Chapter 15 : Surprise!
Riyel's Pov
"Annise aatend ka ba sa Royal Night?" Tanong ni Clare
"Paano naman makakaatend? Eh wala namang nag aaya sa kanya para maging prince niya sa Royal Night" Kontra naman ni Elina
"Pwede naman mag attend ng walang partner ah" sabi ko
Nagtataka kayo kung anong pinag uusapan namin? Well sa Friday night gaganapin ang Royal Night, kung saan ang mga lalaki o mga prince's pipili ng kapartner na babae para maging princess at isasayaw nila ito sa gitna ng Royal Hall. O pwede naman na mag isa ka lang kung wala nag aya sayo.
Every year ginaganap ang ganitong event sa school. At ang theme ng party ay Royals, magsusuot ng mamahalin at magagandang gown at tuxedo ang mga estudyante. At ang pinakamaganda at pinakagwapo sa gabing yun ay tatanghaling King and Queen of the Night.
Ngayon abala ang ibang mga estudyante para sa party, ang iba ay nagpapagawa na ng gown at tuxedo sa professional designer at iba naman ay busy sa pag aaya ng magiging partner sa Royal Night.
"Mas maganda pa rin naman Riyel yung may kapartner ka" sabi ni Annisse habang isinarado ang librong binabasa niya
Nasa library kami at gumagawa ng assignments.
"Sana naman may mag aya saakin, gusto ko naman maexperience ang maging princess kahit sa gabi lang na yun" sabi ni Clare habang nagsusulat sa notebook niya
"As if naman may mag aaya sayo, eh kain ka lang ng kain eh" kontra naman ni Amy sabay tawa kaming lahat.
Natigil ang pagtatawanan namin ng may lumapit na lalaki at sa tabi pa ni Clare. Nabigla kami ng magluhod ito sa gilid ni Clare.
Halos lahat kami napatingin sa kanilang dalawa.
"Clare will you be my princess on Royal Night?" Sabi ng lalaki habang hawak hawak ang isang ring.
Parang nagpropropose siya kay Clare. Tiningnan ko ang reaksyon ni Clare, at hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi niya maimagine na may mag aaya sa kanya sa ganitong paraan.
Tumingin muna saamin si Clare bago nagnod sa lalaki. Masaya siya nitong niyakap at isinuot ang ring sa kamay niya. Ang lahat ng estudyante ay nakatingin at masayang pinagmamasdan sila.
Hindi namin aakalain na may mag aaya sa kanya. Sa lahat ng magbabarkada si Clare lang yung kadalasan namin nabubully dahil sa palagi na lamang itong gutom pero hindi namin aakalain na siya pa pala yung mas mapalad at charming kesa saamin. Di ko naman maiitatangi na siya yung pinakamaganda sa magbabarkada, she's cute even if chubby siya ng kaunti.
Maraming nangliligaw kay Clare pero ayaw lang nito kasi may iba siyang gusto at hinihintay, ang childhood friend niya. Pero wala siya dito sa Pilipinas, nasa Japan ito at doon nag aaral.
"So I will be waiting on the outside of your house on Friday Night" sabi ng lalaki at nagpaalam na ito at umalis.
"So sinong may sabing walang mag aaya saakin?" Pang aasar nito kay Amy habang pinakita yung ring sa kamay niya
Siniko ni Annise si Amy para matauhan dahil nakatulala ito.
"Ok. Fine. I lose but who is that guy?" Interesadong tanong ni Amy
"Grabe ka Clare ah, di mo sinasabi, sino yung lalaki" kinikilig na tanong naman ni Elina
Bumalik na kami sa pagkakaupo at nagpatuloy sa ginagawa namin.
"It's just my classmate, nothing more" sagot nito
"Dapat bongga ang gown mo niyan, balita ko maraming nagkakagusto dun" sabi ni Annise
![](https://img.wattpad.com/cover/13571459-288-k106610.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVA
Dla nastolatkówWhat if nakilala ng isang boyish girl ang isang casanova?.. magbabago ba ang kanilang buhay? o mananatili sila sa kanilang itinatayong prinsipyo sa sarili nila....? ....