A/N:
Waaahh! Thank you so much! Thank you so much for loving and support for my story. Chineck ko kanina and surprisingly, nasa #676 na tayo. Yey! Whoooo! Thank you, thank you talaga :D Nakakasaya talaga ng puso. :D Godbless you all and have a nice day :D
Chapter 22: Oo na!
Riyel's Pov
"Sa next week ay Pre Midterm na. Be sure that you study well. Inaasahan ko na mataas ang mga score ninyo. Understood ba?!" Sabi ng professor namin
"Yes Mam!" Tugon naman namin. Pagkatapos ay umalis na ang teacher.
Aish, next week na pala ang exam, kailangan kong magreview. Hayt! These days kasi hindi ko na masyado natutuon ang pag aaral ko dahil sa lalaking yun eh. Tsk! Wala na namang tulugan to. Tumayo na ako at lumabas na ng classroom.
Kailangan kong mag aral ng mabuti para naman kahit papaano ay makapasa ako sa mga subjects. Lunch time na kaya naman dumiretso na akong canteen. Hayst! Ang haba pa ng pila. Kaya nagdecide na lamang akong umalis doon. Siguro sa labas nalang school. Marami naman ditong mga restaurant eh.
Naglalakad ako sa corridor ng may humarang na dalawang babae. Ang isa naman ay kinulang sa tela sa iksi ng palda nito at makapal ang make up. Kulang nalang maging dugo ang bibig nito sa sobrang pulang pula. At ang isa naman ang nakataas pa ang manggas ng uniporme at sobrang taas ng pony nito. Kulang nalang maging pentouch ang kilay nito dahil sa sobrang kapal.
"Oh anong problema niyo ha?! At haharang harang kayo jan?" Sabi ko sa kanila. Tumaas lamang ang mga kilay nila.
"Tsk! Ikaw pa ang may gana na gumanyan ah. Well, I heard boyfriend mo raw si Trevor?" Mapaglaro nitong ngiti
"Oh ano naman yun sa inyo ha?!" Sabi ko sa kanila.
"Aba! At ang kapal mo ri--" Susugurin sana ako nung alipores niya kaso pinigilan niya ito.
"Well, let me say this. Hiwalayan mo na siya kung ayaw mong masaktan ka saamin" sabi pa nito at ngumiti ng plastik.
"Aaaaahh. Sorry to say this, pero hindi ko hihiwalayan ang boyfriend ko dahil wala naman akong rason para hiwalayan siya"Ngumiti rin ako sa kanya pero this time yung alam kong maasar siya. Nakita ko naman na nainis ito
" Ah kung ganun, gusto mo palang masaktan"Nagsmirk ito at lumapit ito saakin at aakmang sasampalin niya ako pero napigilan ko ito dahil nahawakan ko kaagad ang braso nito.
Ngumiti ako sa kanya at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakapit sa braso niya.
"Aaaaahh! Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Ouch!" Pag aangal nito
"Hay, alam mo kasi sa susunod na magbabalak kang guluhin ako, dapat ayusin mo na. Dahil hindi ako natatakot sa mga ganyan ganyan lang" Tapos hinigpitan ko pa lalo ang pagkakapit sa kanya. Nang aakmang sugurin ako ng alipores niya "Sige! Lumapit ka at ng magkapasa na ang braso niya" pagbabanta ko
"Leah! Stop! Ouch!" Pagpipigil niya sa kasama niya kaya naman wala na itong nagawa kundi pinandilatan lang ako ng mata.
"So sana naman maglearn ito ng lesson sa inyo ngayon? Kung ang iba nabubully niyo, pwes ako hindi!" Ibinalibag ko ang braso niya na dahilan para matumba ang babae. Inalalayan naman siya ng kasama niya. "Next time, don't start a fight if you don't have strength to fight with me" tapos ngumiti ako at dumiretso ng paglalakad.
BINABASA MO ANG
WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVA
Teen FictionWhat if nakilala ng isang boyish girl ang isang casanova?.. magbabago ba ang kanilang buhay? o mananatili sila sa kanilang itinatayong prinsipyo sa sarili nila....? ....