Kabanata 2: Magical Light

1.2K 32 6
                                        


Kinabukasan ay maagang nagising si Cielo. Mabilis siyang naghanda bago bumaba ng kusina upang makapag-almusal. Nakangiti ang lahat sa kaniya nang makababa na siya. Nakakagaan ito ng pakiramdam para sa kaniya. Masaya siya't may ganito siyang klase ng pamilya na kuntento sa kung ano lang ang meron sila.

Hindi sila mayaman. Hindi rin sila mahirap. Kumbaga, sila yung nasa pagitan lang ng dalawang iyon. Nakakakain sila tatlong beses sa isang araw. Sapat ang perang kinikita ng mama't papa niya para sa pagkain nila sa araw-araw at sa gastos nila sa eskwela ng kapatid niya.

Hindi siya pala-absent sa klase sa totoo lang. Ganado pa nga siyang pumasok dahil gusto niyang may natututunan siya sa araw-araw. Ngunit may mga pagkakataon na hindi niya maiwasang mainis dahil may ibang teacher siya na mga walang kwenta magturo. Nasasayangan siya ng oras sa pakikinig sa mga ito. Nagaaksaya lang rin ito ng mga laway sa pagsasalita sa kanila. Dahil wala naman silang matutunan sa totoo lang.

"Oh, bakit parang ang aga mo yata ngayon, Cielo?" Napatingin si Cielo sa tanong ng nakatatanda niyang kapatid na si Venice. Maging ang mama't papa niya't napatingin rin sa kaniya dahil doon.

"Bakit masama ba?" Umirap muna siya bago umupo sa tabi ng Papa niya at nagsimulang kumain.

Natawa lang ang mama't kapatid niya sa kaniya. Sinundan naman ito agad ng papa niya.

Naging tahimik ang atmosphere nila habang nasa hapag-kainan. Walang gustong magsalita at abala ang bawat isa sa kanya-kanyang ginagawa habang patuloy sa pagkain.

May kausap sa telepono ang mama't papa niya. May sinusulat naman ang ate niyang si Venice habang siya ay may ka-text sa cellphone. Si Hans. Sinabihan niya itong ihanda ang ilan sa mga makakatulong sa kanila para sa gagawing project. Sinabihan niya rin ito na h'wag na siyang hintayin sa labas ng bahay nila dahil mauuna na siya at didiretso sa bahay nito. Siya na lang ang bahalang magdala ng mga gamit na dadalhin niya.

Hindi naman marami ang dinala niya. Ang mga dinala lang niya ay ang mga bagay na maari nilang magamit habang nasa bahay sila nina Hans. Iyong mga maaari nilang paglibangan para di sila mabored habang gumagawa ng project. Books, since lahat naman sila ay mahilig magbasa. At portable dvd player, kapag gusto nilang manuod ng movies. Cd's siyempre. Marami silang pagpipilian dahil halo-halong genre ang nilalaman ng album na dinala niya. Koleksyon niya ito since first year high school pa lang siya.

"Aalis ka na?" Tumango lang siya sa Papa niya at hinalikan niya ito sa pisngi maging ang Mama niya.

"Bye, ate." Nagbeso muna sila ng kapatid niya bago niya sinukbit ang bag niya at naglakad palabas ng bahay nila.

Nang maisara na niya ang gate ay nag-abang siya agad ng taxi sa kalsada. Mabuti na lang at hindi natagalan at nakasakay na rin siya agad.

"Saan po tayo?" Napatingin siya sa driver nang tanungin siya nito.

"Sa Esperanza Village po, kuya," sabi niya bago magsimulang umandar ang sasakyan.

Natigilan siya sandali nang makita niya sa labas ng taxi ang isang taong pamilyar sa kaniya. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon yung lalaking muntikan na niyang mabangga kagabi. May hawak itong parisukat na bagay ngunit hindi niya masyadomg nakita kung ano ang bagay na iyon.

Nang silipin niya sa likod ang lalaki, nagulat siya nang makitang biglang naglaho ito. Dahil doon ay nakaramdam siya ng kaba at nagfocus na lang sa biyahe papunta sa bahay ng kaibigan niya.

"Ano'yon? Bakit biglang naglaho ang lalaking iyon?" bulong niya nang maalala ang nasaksihan niya kanina.

Nahihiwagaan talaga siya sa lalaking iyon.

-----××-----

Napapangiti nalang si Carlita sa tuwing naaalala niya ang nakita niya kagabi bago makauwi ng bahay nila. Hindi niya alam kung ano iyon at mas lalong wala siyang ideya. Sa unang tingin aakalain mong shooting star iyon pero hindi hugis bilog ang nakita ko. Hugis parisukat.

Napapaisip pa rin siya magpahanggang ngayon kung bakit nasa kalangitan iyon at kung saan iyon nanggaling. Nakapagtataka. Wala naman kasing napabalita sa tv na may magaganap na ganon kaya naman ganito siya mag-isip ngayon. Naguguluhan siya at parang may kakaiba sa bagay na iyon.

"Dito nalang po," sabi niya kay manong driver at inabot ang bayad niya at lumabas na. Hindi na niya hinintay pa na suklian siya dahil tip na niya iyon sa driver.

Hindi naman sa pagmamayabang pero sa kanilang apat na magkakaibigan, siya ang pinaka-mapera sa lahat. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya. Yes. Totoo iyon. Spoiled kasi siya. Pero noong bata pa siya nun. Nagkataon lang talaga na hanggang ngayon ay pinagbibigyan pa rin siya ng mommy't daddy niya sa gusto niya kaya malaya niyang gawin at mabili ang mga gusto niya.

Alam ng mommy't daddy niya na wala silang pasok ngayon dahil nga sa gagawa sila ng project. Pero kahit na ganon, binigyan pa rin siya ng mga ito ng pera para raw may maipangmeryenda sila ng mga kaibigan niya. Hindi naman niya ito tinanggihan at tinanggap niya ito agad.

"Sino na kayang nasa loob?" tanong niya bago pindutin ang doorbell.

Tinatawag niya ang pangalan ni Hans habang hinihintay kung sino ang lalabas. At hindi siya makapaniwala nang ang sumalubong sa kaniya ay si Cielo. Unexpected. Sa lahat ng inasahan niya, si Cielo pa ang mauuna sa kanilang tatlo papunta rito. It seems like desidido talaga itong matapos ang project nila ng mas maaga.

Nakakatawa.

"O, bakit late ka yata?" natatawang sabi ni Cielo habang pinagbubuksan siya ng gate.

"Sus. Ilang minuto ka lang naman na nauna sakin." Natawa lang si Cielo sa kaniya bago nito muling sinara ang gate.

Nang makapasok na sila sa loob, parang nanghina siya dahil nandito na pala ang dalawa pa sa kaibigan nila. So, ano 'to? Siya na lang pala talaga ang wala dito kanina pa? Nakakaasar. Ngayon lang nangyari sa kaniya ang bagay na ito

"Bakit ganyan ang mukha mo?" pang-aasar ni Hans sa kaniya habang nilalapag ang tinimpla niyang juice sa maliit na table na pinaggigitnaan ng dalawang malaking sofa.

Umupo siya sa tabi ni Aubrey at pinulupot ang mga braso niya rito upang gawin itong kakampi.

"Ate Aubrey oh! Inaaway nila ako!" Napahinto si Aubrey sa pagseselfie nito at sandaling tinapunan ng tingin si Hans.

"Tumigil ka nga, Carlita. Hindi tayo magkapatid," anito bago siya inirapan tsaka tumawa.

Nagtawanan silang apat.

"Gagawa na ba tayo ng project o maglalaro muna? Ano sa tingin niyo?" tanong ni Hans sa kanilang tatlo.

"I don't know. Kayo ang bahala. Tayong apat lang naman ang nandito sa bahay nina Hans ngayon," sabi ni Carlita.

"Oo nga no. Wala naman pala dito ang parents niya. What if, kung maglaro muna tayo? Kahit mga isa o dalawang game lang." suhestiyon ni Aubrey.

"Anong klaseng game naman?" tanong ni Cielo.

"Board game. Hindi ba't paborito nating lahat iyon?"

"Oo nga Aubrey. Pero anong klaseng board game? E halos lahat yata ng board game nalaro na natin. Wala bang bago?" sabi ni Carlita.

"Wala e. Pero, maghahanap kami ni Hans. Hintayin niyo kami," sabi ni Aubrey tsaka tumigin kay Hans.
Tumango lang ito pagkatapos ay sabay na umakyat ang dalawa papunta sa taas para mahanap ng malalaro.

"Bilisan niyo ah? Hihintayin namin kayo!" sabi ni Cielo.

"O, saan ka pupunta?" tanong ni Aubrey nang makitang tumayo si Carlita.

"Sa kusina. Bigla akong nauhaw eh," sagot ni Carlita bago magpumunta ng kusina.

Uminom lang siya ng isang basong orange juice pagkatapos ay naisipan niyang pumunta muna sa may garden. Ngayon na lang kasi siya ulit nakapunta rito sa bahay nina Hans kaya naisip niya na bisitahin ang garden. Dahil baka matagalan bago siya ulit makapunta rito.

Lumuhod siya habang dahan-dahang hinahawakan ang ilan sa mga bulaklak. Napangiti siya saglit dahil sa ganda nito. Maayos na maayos ang pagpapalaki at talaga namang alagang-alaga nila Hans ang mga bulaklak nila rito.

"Ang ganda talaga," manghang-mangha niyang sabi habang patuloy sa paghaplos sa mga mumunting dahon nito.

Napaatras siya bigla nang may liwanag siyang makita sa mga bulaklak. Muntikan pa siyang matumba ngunit mabuti nalang at agad niya iyong napigilan. Napapaisip siya sa nakikita niya ngayon. Sigurado siyang hindi ito mula sa mga halaman dahil imposibleng mangyari iyon.

Kung ganon, saan ito nanggagaling?

Cleighsia: A Game of Magic (Re-Magic)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon