Chapter 25:

1.9K 37 24
                                    


Chapter 25:

Riyel's Pov


"Waaaah, ang ganda naman dito" masayang sabi ko


Nandito ako ngayon sa veranda ng third floor nitong vacation house nila Trevor. Napakalaki nito. Mula rito sa taas makikita mo ang dagat. Makikita rin dito ang swimming pool na kulay asul sa gilid at mula roon makikita mo ang mga nagtataasang puno. Napakafresh pa ng simoy ng hangin. This is such an amazing place. Kinuha ko ang cellphone at pinikturan ang magandang view. Waaah kahit sa picture napakaganda din nitong tingnan. Ahhmm isa pang picture.


This time sumama na ako sa picture at ngumiti. Nang clinick ko na, may biglang tumabi saakin at nakisama sa picture. De bale ang lumabas sa picture, eh kaming dalawa magkatabi at nakangiti parehas.


"Yah! Bat ka naman sumingit jan?! Aish! Panira ka sa picture eh! Aish!" Nang idedelete ko yung picture bigla naman niyang inagaw yung cellphone ko.


"Hoy! Akin na yan! Bastos ka talaga eh no?! Basta basta ka nalang nangunguha ng cellphone!" sabi ko sa kanya at aagawin sana ang cp ko kaso inilayo niya naman ito. Tumingin siya sa cp ko at ngumiti.


"Actually ang ganda nga ng kuha eh, we are both happy in this picture" he said at ngumisi saakin.


Anong both happy?!! Happy niya mukha niya!! Bwisit siya eh, umeeksena nalang?! Paepal?!. Tss! Ang pangit tuloy ng picture na yan dahil naanjan siya. Tsk!


"Tss! Pakialam ko?! Akin na nga yan at para maidelete ko na yan!" Muli ko ito tinangkang agawin kaso itinaas niya ito. Eh mas matangkad siya saakin, kaya hindi ko maabot.


"Nope! Bawal tong idelete, ito nga lang ang kauna unahang picture nating dalawa eh. Ang ganda kaya natin tignan dito." Tapos tumawa tawa ito.


"Aish! Kainis ka talaga!" Sumuko na ako sa kakaabot ng cellphone ko. Napagod na ang kamay ko sa kakataas para lamang maagaw ang cp ko sa kanya. Binigyan ko nga itong panlilisik ng mata. Ngumisi lamang ito.


Bwisit talaga to kahit kailan!! Aish! Ang sarap tadtadin ang katawan nito eh. Tss! Nakita ko naman na kinuha niya ang phone niya sa bulsa ng pantalon nito at ewan ko kung anong ginawa niya. Tapos may priness ito sa cellphone ko.


"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Sabi ko sa kanya


"Nothing" tapos ngumiti ito saakin at inabot ang cellphone ko, agad ko naman tong kinuha. Chineck ko ang mga nilalaman ng cp ko dahil baka nangialam ito at nag erase ng kung ano ano. Pero wala naman nawala, dati pa rin ito.


"Tss! Pwede mo ng idelete yung picture" napalingon ako sa kanya "kasi may copy naman ako dito" tapos pinakita niya ang phone niya saakin. Nakita ko ang picture naming dalawa.


Aish! Iyon pala ang ginawa niya kanina! Pinasahan niya ng picture ang cellphone nito.


"Aish! Bwisit ka talaga eh! Idelete mo na nga yan! Kainis ka!" Sigaw ko sa kanya. Ngumisi lamang ito. Hayst! Pektusan ko siya jan eh!


"Eh kung ayaw ko? Maganda tong pangwallpaper eh" Tapos tumawa ito at lumakad na ito sa loob ng bahay.


"Aaaarrrggghh!!!" Napasigaw na lamang ako sa inis. Bwisit na lalaking yan! Kainis siya! Kung pwede lang talaga pumatay. Aish! Tiningnan ko na lamang ang likod nito at pinagpapatay sa mga tingin ko.


Nagstop itong lumakad at lumingon saakin.

"Oh, I forgot to tell you, you really should take a bath. Nakakahiya sa mga tao, kung maamoy ka nila" tapos tumawa ito at tumalikod na.

WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon