"P-portals?" ang tanong ni Cielo habang isa-isang pinagmamasdan ang mga nakapaligid sa kanila.
"Hindi ko alam kung anong meron sa loob niyan pero isang bagay lang ang naiisip ko ngayon..." Napatingin sila kay Hans dahil sa sinabi nito.
"...kailangan na nating makalayo kaagad rito."
Tiyak ni Hans na kumunot ang noo ng mga kaibigan niya dahil sa sinabi niya Pero kasi iyon lang ang bagay na unang pumasok sa isip niya nang makita ang mga portals na ito. Sa mga palabas kasi na napapanood niya, nanghihigop ang mga portals kagaya nito papasok sa loob. Magugulat ka nalang na nakapunta ka na sa isang lugar na hindi mo alam pagkatapos mangyari ng bagay na iyon.
"G-guys?" Muli silang napatingin sa mga portals dahil sa tono ng boses ni Carlita. Parang may halong takot ito na nagpakaba sa kanilang lahat.
"Uh oh," bulong ni Aubrey nang makitang umiilaw ang isa sa mga portals na tila ba lumilikha ng isang enerhiya.
Nagkatiginan sila nang dahil doon hanggang sa mapasigaw nalang sila dahil bigla sila nitong hinigop papasok ng portal.
"Aaaahhhhh!!" sigaw nilang lahat habang nasa loob na ng portal at palutang-lutang.
Pumikit na lamang sila upang hindi nila makita ang mga susunod na mangyayari. Medyo kinakabahan sila at baka mapadpad sila sa isang lugar kung saan maraming mga mababangis na hayop at bigla silang lapain.
Ilang segundo pa ang lumipas at naramdaman nalang ni Cielo ang sarili niya na bumagsak sa madamong lugar. Tatayo na sana siya nang may bumagsak sa likod niya, si Carlita. Parehas na tuloy silang umiinda ng sakit sa likod buhat ng pagkakabagsak. Pero ang mas ikinabigla nilang dalawa ay nang sabay na bumagsak sina Aubrey at Aubrey at Hans sa likod nila. Napasigaw rin ang dalawa gaya nila. Ngunit mas nasaktan silang dalawa ni Carlita. Dahil sila ang nasa ilalim.
"Aray. Ang sakit ng likod ko," inda ni Cielo habang sinusubukang makawala mula sa pagkakadagan ng dalawa sa likod niya.
Mabuti nalang at gumulong yung dalawa sa likod niya kaya medyo gumaan ang pakiramdam niya. Nawala na ang pangangalay at sakit niya pero panandalian lang pala iyon. Dahil nang subukan niyang tumayo ay muli siyang natumba dahil hindi biro ang pagkakabagsak nila mula sa portal na iyon.
Masakit talaga.
Napatingala sila kung saan sila nanggaling at nakita nila ang portal na unti-unti ng nagsasara. Tuluyan nang nawala ang pag-asa nila na makabalik pa sa pinanggalingan nila. Dahil sa mga sandaling ito ay nandito na naman sa sa panibagong lugar. Hindi nila alam kung anong klaseng lugar na naman ito pero binalikan na naman sila ng kabang kanina pa nila iniiwasan.
"Guys? Ayos lang ba kayo?" tanong ni Hans.
Nang tuluyan nag makabangon si Cielo ay sumandal siya sa isang puno na malapit sa kaniya. Huminga siya ng malalim at dinama ang buong katawan niya. Masakit pa rin talaga. Hindi niya tuloy alam kung makakatayo ba siya nito o kailangan muna nilang magpahinga dito pansamantala hanggang sa bumalik na ang mga lakas nila.
Biglang sumagi sa isip niya ang board game. Nasaan na nga pala ito? Sino ang huling humawak nito bago sila higupin papasok ng portal? Kinakabahan siya. Hindi maaaring hindi nila matapos iyon dahil doon nakasalalay ang mga buhay nila.
Kung hindi nila matatapos ang laro, posibleng makulong na sila sa lugar na ito nang panghabang buhay. Walang pamilya. Walang mga kaibigan. Walang mga guro. Walang internet. Wala lahat. Para silang nasa isang survival game kung saan ang tanging daan upang mabuhay ay ang maging maparaan at maabilidad. Ito ang mga katangian na kailangan nilang taglayin habang narito sila sa pambihirang lugar na ito.
"Hans? Hawak mo ba ang board game?" Lumingon si Cielo sa direksyon ni Hans at isang pag-iling lang ang tinugon nito sa kaniya.
"Aubrey? Hawak mo ba?" Umiling rin si Aubrey sa naging tanong niya.
"Don't worry, nasa akin ang board game. Sa ngayon, pwede bang dumito muna tayo? Ang sakit talaga ng katawan ko e." Nakabangon na rin si Carlita at ganon rin ang iba pa. Pare-parehas silang sumandal sa isang puno rin na malapit sa pinagbagsakan nila.
"Sige. Sang-ayon ako diyan." Ngumiti si Hans na sinuklian rin ng iba ng isang pagngiti.
Sa mga sandaling ito, kailangan nilang maging matatag. Kailangang positive lang sila. Wala silang kailangang isiping negatibo. Ang kailangan lang nilang isipin ay matapos ang laro anoman ang mangyari. Dahil ayon sa mga nakasulat sa game, hindi babalik sa dati ang lahat kung hindi nila ito matatapos laruin.
Sana nga lang at mapabilis ang paglalaro nila nang sa gayon ay makauwi na sila sa kanya-kanya nilang pamilya. Masaya nga sa lugar na ito dahil puno ito ng magic pero iba pa rin ang saya kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Dahil para kanila, mas importante ang pamilya sa kahit na anong bagay sa mundo. Dahil talikuran ka man ng lahat ng tao sa mundo. Ang pamilya, mananatiling pamilya yan. Hindi sila aalis sa tabi mo bagkos ay mas palalakasin pa nila ang loob mo at ipaparamdam nila sa'yo kung gaano ka kaimportante bilang parte ng pamilyang meron ka.
"Ano na namang iniisip mo?" Natigil ang pagmumuni-muni ni Cielo nang kausapin siya ni Aubrey.
"Wala. Nami-miss ko lang sina Mama," malungkot niyang sabi at saglit na lumingon sa isang direkyon at bigla niyang naalala ang mga bulaklak na kumakanta kanina. Gusto niya tuloy biglang makinig doon ng kanta para mawala itong lungkot niya.
"Ako nga rin e. Sana kasi hindi na natin nilaro yung board game e. Kung saan-saan na tuloy tayo napadpad. Posible kayang mahanap nila tayo?" Napatingin sila kay Carlita dahil sa sinabi nito.
"Imposible yang sinasabi mo. Nasa ibang lupalop na nga tayo at maging tayo nga'y hindi natin alam kung paano makabalik," sabi ni Cielo at muling sinubukang makatayo baka sakaling bumalik na sa dati ang lakas niy.a
"Oh! Nakakatayo ka na? Hindi na masakit ang buong katawan mo?" Napangiti nalang siya dahil sa sinabing iyon sa kaniya ni Hans.
"Oo nga! Hindi na sumasakit!" Inunat-unat niya pa ang mga braso niya at pagkatapos ay tumalon-talon pa siya. Totoo nga. Wala na.
Naumbalik na sa dati ang lakas niya.
Naglaho bigla ang ngiti sa labi niya nang mapansin niyang may nakatitig sa kaniya mula sa likod ng punong sinasandalan nina Carlita. Noong una'y akala niya'y namamalikmata lang siya pero nang kusutin niya ang mga mata at muli siyang tumingin doon, nakatingin pa rin ito sa kaniya.
Napalunok tuloy siya ng mariin habang pinagpapawisan ng matindi sa kinatatayuan niya.
Sino ang taong iyon?
