Chapter 17: Don't test me

1K 26 0
                                    

Chapter 17: Don't test me

Riyel's Pov

Dahan dahan na akong lumakad palabas dito sa kwarto niya, tulog pa siya eh. Tsaka ayaw ko naman siyang gisingin noh?! Aish! Naiisip ko palang yung posisyon namin kanina. Hayst! Nakakahiya ako pa talaga yung nakayakap sa kanya?! As in yung mga unan sa gitna nasa baba na ng kama. Paano nangyari yun? Aish! Wag na nga isipin yan, masusuka lang ako. Tsaka kung nagkataon gising siya panigurado akong aasarin na naman ako nun.

Iisipin niya na gustong gusto ko siyang yakapin. Tss!! In his dreams! Nakakasuka lang! Tss!

Kinuha ko yung gamit ko sa couch at dumiretso ng labas, bayae na kung walang suklay suklay o walang hila hilamos man lang. Ayoko lang maabutan na gising yung hinayupak na yun. Inayos ko naman buhok ko gamit ang kamay ko dahil baka pagkamalan naman akong baliw niyan.

Pagkarating ko sa bahay, diretso ako sumalampak sa couch. Maaga pa naman eh 6:43 palang. Ewan ko ba parang feeling ko napagod akong masyado. Medyo masakit ang katawan ko, ikaw ba naman paglutuin ng sandamakmak na pagkain. Tss! Grabeng effort ko lang sa lalaking yun. Tsk!

Umidlip muna ako sandali, pagkatapos ay nag asikaso na akong pumasok sa school. Hay buhay!

Naglalakad ako ng may makabangga akong lalaki, nahulog tuloy yung bitbit kong libro.

"Sorry, sorry Miss" sabi niya at tsaka pinulot yung ibang libro na kumalat

Teka parang pamilyar ang boses niya.

"It's ok. Just be careful nextime" sabi ko at nilingon ko siya

"It's you!/Ikaw!" Sabi namin ng sabay pagkakita namin sa isa't isa.

Remember yung lalaking mala anghel ang mukha, yung pinagtanungan ko dati kung saan ang deans office. Kung di niyo maalala balikan niyo ang Chapter 4.

Inalalayan niya akong tumayo, wow grabe ang gwapo talaga niya, at tsaka those innocent smile, it makes me melt like ice.

"Sorry talaga, ahmm by the way I'm Shawn, nice to meet you Raniella" at nilahad niya ang isang kamay para makipag shakehands

Hindi na mana ako nagtaka pa kung kilala niya ako dahil kung binasa niyo ang Chapter 4 nandun na ang patunay. Ngumiti naman ako at nakipag shakehands, ang lambot ng kamay niya. Nakakahiya tuloy ang kamay ko kaya bumitaw na agad ako. Shet!

Ngumiti naman siya saakin, waaahh! That smile, hindi ko matake. Nakakamatay yung ngiti niya eh.

"So papasok kana ba?" Tanong niya

Sa isip isip ko, malamang! Kaya nga naandito ako sa school. Pero ayaw ko naman magsungit dito sa lalaking to, mabait naman kasi siya hindi tulad ng mokong na yun. Grrr!! Bat ko na naman ba yun iniisip. Tsk!

"Ah oo eh" sabi ko sa kanya at ngumiti

"Gusto mo ihatid kita hanggang sa room niyo? Para naman makabawi ako sa pagkakabunggo ko sayo" pag ooffer niya

Tatanggihan pa ba natin yan? Grasya na yan uy! Pumayag ka na Riyel, chance mo na rin yan para makasabay mo siya sa paglakad.

"Ay lumalandi?" Kontra naman ng isip ko

Pwede ba tumahimik ka jan! Paepal ka eh alam mo yun?!

"O---" sasagot na sana ako kaso lang may umepal na naman na isa.

"No dude, ako nalang maghahatid sa Girlfriend ko"sabi niya at inakbayan ako. Diniinan niya talaga ang pagkakasabi ng "girlfriend". Ano?! Nananadya lang ha?!

Eh sino pa ba ang paepal sa balat ng lupa?! Bwisit nato! Inalis ko nga ang pagkakaakbay pero lalo lang naman niya hinigpitan. Bwisit nato, yun na eh moment na namin yun tapos umepal lang siya. Grrr!!

WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon