Napakunot ng noo si Hans nang makita ang reaksyon ni Cielo habang nakatingin ito sa direksyon nila. Weird. Iyon lang ang biglang sumagi sa isip niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganon na lang ito kung makatingin sa kanila?
"Anong problema niya?" tanong niya kay Carlita habang hindi inaalis ang tingin niya kay Cielo.
Sumulyap ng tingin si Carlita kay Cielo at maging ito ay hindi rin maintindihan kung bakit ganon ang kilos ng kaibigan. Naiisip tuloy nilang dalawa ngayon na baka nasisiraan na si Cielo ng bait. Hindi naman kasi ito ganon kanina e. Ang layo. Masigla at masaya pa ito kanina nang mapagtanto nitong nanumbalik na ang dating lakas nito. Ngunit sa nakikita nila ngayon, tila ba nagkamali sila. Hindi pa pala ito totally okay. May mas malala pa palang naidulot ang pagkakabagsak nito nang makalabas sa portal.
"Hoy! Anong nangyayari sa'yo?! Nasisiraan ka na ba?" sigaw ni Hans rito na hindi man lamang pinansin ni Cielp. Diretso parin ang tingin nito sa direksyon nila kaya naman nabahala na sila.
"Look at her. Nababaliw na yata siya," bulong ni Carlita kaya mas lalong lumakas ang kabang nararamdaman nila.
"Hindi ba kayo nagtataka kung anong tinitignan niya sa direksyon natin?"
Napaisip sila sa sinabing iyon ni Aubrey. Posible kayang hindi talaga sila ang tinitignan ni Cielo? Kung hindi naman sila, e sino? Ano? Sa pagkakaalam nila ay isang puno lang naman itong sinasandalan nila Maliban doon, wala nang iba. Hindi naman ito nagsasalita kagaya ng nakita nila kanina. Ibang lugar na ito. At malayong-malayo ito sa unang lugar na pinanggalingan nila kanina.
Naguguluhan sila.
"Cielo? Okay ka lang ba?" Hindi pa rin nagsalita si Cielo. Napailing lang ito sa naging katanungan ni Aubrey sa kaniya.
"Umalis na kayo diyan," sabi ni Cielo na siyang pinagtakhan nila. Hindi nila makuha ang punto ni Cielo. Hindi naman kasi nito sinasabi sa kanila ang nakikita nito.
"Bakit niya tayo inapaalis? Ano ba kasing meron? Bakit hindi nalang niya tayo diretsuhin para alam natin kung ano ang nangyayari?" inis na tanong ni Hans.
"Ha? Bakit kami aalis?" tanong ni Carlita.
"Basta umalis na kayo diyan!"
Nang sandaling iyon, napasunod nalang sila sa sinabi ni Cielo. Mabuti at hindi na masakit ang mga katawan nila kaya nakatayo sila kaagad at lumapit sila sa kaibigam na hindi pa rin nawawala ang takot at kaba.
"Ano bang problema? Ano ba kasing tinitig---"
Hindi na natapos pa ni Carlita ang sasabihin niya nang sundan nila ng tingin ang tinitignan ni Cielo. Parang napako sila sa kinatatayuan nila at hindi na maalis ang mga mata nila sa kakatingin sa direksyong iyon.
Hindi ba sila namamalikmata? Totoo ba itong nakatingin sa kanila ngayon at nakasilip sa likod ng punong pinagsandalan nila kanina? Hindi nila ito masabi. Lalo pa't hindi pa nila ito makita ng harapan. Kalahati lang ng mukha nito ang kita nila at hindi nila maiwasang hindi mapalunok kapag naiisip kung anong klase ng balat meron ang nilalang na iyon.
Balat ahas.
"Sabihin niyo, namamalikmata lang tayo, diba?" kinakabahang sabi ni Aubrey nang sandaling makita na din niya ito.
"Ano ang nilalang na iyan?!" shocked naman na sabi ni Carlita habang dahan-dahang nilalapitan ito.
"Lumayo ka diyan!" pigil ni Cielo rito. Pero sadya talagang matigas ang ulo ni Carlita kaya hindi siya nito pinakinggan. Talagang lumapit pa ito ng husto at hinawakan ang balat ng nilalang na iyon gamit lang ang hintuturo nito.
"Aaahhh!!" sigaw ni Carlita nang bigla itong kumilos at tumitig sa kanya. Napaatras siya at napaupo siya sa mga damo. Sinubukan niyang tumayo pero tila tinakasan siya ng lakas ng mga sandaling iyon kaya tanging pag-iyak nalang ang ginawa niya.
"Tulungan niyo ko!"
Nataranta silang tatlo nang humingi na ng tulong si Carlita. Napatakbo sila bigla palapit sa kanya at binuhat nila siya palayo sa kung anomang nilalang na iyon. Nakakakilabot. Hindi ito pangkaraniwang tao. Kalahati ng katawan nito ay nababalot ng balat ahas.
"'Wag ka na matakot. Nandito lang kami," pagpapakalma ni Cielo sa kanya. Hinihingal pa rin siya at sa mga sandaling ito ay hindi na siya tumitingin sa direksyon kung saan nila nakita ang kakaibang nilalang na iyon.
"Kung sino ka man, nagmamakaawa kami sayo, 'wag mo kaming sasaktan," ang pakiusap ni Hans habang nililibot ng tingin ang paligid. Bigla nalang kasing nawala sa paningin nila ang nilalang na iyon.
Hindi nila napansin kung saan ito pumunta kaya ganito nalang ang kaba nila. Baka kasi saktan sila nito o ang mas malala ay patayin. Hindi naman nila hahayaang mangyari sa kanila ang bagay na iyon. Hinding-hindi. Mahal nila ang mga buhay nila. At hindi ito pwede matapos nang ganon-ganon lang.
"'Wag kayong matakot sakin. Hindi ako nananakit."
Sabay-sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Napaatras sila dahil sa gulat nang makita nila ng buo ang itsura ng nilalang na iyon. Kalahating tao at kalahating ahas ang nilalang na iyon.
Hindi nila alam kung anong tawag sa nilalang pero ang alam nila, kaya nitong mag-anyo na gaya ng ahas. Mabilis ito kumilos at malakas ang pandinig pagdating sa mga ingay sa paligid.
Nakasisiguro sila sa bagay na iyon.
Kaya siguro nito--- si Cielo. Si Cielo ang una nitong nakita kanina. At ngayon, nakikita na rin nila ito at nakikita na rin sila nito. Wala lang silang ideya kung bakit sila nito pinuntahan.
Balak kaya nitong saktan sila o nais lang nitong maging kaibigan sila?
Wala silang ideya.
"S-sino ka ba? B-bakit ganyan ang itsura mo?" Sinubukan ni Carlita na titigan ito sa mata habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Kinaya naman niya ng ilang segundo ngunit agad niya rin itong tinigil. Marahil dahil nabibigla pa rin siya na nakakita siya ng ganitong klaseng nilalang sa lugar na ito.
Ano ba kasing lugar itong napuntahan nila.
"A-ako si Akira. At isa akong Viferian." Tinignan sila nito is-isa. Akira. Akira ang pangalan ng nilalang na iyon.
Nawala naman ang pagdududa nila kay Akira nang magpakilala na ito at makita ang matamis nitong ngiti. Ngayon sigurado na silang hindi nga sila nito sasaktan.
Mapagkakatiwalaan si Akira.
"P-pwede ko ba kayong maging mga kaibigan?" tanong ni Akira sa kanila habang napapanuod nila ang pagbabago nito ng balat.
