Chapter 20: You're a bit slow

1K 26 2
                                    

Chapter 20:

Riyel's Pov

Ang event na ito ay nakabroadcast pala sa tv dahil isa nga to sa mga prestigious school sa Pilipinas. Kaya naman pagkababa na pagkababa naming dalawa sa sasakyan ay maraming ng mga flash ng camera sa gilid at reporter.

"Lumapit ka nga saakin, kumapit ka sa braso ko" bulong nitong lalaking to. Medyo malayo kasi ang gap naming dalawa.

Wala naman akong magawa, dahil ayaw ko naman makipag argue sa kanya ngayon. Kumapit na lamang ako sa braso niya.

"Ngumiti ka para naman kahit papaano sa picture ay maganda ka" bulong niya

Bwisit na lalaking to! Nakakainsulto siya ah! Kung wala lang mga press dito kanina ko pa to nasipa. Tsk! Habang lumalakad kami sa red carpet, panay lang ang ngiti ko at minsan kumakaway pa sa iba. Ganyan naman diba ang mga artista kapag lumalakad sa red carpet. Ganoon rin naman siya ngiti at kaway din ang ginagawa. Hanggang sa nareach namin ang  Interview section sa gilid ng Royal Hall.

"Oh my! Look who's here. Trevor Tim Sullivan! The ultimate school hearthrob and son of one of the most powerful and influential business man, Mr. Tristan Sullivan" sabi ng emcee

Ngumiti naman ang mokong at nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Tumingin naman saakin ang emcee.

"Who is this beautiful lady? Pakilala mo naman Trevor ang babaeng kadate mo ngayon sa Royal Night" sabi niya at binigyan si trevor ng mic. Lumingon muna siya saakin bago sumagot.

"Ahhmm. She's Raniella Aerielle Reyes. My Royal princess." Sabi niya

"So clear na saamin na siya ang partner mo ngayon sa Royal Night, pero can you give us hint kung anong meron sa inyong dalawa? Cause you look like a couple" dagdag ng emcee

Ano kaya sasabihin nito. Alam kong malimit lang din siya magsalita kasi alam niyo na diba nakabroadcast ito ngayon at maraming mga reporters. May isang salitang mali ka lang masabi, magiging issue na yun sa mga media. Please wag naman niya sanang sabihin na girlfriend niya ako, kundi malalagot na. Isa pa naman to sa anak ng pinakamayayamang business man dito sa Pilipinas. Mahirap madawit sa mga issue na kumakalat.

"Sa ngayon, magkaibigan lang muna kami" sabi niya at ngumiti sa mga tao. Nakita ko naman na nagnod ang emcee. Masyado naman kasi siyang tsismosa at kailangan pang alamin kung sino ako. Tsk!

"Pero balita ko Trevor, marami ka na raw pinaglaruan at pinaiyak na babae?" Tanong pa nito. Nilingon ko siya at umigting ang panga nito. Grabe naman kasi mag interrogate itong babaeng to, di ba pwedeng pumasok nalang kami sa loob?! Napakalma naman niya ang sarili niya bago sumagot.

"Well, let's just say na if your done with someone then you must find another one" sabi nito. Mabuti naman at malashowbiz ito sumagot.

"Ok. Thank you very much to the both of you. You can now enter the Hall. I hope you will enjoy this night" ngumiti pa ang emcee. Hay salamat natapos din siya.

Tuluyan na nga kami pumasok sa Hall. Ang dami na palang tao na naandito. Iniisip ko kung naandito na rin ba ang mga kaibigan ko.

"Bro!" Tawag sa kanya ng isang lalaki at tumungo na nga kami kung saan naroroon ang table ng lalaki. Pagkarating namin sa table, may apat na lalaki at dalawang babae.

Napapamilyaran ko nga yung mga lalaki eh, parang nakita ko na nga sila pero di ko matandaan kung saan. Ah tama! Sila yung mga kasama ni trevor sa bar dati na pinuntahan ko.Pinaupo nila kami. Ngumiti naman ang isang lalaki sa harap ko.

WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon