Chapter 19: Shhhh!

1K 28 5
                                    

Chapter 19: Shhhh!

Riyel's Pov

"Where did you live?" Tanong nito habang nakatingin lang ng diretso sa dinaraanan

"Sa Redhills" sagot ko naman

After namin manuod ng movie, mamasyal at kumain ay napagdecide na namin na umuwi na. Sabi niya eh ihahatid ako, ayoko naman sana kaso lang nagpupumilit. Eh pagod na akong makipag argue sa kanya kaya pinagbigyan ko na.Andito ako sa frontseat at siya naman yung nagdadrive ng kotse. Tumango naman ito. Tumingin naman ako sa labas ng bintana ng kotse at sumandal doon. Tinitingnan ko halos ang mga nadadaanan naming lugar.

"So malapit lang ang bahay mo sa school?" Napalingon naman agad ako sa kanya

"Oo" sagot ko naman uli sa kanya

"Redhills...Redhills.." Tila iniisip nito ang pangalan na iyon "Tama! Ang Redhills ay pagmamay ari iyon nila Brooke"

"Huh?! Brooke? Sino naman yun? Babae mo ba?" Tanong ko sa kanya

Binigyan naman niya akong masamang tingin.

"Tanga ka ba?! Kaya nga Brooke eh kasi lalaki! Tss!" Sabi niya

"Eh malay ko ba kung may pangalan na babae nun! Pasensya na tao lang nagkakamali" Sarkastik kong sabi

Psh! Kung makatanga naman to! Parang di nagkakamali. Hmmf! Pektusan ko siya dyan eh. Alas tres na ng hapon, nakakaantok tuloy. Nang papikit na ako, nabigla naman ako sa lakas ng music ng kotse.

"Ano ba?! Pwede ba pakihanaan mo yan?! Nakita mong matutulog ang tao eh"sigaw ko sa kanya

" Ayaw ko nga! Tsaka wag ka matulog jan uy! Baka malagyan mo pa yan ng laway mo. Nakadiri ka!"Sabi nito ng hindi tumitingin sa akin at nakatingin lang ito sa harap

"Hoy, di ako naglalaway ah! Tss! Pakihanaan mo nga ang music, nakakainis naman to!" Sabi ko sa kanya

Nakita ko naman na pinatay niya. Mabuti naman, masisira ang eardrums ko sa lakas eh.

"Naandito na tayo" tapos ipinasok niya ang kotse sa loob ng Redhills."Saan ba banda ang bahay mo?"

"Doon sa may gitna, sa kulay black na gate" sabi ko sa kanya

Ipinarada naman niya ito sa gilid ng bahay.Tinanggal ko na ang seatbelt na nakakabit saakin.Lumingon na ako sa kanya.

"Sige, salamat sa paghatid" sabi ko sa kanya at binuksan na ang pinto ng kotse at lumabas. Kinuha ko yung susi sa bulsa ng pants ko.

"Teka! Di mo lang ba ako papasukin?"Nilingon ko siya.

" At bakit naman kita papasukin aber?!"nakapamaywangan kong sabi

"Malamang boyfriend mo ako, kaya dapat pinapatuloy mo ako, pagkatapos kitang ihatid tapos iiwan mo lang ako sa labas?!" Reklamo nito habang sumanday sa kotse niya

Umirap ako sa kanya."Bakit sinabi ko bang ihatid mo ako?! Ikaw naman tong nagpumilit jan. Psh!"sabi ko naman sa kanya

"Ayaw mo nun? Hinatid ka na nga, nag iinarte ka pa jan. Tsk! Akin na nga yan" inagaw niya saakin ang susi ng bahay at dire diretso itong tumungo sa gate at binuksan.

"Hoy Ano ba! Akin na yan!" Nagmamadali akong tumungo papunta sa kanya. Pero huli na dahil nabuksan niya na ang bahay at dirediretso itong pumasok.

Ang kapal talaga ng lalaking ito! Ako yung may ari tapos basta basta nalang siya pumapasok. Pumasok na ako at nakita ko siyang nakasalampak sa sofa. Aba at feel at home pa ang lalaking ito. Feeling naman niya eh sariling bahay niya.

WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon