L
Chapter 26:
Riyel's Pov
*knock *knock
Luh?! Ano ng gagawin ko?! Aish! Ayoko siyang makita. Hayst! Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Aish! Ano bang gagawin ko?!
Palakad lakad ako sa kwarto ko at nag iisip. After kasi ng nangyari kagabi, hindi ko na alam kung may ihaharap pa ba akong mukha sa kanya. Aish! It's just a kiss Riyel! Ba't ba binibigdeal mo iyon?!
*knock *knock
Aish! Ano bang gagawin ko?! Haharapin ko nalang ba siya na parang walang nangyari? Aish! Kainis! Ba't parang kinakabahan akong makita siya?! Aish! Hindi naman ito yung unang beses na nangyari yun ah?! Aaarrgghh, ano bang gagawin ko?!
Aish Riyel! Bat ka ba nagkakaganyan?! Hindi naman ikaw ang humalik sa kanya ah, siya naman tong hinila ka at napahalik sa kanya.Tama! Ba't naman ako kakabahan na magpakita sa kanya, eh in the first place, siya yung humila saakin para humalik sa kanya. Tama! Tama! Kaya wag kana kabahan Riyel.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Hooo! Kaya ko to! Kailangan ko nalang mag act na para walang nangyari. Tama, lets do this.
Pumunta na ako sa pintuan at pinagbuksan na ito.Ngunit isang maid ang bumungad saakin. Tumingin ako sa kaliwa at kanan dahil baka nandun lamang siya, pero wala.
"Ah, nasaan si Trevor?" Tanong ko sa kanya.
"Ah si Sir po? Lumabas po siya eh, pinapasabi lang po niya na kumain kana raw po" sabi nito at ngumiti.
"Saan naman daw pupunta?" Tanong ko uli
"Wala naman pong sinabi si Sir. Umalis nalang po ito"sagot nito
"Sasabay ba siya sa pagkain?" Teka! Ba't ba tanong ako ng tanong? Umiling lamang ang maid. Tumango nalang ako dito at lumabas na at isinarado na ang pintuan. Aish! Bat parang nalungkot ako ng hindi ko siya makita? Di ba dapat masaya ako dahil hindi ko makikita ang pagmumukha nun? At hindi na ako kakabahan pa? Aish! Ewan ko nga rin eh.
Kumain akong mag isa. Saan naman kaya pumunta yun? Hay, Teka?! Ba't ko ba siya hinahanap?! Mas mabuti na ngang wala siya eh, para hindi ko na maalala ang kahihiyan na nangyari kagabi. Hayst!
After kong kumain, nanuod akong tv at umupo sa couch. Hindi ko nga alam kung bakit panay ang tingin ko sa pintuan, baka kasi dumating ang lalaking yun. Aish! Bakit ko ba siya hinihintay?! Ano bang pakialam ko sa kanya?! Tsk! Mas mabuti na ngang hindi dumating yun! Nakakainis lamang naman yun eh! Hayst!
Asan ba kasi ang lalaking yun?! Saan ba nagpupunta?! Tsk! Mapepektusan ko talaga yun!Hmmp! Ilang oras na ang nakalipas at hindi pa rin ito dumadating. Nagtanghalian na ako't lahat, wala pa rin siya?! Aish! Bwisit talagang lalaking yun! Nagbihis ako at lumabas ng bahay.
Naglakad lakad ako, nafifeel ko ang lamig ng simoy ng dagat. Hapon na rin kasi kaya lumalamig na ang hangin. Asan naman kaya ang lalaking yun? Aish! Bakit ko ba siya hinahanap? Eh pakialam ko ba dun kung saan siya nagpunta. Tss! Naglakad lakad na lamang ako sa tabi ng dagat. Kakaunti na lamang ang mga tao dito.
Biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Nahalikan ko siya. At that time, hindi ko maipapaliwanag ang nararamdaman ko. At bakit ko ba nararamdaman ang ganun? Hanggang ngayon, wala pa rin akong nahahanap na kasagutan sa mga tanong ko. Hayst, minsan napapatanong ako sa sarili ko, kung tama ba itong ginagawa ko. Minsan kasi, hindi ko alam kung bakit parang may mali sa nangyayari. Parang may hindi tama. Aish! Ba't na naman ba ako naiistress. Hayst!
Lumakad ako ng lumakad. Hanggang sa may nakita akong shell sa buhanginan, kinuha ko ito. Ang ganda naman nito. Ang unique kasi ng shell na ito eh, parang may kakaiba lang sa kanya. Iuuwi kita sa bahay, maganda itong pang display.
BINABASA MO ANG
WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVA
Teen FictionWhat if nakilala ng isang boyish girl ang isang casanova?.. magbabago ba ang kanilang buhay? o mananatili sila sa kanilang itinatayong prinsipyo sa sarili nila....? ....