CHAPTER 1
"Aish Amy, bakit hindi ka bumili ng shorts na mahaba! psh ang ikli pa, talagang nang aasar ka ba ha!"sabi ko kay Amy na nakayamot ang mukha
Ayaw na ayw ko pa naman ang maikli..
"Hoy, hoy Riyel, aba sinuswerte ka naman noh, ang baduy kaya ng mahaba"sabi naman ni Amy na halata talagang ayaw akong pasuotin ng mahahabang shorts
"Tsaka hello to earth Riyel, balak mo ba talagang maging lalaki ha! College na tayo di ka pa rin nagbabago"sabi naman ng isa kong kaibigan na si Jenel
"Hay naku Raniella Arielle Reyes, malapit na ang first day of school ng college, baka pagtawanan ka ng mga studyante kung ganun ang suot mo" sabi naman nitong si Annise
kapag talaga sila yung nagcocoment sakin, wala akong nagagawa kasi totoo naman yung sinsabe nila.
Ako nga pala si Raniela Arielle Reyes for short "Riyel" nalang itawag niyo sakin. Naasiwas kasi kasi ako sa buong pangalan ko kahit pa na sabi ng iba na maganda raw yung pangalan ko. Basta di ko feel yang name ko. Im 17 years old at sabi nila na kung umasta raw ako ay parang lalaki.
Eh sa yun naman ang gusto ko eh, wala silang magagawa. Katunayan niyan ay malapit na ang pasukan sa SILTH UNIVERSITY. Isa sa mga sikat na school sa pilipinas.Tutal medyo may karanyaan naman kami sa buhay ay napagdesisyon ng magulang ko na doon nalang ako mag aaral. Isang course lang pinagtutuunan lang ng school yun, ang Media and Music Arts.
ito yung course kung saan nagmula ang mga artista, singer, dancer, models, fashion designer, director, news caster, and etc. basta yung napaplooban ng media, mapashowbiz man o kung ano pa.
(authors note: ito ay kathang isip lamang, basta sakayan niyo nalang yung idea ko..)
"Amy, tumatawag ang mama mo sa phone mo"sabi ni annise na nagpapahinga sa sofa
kinuha ni Amy yung cellphone at lumabas
"Riyel, wla ba kayong pagkain jan at nakakagutom magbuhat ng gamit mo" umandar na naman ang kagutuman ni clare
"tsk, pano ka naman napagod ha, eh ang binuhat mo lang naman eh yung stroller bag, tss di nga buhat yun eh , hinila mo lang naman" sabi naman ni Jenel habang nagkyukyutiks sa kanyang kamay
"hay ang iingay naman ninyo, di sana di nalang kayo tumulong noh"sabi ko habang binibigayan sila ng cookies
Actually dito na ako maninirahan sa apartment since malapit naman na rin yung apartment ko sa school
"As if naman na meron pa ditong nakatira" sabi ni Amy na kakapasok palang sa sala
"Shopping nalang kaya tayo, ngayon ngayon na naman rin tayo makakapagbonding"sabi ni Elina na kakaimik palang dahil busy sa pagbabasa ng romance pocketbook
"Oo nga noh, tara magandang idea yan"sabi naman ni Clare
"Sus sabihin mo, gusto mo lang kumain sa restaurant dahil nagagalit na ang mga bulate sa tyan mo" pambabara naman ni Amy kay Clare
"oh oh tama na yan hintayin niyo lang ako at magbibihis lang"sabi ko at umakyat na sa taas
pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako.Pagkababa ko ay kung ano ano ang expression ng kaibigan ko sa aking suot
"Riyel ano ka ba naman , magshoshopping tayo, hindi maglalakad lang sa kanto jan"sabi ni Jenel
"Hay naku tara na , dahil di rin naman yan magpapapilit satin na magsuot ng maayos"sabi naman ni Amy
Huh? ano namang mali sa suot ko. ayos naman ah.
Ang suot ko kasi white t shirt na may drawing sa gitna na girl na nakaheadphone at blue pedal at light blue flat rubber shoes. diba ayos naman?
BINABASA MO ANG
WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVA
Teen FictionWhat if nakilala ng isang boyish girl ang isang casanova?.. magbabago ba ang kanilang buhay? o mananatili sila sa kanilang itinatayong prinsipyo sa sarili nila....? ....