A/N:
Ieedit ko lang yung mga naunang chapter, I mean may babaguhin lang ako pero the same pa rin ang daloy ng kwento. Binasa ko kasi yung mga gawa ko, and then I notice na marami akong mali. At yung iba minsan boring kaya dadagdagan ko nalang. Hindi pa naman ngayon, siguro kapag marami na akong time. Kapag nanotify kayo na nagupdate ako mula Chap. 1 - 12, wag niyo nalang iclick dahil parehas lang din naman ng story yun, mas pinaganda at pinaayos version lang yun. So yun lang naman. Enjoy! :))
============================Chapter 23: We had a great night!
Riyel's Pov
"No way! Hindi ako matutulog jan katabi mo" sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siyang umupo sa tagiliran ng kama. And I'm still standing here, far from him.
"You have no choice, unless you'd prefer to sleep on the couch" mapang asar nitong sabi
Eh paano ba naman kasi magtatabi kaming matulog sa isang kwarto, although the room is big, it has only one bed. And I'm scared that he might do something to me. You know him!Aish!
As if naman na ngayon lamang ito nangyari!
Oh shut up! Alam kong hindi lamang ito ang unang beses, pero hindi pa rin ako sanay na makatabi ang lalaking to, lalo't pang napakamanyak nitong mag isip.
"Eh ang laki laki ng bahay niyo tapos magsisiksikan tayong dalawa dito. Tsk!" Pangangatwiran ko. Nakita ko naman na ngumisi siya.
"And what's wrong with that? Besides you are my girlfriend" And then he grin at me.
Hayst! Pwede pakibatukan na tong lalaking to! Nakakainis na siya eh.
"Eh ayoko nga eh diba?! And it's not appropriate na magkatabi ang babae sa lalaki" sabi ko dito. Tumawa naman ito.
"This is not the first time Babe na makatabi mo ako sa bed. Don't worry wala naman akong interes na pagnasaan yang katawan mo. It's better to sleep than wasting my time on you" he muttered
Ano?! Anong sabi niya?! Bwisit na to! Sipain ko siya jan eh!
"Tss! The feeling is mutual!" Sarkastik kong sigaw sa kanya.
Tumawa naman ito at tumayo na. Pumasok ito sa walk in closet beside the bathroom. I shrugged, wala na akong magagawa kundi dito nalang matulog. Aish! Lumapit ako sa bed at umupo muna sa tagiliran nito nang mapansin kong may picture frame sa side table.
Isang batang lalaki at isang babae. Magkaakbayan ang dalawa at nakangiti. Alam kong si Trevor ang lalaki pero hindi ko kilala ang babae. She's beautiful and adorable. Sino kaya siya? Oh well, ano naman pakialam ko sa kanila. Tss! Inilibot ko ang paningin ko sa kwartong ito. Napakalawak nito at meron din itong mga paintings sa dingding. It is simple but elegant.
Lumabas si Trevor sa walk in closet na may dalang white shirt and Blue pajama. Inihagis nito sa mukha ko. As in tinapal talaga sa mukha ko. Bwisit na lalaking to! Inalis ko sa mukha yung mga damit at pinandilatan siya ng mata.
"Change your clothes" ngumisi ito at dumiretso ito sa pintuan at lumabas. Tsk!
Tiningnan ko yung binigay niya, malamang sa kanya ito dahil malaki ang mga ito. Pumunta ako sa Cr para makapagpalit ng damit. Malinis ang cr nito hindi katulad ng nasa condo niya na maraming nagkakalat na boxer. Tss! Nadidiri talaga ako kapag naalala ko yun. Hayst! Lumabas na ako ng Cr!
"Ay! Butiki!" Nabigla kasi ako ng paglabas ko ay nasa gilid ito ng pintuan at nakasanday sa dingding. Nakapagpalit na rin ito ng damit. Nakasando siyang puti at gray na pajama. Napakahot nitong tingnan dahil nakikita ang muscle nito. Aish! Ano ba pinagsasabi ko?! Erase! Erase!
BINABASA MO ANG
WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVA
Ficção AdolescenteWhat if nakilala ng isang boyish girl ang isang casanova?.. magbabago ba ang kanilang buhay? o mananatili sila sa kanilang itinatayong prinsipyo sa sarili nila....? ....