Chapter 24: Tayong dalawa lang

1K 23 6
                                    


Chapter 24: Tayong dalawa lang

Riyel's Pov

"Class, I hope na ang mga results ng exam niyo ay matataas. That's all and enjoy your one month school break" sabi ng professor at lumabas na ng classroom. Nag ingay naman ang buong klase. May mga naghahabulan, nagsisigawan, at nagchihismisan kung saan sila pupunta sa one month break na yan. Yung iba magvavacation, yung iba mag aout of town and out of country. Yung iba naman uuwi sa kanilang mga pamilya. Hayst, katatapos lang ng exam namin, sana naman maging ok naman ang resulta ng exam ko.


Hay, one month break? Napakatagal naman nun. Well kung sila nagpaplano ng mga gagawin nila, ako hindi. What's the use of that? Eh wala naman akong uuwian. Nasa Korea si Mama at inaasikaso ang business. Ang mga kamag anak naman namin nasa ibang bansa nakatira at nag aaral. Well, meron naman isa akong kapamilya dito. Si Tita Rosie, pero palagi naman rin ito sa trabaho kaya walang time na makapagbonding kami. Ang mga kaibigan ko naman, for sure uuwi sila Annisse at Amy. Si Clare naman mag aout of country ang pamilya nila at si Elina mag aouting kasama rin ang family niya. Inaakit nga ako ni Elina sumama, kaso nakakahiya naman dahil ako lang ang hindi pamilya niya at baka maruin ko pa ang kasiyahan nila.


Well, ano naman masama kung mastock ako sa bahay? Mas ok naman na rin yun para makapagsolo ako. Magbabasa nalang ako ng libro o kaya naman manunuod nalang ako ng tv o kaya mamasyal sa mall mag isa. Atleast naman diba may magawa ako sa one month break na yan.


Isinabit ko ang bag ko at lumabas na ng classrooms. Di ko makakasama ngayon ang mga kaibigan ko, dahil nageempake at naghahanda na yun sa vacation nila. Hay, mag isa nalang ako ngayon. Hihintayin ko nalang siguro matapos ang one month.


Lumalakad lakad ako ng mapansin kong nakabukas ang gate ng Garden. Wait, naanjan kaya si Shawn? Hindi ko kasi siya nakikita o nakakasalubong man lang nitong nakaraang araw. Hindi pa rin ako nakakapagsorry sa kanya nung Royal Night.


Pumasok ako sa Garden, napakaganda pa rin nito as usual. Tumago ako sa gilid ng halaman ng makita ko siya. Nakaupo ito sa isang benches ng garden. Nakangiti at nakatingin siya sa agos ng tubig na nagmumula sa fountain. He look so handsome. Yung ngiti niya nakakadala, kaya napapangiti na rin ako. Napakapeaceful ng mukha niya. Umurong ako para makita ko siya ng mabuti pero pag urong ko may nahulog. Tiningnan ko ito, isa itong flowerspray. Ibinalik ko ang flowerspray sa lagayan nito. Lumingon akong muli sa kinaroroonan ni Shawn. Pero wala na ito sa kinauupuan niya kanina. Huh? Nasaan na yun? Saan siya pumunta?. Hinahanap ko siya ng may nagsalita sa tabi ko.


"Sino ba hinahanap mo?" Nilingon ko siya.


"Aaaahh!" Napasigaw ako at kamuntik ng maoutbalance pero nahawakan niya ang aking beywang.  De bale ang posisyon namin ay nakabend kami parehas.Kitang kita ko ang magaganda nitong mga mata. Meron itong charms that any girl would definitely inlove with him. Ngumiti siya saakin, and it feels like he's an angel na bumaba sa langit.


"Are you ok?" He asked. And suddenly I came back to the reality. Aish! Ano ba pinag iisip ko?! Napansin kong nasa ganung posisyon pa rin kami. I felt unease kaya naman tumayo na akong ayos at ganun rin naman siya.


"A-aahhmm, I-im o-ok" mautal utal kong sabi sa kanya. Aish! Bat ba ako nauutal?! Lumingon naman ako sa kanya.


"That's good" and then ayan na naman yung pamatay na ngiti niya. Stop it Riyel! Naalala mo?! na magsosorry ka pa sa kanya? Aish! Oo nga pala. Pero teka kinakabahan ako eh. Hayst!


"A-a-Ahmm" Aish! Umayos ka nga Riyel! Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga at tiningnan siya ng seryoso"I'm sorry nga pala sa nangyari nung Royal Night, yung bigla nalang ako hinila----"


WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon