CHAPTER 11: Ouch*

1K 25 0
                                    

Chapter 11 : Ouch

Riyel's pov

Arrggghh! saan ba kasi yung room niya!!! Nakakainis na!!!

Mahanap ko lang talaga yung lalaking yun, malilintikan saakin yun.. Pinapagod ako eh.

"Ikaw naman ang pumunta punta dito, hindi ka naman niya pinapunta"

"Oo na oo na, ako na ang pumunta dito! pwede ba imbes na ginagalitan mo ako, tulungan mo nalang ako mag isip kung saan ba talaga ang room niya" sigaw ko sa isip ko..

Nababaliw na naman ako..

Bigla pagkatingin ko sa gilid ko nakatingin yung matandang babae at parang takot na takot..

Lalapitan ko na sana ng tumakbo siya papunta sa elevator at dali daling pumindot ng number..

Anong nangyari dun?..multo ba ako?..tss...nakakatakot na ba ako ngayon?

"Oo dahil baliw ka"

Kumontra na naman ang isip ko..Aish asan na ba yun..?

Para akong tanga na lakad lakad tapos katok sa pintuan tapos balik elevator and then yun balik na naman sa paglalakad..

Parang baliw na nga ako eh, isipin mo ba naman kinakatok ko isa-isa yung pintuan tapos ang expression pa ng mga tao ay kilala-ba-kita-look. Yung iba nga eh nagagalit pa, at nangiistorbo daw ako, wala daw ako magawa sa buhay..

Eh sa wala akong magagawa eh,yun lang choice na magagawa ko, Makita kita ko lang talaga yang lalaking yan, pagkabukas niya ng pintuan susuntukin ko kaagad siya. Yung magiging panda na talaga siya sa sobrang itim ng blockeye. Ay nakuh! nakuh!makita lang talaga kita.


after 100000 years nahanap ko na siya. andito siya sa room 214.. paano ko nalaman? simple lang may dumaan na bellboy and ayun tinanong ko..

Andito na ako sa tapat ng room niya, humanda to sakin na lalaking to, pinagpapagod ako eh, nagdoorbell ako, aba! di ako pinagbubuksan ah, doorbell ako ulit


Kainis na lalaking to ah! di ako pinagbubuksan ng pintuan, grrr!!!! Nagdoorbell akong paulit-ulit, tingnan lang natin kung di ka makulitan sa akin. Masisira na nga yung doorbell button sa kakapindot ko eh. Ayan umikot na yung doorknob, lalabas na siya.

Eksaktong pagbukas niya, sinuntok ko kaagad sa mukha.Nabigla siya sa ginawa. Aba dapat lang yan sa kanya, naghihirap ang kalooban ko dahil sa kanya!

"What the hell!"sigaw niya habang kinakapitan yung ilong niyang dumudugo"Ano bang problema mo!"galit niyang sambit

"Problema ko?! ikaw pa talaga nagtatanong niyan ah, IKAW ang problema ko!"sigaw ko naman sa kanya

"Ganyan ka na ba kadesperadang babae? pati ba naman dito pupunta ka para makita lang ako"sabi niya at ngumisi ng nakakaloko


Parang di ata siya nasakitan sa suntok ko, suntukin ko pa kaya to at ng mahimasmasan sa pinagsasabi niya. Pasalamat siya at nagtitimpi pa ako sa lagay na yan. Sobrang hangin eh, akala mo lahat ng babae nagkakagusto sa kanya, well I'm not! kung sa ganyan lang din na lalaki magpapakamatay na lang ako noh!tss! kaya lumalaki ang ulo ng lalaking to eh!

"For your information, I'm not desperate woman, iba ako! hindi ako katulad ng mga linta mo!"nakakainis na lalaking to, ipakain ko siya sa tigre eh! kahit may dugo pa yung ilong niya, papaduguin ko pa yun..

"So nagseselos ka sa mga babae ko? "a at tumawa siya. Ang lakas talaga ng hangin dito, Me? magseselos?seryoso na ba siya dyan?, Ewww lang noh! Never akong magseselos kung sa kanya lang rin naman.. Di ba siya nasusuka sa pinagsasabi niya kasi ako sukang suka na! Upakan ko tong lalaking to eh.

WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon