"Sigurado kaba na may makikita tayong board game dito Hans? Parang wala naman e," ang sabi ni Aubrey habang nag-aalis ng mga gamit sa lumang baul na pinaglagyan ng dating gamit ni Hans. Sabi kasi sa kaniya ni Hans ay doon siya maghanap dahil may mga naitabi itong board game doon gaya ng scrabble, chess, at kung anu-ano pa.
"Siyempre naman. Sigurado ako. Gamit ko ang mga nandiyan kaya siguradong may mahahanap ka," sabi ni Hans habang naghahanap naman sa iba pang lagayan na nakatambak dito sa dating kwarto niya.
Halos maubo na sila dahil sa maalikabok na mga gamit na nandito pero hindi pa rin sila tumitigil hangga't wala silang nahahanap na kahit na anong board game na pwedeng malaro nila. Ayaw nilang mapahiya sa mga kaibigan nilang nasa ibaba na naghihintay kaya naman, patuloy pa rin sila sa paghahanap.
"Bwisit. Hindi ko na kaya. Labas na tayo Hans, please? Hindi ko na kayang tagalan ang alikabok dito. Feeling ko magkakasakit pa yata ako," sabi ni Aubrey na sinundan ng pag-ubo niya.
"Sorry Aubrey. Sige, lalabas na tayo. Siguro manuod na lang tayo ng movie. Next time na lang tayo maglaro," sabi ni Hans bago nito mapagdesisyunan na lumabas na lang. Sumunod naman agad si Aubrey sa kaniya.
"Okay kalang ba?" tanong niya kay Aubrey nang makitang inuubo pa rin ito.
"O-oo. Okay lang ako. Wag ka mag-alala."
Hindi niya maiwasang makonsensya nang makitang muling inubo ito. Kasalanan niya ito. Siya ang nagdala sa kaibigan niya sa maalikabok na lugar na ito.
"Sigurado ka? Pasensya ka na, ah. Dapat pala, hindi na kita sinama pa dito. Magkakasakit kapa tuloy nang dahil sakin." Napayuko siya matapos sabihin iyon.
"Hindi. Wala kang kasalanan. Kusa kitang sinamahan dito kaya wala kang dapat na ipag-alala. Okay lang ako. Promise." Napangiti siya nang makitang ngumiti rin si Aubrey.
Nagtawanan sila matapos iyon.
"Ano, tara? Baba na ba tayo?" Tumango lang si Aubrey sa kaniya at pagkatapos ay sabay na silang bumaba.
-----××-----
Tatayo na sana si Cielo upang puntahan si Carlita sa kusina nang marinig nila ang malakas na sigaw nito. Hindi niya alam kung anong nangyari kaya labis ang kaba niya. Sigurado siyang sa garden nina Hans nanggagaling ang sigaw kaya naman agad niya iyong pinuntahan.
"A-ano yan?" nagtatakang tanong niya nang makita ang malakas na liwanag na nagmumula sa mga bulaklak.
"Can you explain what's happening, Hans? Anong nangyayari sa mga bulaklak niyo?" tanong ni Aubrey kay Hans nang makarating ang dalawa sa garden.
"Hindi yan sa bulaklak nanggagaling." Napatingin ang lahat kay Cielo nang magsalita ito at lumakad palapit sa mga bulaklak kung saan naroon ang liwanag.
Nagkatinginan ang tatlo nang biglang maglaho ang liwanag na iyon nang makalapit na si Cielo. Nakapagtataka. Iyon ang unang naisip ng mga kaibigan niya dahil sa ginawa niya.
Ngunit, may ginawa nga ba siya para mawala ang liwanag na iyon?
Nang ibaba ni Cielo ang tingin niya ay nakita niya si Carlita na tila takot na takot habang dahan-dahang tumatayo. Inalalayan niya ito agad nang makitang parang matutumba na naman ito. Napangiti ito nang makita siya ngunit agad ring nawala iyon.
Isang bagay naman ang nakita niya sa Likod ng mga bulaklak matapos iyon.
"Guys! Lumapit kayo dito! Dali! Tignan niyo 'to!" Lumingon siya at sinenyasan ang tatlo na lumapit sa kaniya.
Umiling-iling lang si Carlita marahil dahil sa natatakot pa rin ito sa liwanag na nakita nito kanina. Nang tignan niya naman si Aubrey ay sinesenyasan niya ito ngunit tumanggi ito dahil nakakapit rito si Carlita. Sinenyasan niya naman si Hans ngunit tila hindi ito interesado sa nakita niya.
"Okay, fine! Ipapakita ko nalang ito sa loob!"
Pumasok na ang tatlo sa loob apat at muling umupo sa sofa. Pinainom muna nila ng orange juice si Carlita para naman kumalma ito at mawala ang takot na nararamdaman nito kanina. Si Aubrey ay may kinakalikot na naman sa cellphone nito at siguradong facebook account na naman nito iyon.
"Ayos ka lang ba?" Tumango lang si Carlita sa tanong sa kaniya ni Aubrey at tipid na ngumiti.
"Alam mo ba kung bakit may liwanag doon kanina? Saan iyon nanggaling?" tanong ni Hans.
"H-hindi ko rin alam. Wala akong idea. Pinagmamasdan ko lang naman ang mga bulaklak na tanim niyo doon hanggang sa lumitaw ang liwanag na iyon." sabi ni Carlita.
Napatingin silang lahat kay Cielo nang dumating na ito at alisin nito ang mga nakalapag sa mesa. Inilipat niya ito sa may kusina. At pagkabalik ay may inilapag siya na bagay sa mesa na talaga namang kakaiba.
"Saan mo nakuha yan, Cielo? Wala kaming ganyang klase ng board game dito sa bahay namin," sabi ni Hans sa kaniya kaya napatingin ang iba rito.
"Sa palagay ko'y diyan nanggaling ang liwanag na iyon. Sounds weird, right? Pero anong malay natin? Baka may magic na bumabalot sa bagay na yan." Ngumiti si Cielo na siyang nagpakaba sa tatlo niyang kasama.
"So?" Ang nasabi lang ni Aubrey.
"Ina-attract niya tayong laruin natin siya. So, wanna play?" Nagkatinginan naman silang apat sa sinabing iyon ni Cielo.
"No! Ayoko! Nasisiraan ka na ba? Itapon mo na nga yan, Cielo! Baka may mangyari pang hindi maganda!" sigaw ni Carlita at akmang kukunin ang board game pero mabilis itong nakuha ni Cielo.
"'Wag nga kayong oa. It's just a game. Anong masama? Hindi ba't gusto niyong maglaro ng board game? Something new, right? So, what's the problem guys? Naiba na ba ang plano?" Ngumisi si Cielo matapos sabihin iyon.
"Okay, maglalaro tayo. Pero isang beses lang gamit ang board game na yan. Deal?" sabi ni Hans tsaka tinignan ang dalawa. Umiiling pa rin si Carlita pero sa bandang huli ay napapayag rin ito.
Napangiti si Cielo matapos iyon.
"Good. So, let's play?" sabi ni Cielo kasabay ng isang makabuluhang pagngisi.
