Kabanata 5: Rules and Reminders

475 28 5
                                    


Nataranta silang apat nang makita ang malaking palaka kaya napatakbo sila kaagad sa likod ng sofa upang makapagtago. Hindi nila alam kung katangahan itong ginagawa nila pero nakatingin pa rin sila sa palakang iyon at tiyak nilang nakatingin pa rin ito sa kanila  hanggang ngayon.

"Yung board game? Nasaan na?" Napatingin sila nang magsalita si Cielo.

"Akala ko dinala mo. Wala ba sa inyo?" Umiling-iling sila sa muling pagtatanong ni Cielo. Wala rin kasi sa isa sa kanila.

I-ibig sabihin...

"Bilisan niyo! Kuhanin niyo iyon!" sigaw ni Aubrey habang nakatingin kay Hans.

"Bakit sakin ka nakatingin? Ayoko! Ikaw ang nakaisip kaya ikaw ang kumuha!" Umiwas ng tingin si Carlita dahil sa inis.

"W-woah! 'Wag ako! Alam niyo namang takot ako sa palaka, diba?!" sabi ni Hans.

"O, sige na. Ako na ang kukuha. Nakakahiya naman kasi sa inyo." Umirap si Cielo at muling sumilip.

Nang muli siyang sumilip ay nakita niyang isa-isa nang kinakain ng palaka ang kahit na anong madikitan ng dila nito. Diretso agad sa bibig nito kaya napapalunok siya ng ilang beses. Hindi maganda na makita siya nito o isa sa kanila at baka maging almusal sila ngayong umaga nito.

"Mag-iingat ka," bulong ni Aubrey sa kaniya na tinanguhan lang niya.

Dahan-dahan siyang gumapang palapit sa mesa. Mabuti na lang at may sofa pa na nakaharang doon kaya hindi pa siya napapansin ng higanteng palaka. Mas mabuti. Ligtas siya kung ganon.

"Bilisan mo, Cielo. Bilis," rinig niyang bulong ni Aubrey habang diretso ang tingin sa kaniya.

Nang mahawakan na ni Cielo ang board game ay napasigaw sila nang biglang mawala ang sofa na nakaharang sa kaniya kanina. Napatingin siya sa direksyong iyon at maging siya'y natulala sa nakita niya. Ang malaking palaka ay nakatingin na ngayon sa kanya.

"Bilisan mo! Kuhanin mo at tumakbo ka na!" sigaw ni Hans. Kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.

Wala silang narinig na kahit na ano kay Cielo. Nagulat nalang sila nang bigla itong tumakbo papuntang second floor dala-dala ang board game. Muli silang napasigaw na tatlo nang kainin ng palaka ang mesa na pinaglalapagan nila ng mga gamit kanina.

"Anong gagawin natin? Iniwan na tayo ni Cielo!" Naiiyak na si Aubrey.

"Hindi niya tayo iniwan. Hinihintay niya tayong sumunod sa kanya sa taas," sabi ni Hans.

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? E wala nga siyang sinabi na kahit na ano kanina?" Medyo tumaas ang boses ni Carlita pagkasabi niya ng mga katagang iyon.

"Paano e nataranta rin siya sa nangyari? Mag-isip ka nga. We all don't know what's happening. Kaya normal lang naman siguro na magulat at mataranta siya kanina, diba?"

May point naman si Hans sa sinabi niya. Kung siya rin siguro ang nasa kalagayang iyon ay tatakbo nalang siya ng tatakbo para lang hindi niya na iyon makita pa. Ang mali lang ni Cielo ay hindi sila sinabihan nito kanina. Kailangan pa nila itong hanapin mamaya sa taas kapag nakaakyat na silang tatlo.

Pambihira.

Napaatras silang tatlo nang biglang mawala ang sofa na pinagtataguan nila. Nagkatinginan muna sila bago napagpasyahang umakyat ng sabay-sabay sa hagdan papuntang second floor.

"Cielo?! Nasaan ka?! Cielo?!" tawag ni Carlita habang palakad-lakad at palingon-lingon sa paligid.

"Cielo? Sumagot ka! Nasaan ka ba?!" si Hans.

"Guys nandito si Cielo!" sigaw ni Aubrey habang nasa tapat ng isang bukas na kwarto.

Napatakbo naman sila agad papunta doon at nang makarating sila ay bumungad sa kanila si Cielo na nasa sulok habang yakap-yakap ang board game.

Hindi na sila nagsalita pa at pumasok na sila at nilapitan ito. Napayakap naman ito agad sa kanila nang makita sila nito. Nag-iba bigla ang aura niya kumpara kanina. Kung kanina ay masaya ito at excited, ngayon ay takot na takot na ito at mukhang nais na niyang umuwi katulad ni Carlita kanina.

"Binasa mo ba Cielo kung tungkol saan ang game?" Kumalas na si Cielo sa yakap at tumitig sa mga mata ni Hans bago umiling.

"Nako, lagot. Mukhang isang malaking pagkakamali na nilaro natin iyon nang wala tayong sapat na kaalaman sa bagay na iyon. Hindi ko sigurado kung nanggaling sa game ang malaking palaka na iyon pero hindi ito maganda. Nasa panganib tayong lahat dito." sabi ni Hans.

"Siguro nga Hans. Ngunit anong dapat nating gawin para matigil na 'tong kalokohang 'to? Nasa ibaba lang ang palakang iyon at tiyak kong gagawin niya tayong panglamang tiyan oras na makita niya tayo," sabi ni Aubrey bago tumingin kay Hans.

"Sinasabi ko na nga ba. Dapat kasi hindi na natin itinuloy e. Kung magsumbong kaya tayo sa pulis at humingi ng tulong sa kanila?"

"Nasisiraan ka na ba Carlita? Sa tingin mo may maniniwala satin kapag sinabi natin na lumabas ang palakang iyon sa kung saan nang sandaling laruin natin ang board game na iyon?" Inirapan lang si Carlita ni Aubrey.

"Anong gusto mong gawin natin? Hintayin ang palaka dito at kainin nalang niya tayo? Wala tayong choice kungdi ang piliting makalabas sa bahay na ito at humingi ng tulong sa kahit na sino," sabi pa ni Carlita.

"Akin na nga yang board game. Babasahin ko." Inagaw ito ni Hans kay Cielo at binasa ang kahit na anong mga nakasulat rito.

CLEIGHSIA: A Game of Magic

"A game for those who wants to discover and see the magic behind the four elemental power."

Rules:
1. Don't touch the symbols
2. No cheating.
3. Each player should have their turn.

Reminders:
1. Play at your own risk.
2. Finish the game until the end.
3. Magic and mythical creatures is everywhere, so beware.

Napalunok si Hans sa mga nabasa niya. Hindi niya inasahan ang mga salitang mababasa niya tungkol sa board game. Kaya naman pala kakaiba ang pakiramdam niya dito sa umpisa palang dahil may bumabalot nga rito. Magic, mythical creatures and four elemental power? Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan pero sa mga nabasa niya, nacurious rin siyang malaman ang kinalaman ng mga iyon sa game na ito.

"Anong nabasa mo Hans?" tanong sa kaniya ni Cielo.

"Gaya ng instructions mo sa amin kanina, ganon nga laruin ang game. Pero ang hindi natin alam, once na nasimulan na natin ito, hindi tayo maaring tumigil hanggang sa matapos natin ito. Balot ng magic ang laro kaya asahan na natin ang mga kakaibang creatures. Kagaya ng malaking palaka kanina. Ngayon malinaw na dito nga siya sa game nanggaling." Tinignan niya ang tatlo nang matulala ito sa sinabi niya.

"So, sino na ang susunod na magpapaikot ng roleta?" sabi niya kasabay ang isang pagngisi.

Cleighsia: A Game of Magic (Re-Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon