A/N :
Guys! Good news ulit! #742 na tayo! Kyaaaaah! Nakakatouch naman sa puso. :)) Maraming maraming salamat sa inyo, kung hindi dahil sa inyo hindi aangat ang storya na ito. Kaya maraming maraming salamat talaga. :D Godbless you all! Lovelots! :)============================
Chapter 21: *Kiss
Riyel's Pov
Napadilat ako sa ingay na naririnig ko. Napaupo ako at tiningnan ang sarili. Hayst! Nakatulog pala ako sa sofa, ni hindi man lang ako nakabihis o hilamos man lang para alisin ang make up. Lumapit ako sa malaking salamin. Luh?! Napahawak ako sa buhok kong magulo at ang mga make up kong kumalat na sa iba't ibang parte ng mukha ko. Para na tuloy akong aswang dahil sa itsura ko. Narinig kong muli ang tunog ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa sofa. Nagtext lang pala si Annisse. Naka 15 messages ito saakin, tinatanong lang naman niya kung sasama raw ako sa outing ng kapatid niya. Napatingin ako sa orasan, it's 9:45 a.m. Napahaba ang tulog ko ngayon kasi kadalasan mga 6:30 o 7:00 ako gumigising. Sabagay napuyat ako kagabi.
Nireplayan ko naman ito na hindi ako sasama dahil masakit ang ulo ko. Aaaahh! Feeling ko pagod ang katawan ko ngayon. Makapagbihis na nga. Umakyat na ako sa taas at naghilamos at nagbihis na. Pagkatapos ay bumaba na ako para magbreakfast kaso pagbukas ko ng ref. Luh?! Nakalimutan ko nga pala maggrocery, kakaunti na ang laman nito. Mag ooatmeal na lang muna ako. Habang kumakain ako sa dining, iniisip ko ang mga nangyari kagabi. Hindi ko naman nakakalimutan ang lahat ng iyon. Hanggang ngayon nag iisip pa rin ako kung bakit nagalit ba ang mokong na yun, kung nagseselos ba talaga yun o hindi. Sumasakit lamang ang ulo ko kapag iniisip ko na naman ang mga bagay na iyon kaya pansamantala ay tinigil ko muna ang masyadong nag iisip. After ko kumain at hinugasan ang pinagkainan ay nag ayos muna ako bago lumabas.
Alam kong late na ang pagdidilig dahil anong oras na pero diniligan ko pa rin ang mga halaman. Nakasanayan ko na kasi na palaging inaalagaan ang mga bulaklak. Kapag ganito ako kabusy ay kahit papaano nawawala ang mga iniisip ko. Nakakawala ito ng stress. Pagkatapos ko sa mga gawain ko eh naligo na ako at nagpahatid na sa driver papunta sa Louis'Market. Ito ang pinakamalaki at kumpleto na bilihan. Kumuha ako ng Cart, at inistroll ito.Kumukuha kuha ako ng mga kinakailangan ko.
"Boo!" Napatalon ako sa bigla. Sino ba naman ang bwisit na maggaganyan sa kanya?! Tumalikod ako para makita kung sinong hinayupak na gago ang gagawa ng ganun saakin. Pagkalingon ko, isang napakapamilyar na mukha ang tumambad saakin.
"Hi!" Tapos ngumiti ito saakin.
"Hay nako! Di ka lang ba natakot na baka sipain kita ulit katulad nung last na ginawa mo yan ah?" Sabi ko sa kanya
Siya yung lalaking nasipa ko sa paglabas ng Cr dahil ginulat ako at napagkamalan ko pang multo dahil sa malaanghel na itsura nito. Kung nakalimutan niyo, basahin niyo uli ang Chapter 7. Hindi pa rin naman nagbago ang mukha nito, gwapo pa rin ito as usual at nakakaakit ito kapag ngumiti dahil parang anghel ito na kulang nalang ay ang pakpak. nakakabwisit lamang ito at ang hilig manggulat.
BINABASA MO ANG
WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVA
Roman pour AdolescentsWhat if nakilala ng isang boyish girl ang isang casanova?.. magbabago ba ang kanilang buhay? o mananatili sila sa kanilang itinatayong prinsipyo sa sarili nila....? ....