Kabanata 17: Andora

174 11 0
                                        


"Tapusin na natin 'to."

Nagkatinginan ang tatlo dahil sa sinabing iyon ni Aubrey. Diretso pa rin ang tingin nito kay Merissa at hindi maalis sa labi nito ang nakakakilabot na ngising iyon.

"Sigurado ba siya diyan sa sinasabi niya?" Tumango lang si Hans kay Carlita.

"Papaano natin siya tatalunin? Ni hindi nga gumana ang flaming tornado na ginawa niyo kanina, e," sabi ni Cielo na naging dahilan upang mapaisip si Hans.

"Alam ko na." Ngumiti si Hans. Napatingin naman sa kaniya si Aubrey dahil sa narinig nito.

"Parehas ba tayo ng naiisip?" tanong ni Aubrey.

"Pagsama-samahin ang kapangyarihan na meron tayo upang talunin siya. Tama?" Napangiti lang si Aubrey.

"Ganon na nga." Ngumisi si Hans at iglap na tumingin kay Merissa.

Umayos na silang apat ng tayo. Nakatingin lamang sila kay Merissa habang nakapokus naman ito sa paglalaro sa wand nito. Hindi nila alam kung wala ba siyang pakialam sa pinaplano nila o sadya yatang malakas ang paniniwala nito na hindi nila ito matatalo. Nakakatawa. Kampante ito sa kapangyarihang meron ito laban sa elemento nilang apat. Tignan nalang mamaya kung sino ang magiging dehado kapag nag-umpisa na ang talagang labanan.

"Ano? Wala ba kayong balak na gawin?" Pangaasar ni Merissa kasabay ang isang nakakairitang pagtawa. Tumalikod ito sa kanila at humakbang ng lima. Kinutuban sila agad ng hindi maganda. Kaya naman sinabihan ni Aubrey sina Carlita na maghanda.

At hindi nga si Aubrey nagkamali.

Bago pa man nila makita ang mukha ni Merissa ay nakagawa na ito agad ng pag-atake sa kanila. Ginamitan na naman sila nito ng itim na mahika pero sa pagkakataong ito ngayon, gumawa ito ng mga maliliit na paniki na siyang aatake sa kanila.

Salamat sa mga kapangyarihan na taglay nila dahil nalalabanan nila ang mga nilalang na ito. Noong una'y inakala nilang natatalo nila ang mga ito ngunit hindi pala. Dahil mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Dahil sa bawat pagatakeng gawin nila sa mga paniki, mas lalo lang itong dumami. Dumami ito ng dumami hanggang sa mabalot na nga sila nito at wala na silang ibang nagawa pa kungdi ang manatili sa barrier na ginawa ni Carlita.

"Hindi natin sila kaya. Mas lalo lang silang dumami," inis na sabi ni Carlita habang patuloy na nakataas ang kanang kamay niya.

"Wala talagang kasing sama ang bruha na iyon. Talagang sinusubukan niya ang mga kapangyarihang taglay natin," bulong ni Hans habang matalim na nakatingin sa mga paniki sa paligid.

"Hindi sila mawawala hangga't buhay ang lumikha sa kanila. Mukhang mahihirapan talaga tayo sa kanya." Tinignan sila ni Aubrey isa-isa. "Talunin si Merissa. Iyon lang ang tanging solusyon sa problemang 'to," sabi pa ni Aubrey at tila may iniisip.

"Paano natin siya tatalunin kung hindi tayo makaalis sa pwesto nating 'to? Nakulong na niya tayo sa mga paniki niya. Ano nang gagawin natin?" Hindi na napigilan ni Carlita na tumaas ang boses niya.

Nababahala kasi siya ng sobra at baka maging ito na ang katapusan nila. Bago lang sa kanila ang magtaglay ng ganitong klaseng kapangyarihan. Ibang-iba sa katapat nila ngayon. Hindi hamak na mas bihasa ito pagdating sa paggamit ng mahika kaya posibleng matalo nila ito sa mga sandaling ito ng ganon kadali.

Black magic ang meron si Merissa habang four elements ang sa kanila. Kung titignan, dapat mas nakakalamang sila rito. Iyon ang tumatakbo sa isip nilang apat kanina pero sa nangyayari ngayon mukhang nagbago na. Hindi hamak na mas malakas sa kanila si Merissa dahil ito ang reyna ng kadiliman dito sa laro na ito.

Siya ang kontrabida sa buhay ng mga taong nakatira rito. Pero, teka. Kung siya ang kontrabida, ibig sabibin lang nito ay may bida. Natitiyak ni Carlita na may mahigpit itong kalaban kaya hindi nito mapagtagumpayan ang kasamaan nito sa lugar na ito na ngayon lang nito nagawa sa loob ng mahabang panahon. Sigurado siya.

Cleighsia: A Game of Magic (Re-Magic)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon