Kabanata 13: Winter is Coming

187 19 2
                                        


"Kailangan nating iligtas si Akira," bulong ni Cielo.

Hindi pa rin maalis ang mga tingin nila sa pangyayaring nasasaksihan nila ngayon. Nililingkis na ng ahas na iyon ang buong katawan ni Akira. Hindi na nga nila makita ang hitsura nito dahil napapalibutan na ito ng katawan ng ahas. Kinakabahan sila at baka matuluyan ito

Anong dapat na gawin nila?

"Takot ang mga ahas sa apoy. Kailangan nating iligtas si Akira," buong tapang na sabi ni Cielo habang nakatitig kay Hans.

"Bakit sakin ka nakatingin? H-hindi ako marunong gumawa ng apoy." Umiwas ng tingin si Hans dahil hindi niya makayanan ang pagtitig na ginagawa sa kanya ni Cielo.

"Hindi mo kailangang gumawa ng apoy. Dahil ikaw ang may hawak ng fire element. Ang kailangan mong gawin ay mag-focus upang makagawa ka ng apoy. Sa ganoong paraan, maliligtas mo si Akira."

Napakunot nalang ng noo si Hans sa sinabing iyon si Cielo. Saan naman kaya ito nakukuha ng mga pinagsasasabi nito sa kaniya? Wala siyang gaanong nabasa sa board game kanina kaya hindi niya maiwasang mapaisip dahil sa mga tinuran ng kaibigan sa kaniya. Ayoko sana niuang paniwalaan pero sa ngayon ay ito ang kailangan. Walang mangyayari kung hindi niya susubukan.

Kailangan nailang mailigtas si Akira.

"Ano bang pinagsasasabi mo? At saan mo naman nakuha yan?" tanong niya.

"Pwede ba, makinig kayo sakin? Alam ko ang ginagawa ko." Hinarap ni Cielo ang mukha nito sa kaniya at ngumiti. "Alam kong kaya mo. Pumikit ka at iligtas mo ang kaibigan natin sa nilalang na iyon," sabi pa ni Cielo bago tapunan ng tingin ang dalawa pa.

"Sigurado ka ba diyan sa plano mo?" tanong ni Carlita na sinuklian lang ni Cielo ng ngiti.

Siguro nga'y tama ang naiisip niya. Tig-iisa sila ng elemento na tinataglay dahil sa mga character nila sa larong ito. Hindi malabong taglay nila ito dahil sila mismo ang nagre-representa sa mga iyon.

Nakukuha na ni Hans ang punto ni Cielo. At gaya nga ng sabi nito, kailangang magfocus siya. Kaya naman ang ginawa niya ay lumayo muna sa iba upang maiwan siyang mag-isa. Matapos niyon ay nakita siya nilang pumikit at sinimulang magfocus.

"Kaya mo yan Hans," bulong ni Cielo habang diretso lang ang tingin sa kaniya.

Maya-maya'y napanganga na lang si Carlita nang makitang nagkaroon ng apoy ang magkabilang kamay ni Hans. Noong una'y hindi siya kumbinsido na apoy nga talaga iyon. Pero nang makitang nasusunog na ang paligid dahil sa ginagawa ni Hans ay napalunok siya. Baka ikapahamak kasi nila ito.

"Patigilin niyo na siya," utos ni Cielo.

"Paano? Tsaka, hindi pa natin sigurado kung ligtas na si Akira." Sinubukan ni Carlita na aninagin ang pwesto ni Akira kanina at nakita niyang mabilis na umalis ang ahas na iyon papalayo sa nasusunog na kagubatan. Naiwan si Akira na magisa doon na takot na takot dahil sa malaking apoy na pumapalibot rito.

"Tama na!!!" sigaw ni Aubrey.

Pumikit si Cielo. Ilang segundo ang hinintay niya bago niya muling imulat ang mga mata niya. Wala na. Wala na ang apoy. Wala na rin ang ahas na iyon at ang ibig sabihin lamang nito ay ligtas na si Akira.

Nakahinga sila bigla ang maluwag.

"Anong nangyari?" tanong ni Hans nang libutin ng tingin ang buong paligid.

"Ikaw ang may gawa niyan. Sabi ko naman sa'yo e. Kaya mo." Ngumiti si Cielo kaya napangiti na rin si Hans.

"Si Akira? Nailigtas ko ba?" Lumingon-lingon si Hans sa paligid at hinanap ang bago nilang kaibigan.

Namataan niya itong umiiyak habang nakaluhod at pinapalibutan ng mga sunog na puno. Dali-dali naman siyang tumakbo papunta doon at niyakap si Akira. Napangiti lang ang tatlo sa nakita nila.

"Ligtas ka na din sa wakas," masayang sabi ni Hans bago pa niya maramdaman na nakayakap na pala sa kanya si Akira. Tumingin siya sa direksyon ng tatlo at nagthumbs up lamang ito sa kaniya.

"Hindi pa rin akong makapaniwala na nagawa ni Hans ang lahat ng ito." Napatingin siya dahil sa sinabi ni Aubrey.

"Nasunog niya ang halos one-fourth ng kagubatan nang hindi siya umaalis sa pwesto niya. Nakakamangha. Sinong mag-aakala na may mga kapangyarihan na pala tayo sa pagsisimula palang ng laro na ito?"

Tumingin sila kay Cielo.

"Bakit ba ang daming alam Cielo? Nalaro mo na ba ito dati?" Tinawanan lang si Carlita ni Cielo dahil sa sinabi nito.

"Kung anu-ano kasi ang naiisip ko. Gusto ko lang naman na subukan iyon at hindi ko inasahang pwede naman pala." Muling tumawa si Cielo.

"Baka naman may naiisip ka pa?" tanong ni Aubrey.

"Wala pa naman sa ngayon. Inform ko nalang kayo kapag meron na." Ngumiti si Cielo at lumapit kina Akira at Hans. Sumunod naman sila agad rito.

"Maraming salamat sa ginawa niyong pagtulong. Kung hindi niyo ginawa iyon, maaring napatay na ako ng bwisit na Barbara na yon." Hinihingal na sabi ni Akira habang nakahawak sa leeg nito. Ramdam pa rin siguro nito magpahanggang ngayon ang dinulot ng paglingkis ng ahas sa buo nitong katawan kanina.

Nanatili lang na nakangiti si Akira kahit na sa likod nito ay may sakit siyang nararamdaman. Nahihirapan pa rin siyang huminga ngunit binalewala niya ang lahat ng iyon upang hindi mag-alala ang magkakaibigan sa kaniya.

"Salamat sa tulong niyo." Ngumiti siyang muli sa apat.

Hindi niya napansin na umiiyak na pala siya. Sa sandaling panahon na magkasama sila, naging kaibigan na siya kaagad ng mga ito. Masaya siya dahil nakilala niya sila. At sigurado siyang ganon rin ang nararamdaman ng mga ito sa kaniya.

Tumindi ang lungkot na nararamdaman ni Cielo nang unti-unting maglaho sa harapan nila si Akira maging ang buong Viferia. Mistula itong naging abo at nilipad nalang ng hangin ng basta-basta.

Nang nilibot nila ng tingin ang buong paligid ay narito na naman sila sa pinanggalingan nila kanina. Ang lugar kung saan sila hinigop ng portal papasok sa lugar na iyon. Tandang-tanda pa rin nila ito.

"Bakit nandito tayo ulit?" Nagtatakang tanong ni Hans habang nakahawak sa board game.

"Hindi ko alam. Pero nagpapasalamat ako at nakabalik na tayo rito," nakangiting sabi ni Cielo.

"Sino na ang sunod na magpapaikot ng roleta?" tanong ni Hans.

Nagtaas ng kamay si Aubrey. Kinuha niya ang board game mula kay Hans at naglakad siya palayo sa mga portal. Sinundan naman siya ng iba at nang huminto siya'y nilapag niya ang board game sa tabi ng puno at doon nagsimulang paikutin ito.

Kinakabahan na napatingin sila sa roleta nang ihulog na niya ang bola nang malapit na itong mahinto. Number 3 ang nakuha niya. Nagsimula na sa paglipad sakay ng walis ang character niya. Nang marating na nito ang destinasyon nito ay lumapag ito at tumayo na lamang ng tuwid. Napalunok silang lahat para sa mga susunod na mangyayari.

"Winter is coming," bulong na sabi ni Aubrey habang nakatingin sa paikot-ikot na simbolo sa ere.

Isang snowflake.

Cleighsia: A Game of Magic (Re-Magic)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon