ngumiti si Cielo matapos nitong sabihin iyon.
"Nasaan na nga pala tayo? Anong eksaktong lugar sa game ang kinaroroonan natin?" tanong ni Aubrey nang mapansin ang madilim na parte sa harapan nila at ang mga halamang nagsasayawan dahil sa lakas ng hangin.
"Kapatagan?" sabi ni Hans kasabay ang pagtawa. Hindi tuloy nila naiwasang matawa dahil sa sinabi nito.
May point naman ito e. Para ngang nasa kapatagan sila ngayon. Hindi nga lanh nila sigurado kung kapatagan nga ba talaga rito. Kasi hindi sila familiar na lugar na ito.
Lumakad pa sila at konting dipa nalang ang layo nila sa madilim na parte na iyon. Ang weird nga e. Maliwanag sa parteng kinaroroonan nila tapos pagdating doon ay iba naman. Nakakahindik at nakakakilabot.
Ano kayang lugar iyon?
"G-guys..."
"Bakit Carlita?" tanong ni Cielo.
"A-anong lugar yan? Kailangan ba talaga nating dumaan diyan?" Nakikita nila ang takot sa mga mata ni Carlita.
"Oo. Dahil sa tingin ko, yan ang ibig sabihin ng simbolo na nakuha mo kanina. Isang madilim na kagubatan. Isang kagubatan na mapanganib at malupit. Ayokong takutin kayo pero ngayon palang sinasabi ko na sa inyo na ihanda niyo ang mga sarili niyo. Kailangan nating mag-ingat ng husto mamaya kapag nakapasok na tayo sa loob," sabi ni Hans at ngumisi. Mas lalo tuloy silang kinilabutan sa mga narinig nila.
"Pagmasdan niyo ang tupang iyon," sabi pa ni Hans habang tinuturo ang munting tupa na naglalakad papasok ng kagubatan.
Nakatitig lang sila rito hanggang sa makapasok na nga sila sa loob. Wala pang isang minuto ang nakalilipas ay nakalabas na rin ito agad. Ngunit hindi na gaya ng dati. Patay na ito at duguan pa. Para itong sinaksak kung titignan pero imposible namang magkaroon ng taong nakatira sa loob ng lugar na iyan. Kung hindi tao, ano?
Ano ang nag-aabang sa kanila sa loob ng kagubatan?
"A-ayoko! H-hindi ko kayang pumasok sa loob!" takot na sabi ni.Carlita sabi habang nakatakip sa kaniyang bibig ang dalawa niyang kamay.
"Bawal ka humindi. Dahil unti-unti nang naglalaho ang lugar na ito," sabi ni Cielo at tinuro kay Carlita ang paligid.
Totoo nga. Unti-unti nang naglalaho ang lugar na ito. Mukhang ganon ang mangyayari kapag nakuha na nila ang susunod na simbolo. Isang lugar ang mawawala dahil mapapalitan na naman ito ng panibago.
"Tara na?" tanong ni Hans habang hawak ng mahigpit ang wand niya. Napahanda rin ang iba dahil sa kaniya at sumunod na sa kanya matapos iyon.
Maging ligtas sana sila pagkatapos nito.
