Chapter 4: Sir Tim?
As usual kapag first day of school, wala pa yang klase.
Boring na nga ako dito, eh paano ba naman ang mga estudyante dito puro hikahan at langpasosyalan lang naman.
Hello wala kayo sa party?! nasa school kayo para mag-aaral nuh.
tapos biglang bumukas yung flat screen sa gilid ng board. lahat ng kaklase ko nakatingin dun sa tv.
tapos may babaeng nasa age 30's na naka formal suit.. bigla siyang nagsalita
"Miss Raniella Aerielle Reyes, please go to the Deans office immediately, Miss Raniella Aerielle Reyes , please go to the Dean's office immediately" after sabihin niyan sa tv nagblock out na yung screen
pero bakit yung pangalan ko ang sinabi dun. go to the Deans Office daw,
pero bakit? clueless akong masyado . ??kinakabahan ako. pero wala naman akong ginawang mali o masama
"sino kaya yung sinabing pangalan ng babae?" sabi nung isang mataray, feeling boss
"dont mind it Jade, atleast hindi tayo yun"sabi ng isa pang babaeng katabi nung Jade na nagsalita kanina.
"sigurado akong lagot yun sa dean, baka kasi may ginawang kalokohan" sabi ng kasama rin nila
mga matataray, hay naku di ko siguro to makakasundo.
anyway kinabahan ako lalo. eh kasi naman nuh papatawag ka tapos di mo alam kun para saan?
lumabas nalang akong room. pero me,may nalimutan ako , hindi ko alam ang deans officice?
baguhan lang kaya ako dito.
eksakto naman na may padaan na lalaki. busy siya sa hawak niyang paper works.
nung malapit na siya sa pwesto ko. bigla akong nagtanung.
"Ahmm excuse me" sabi ko
tapos nagstop siyang maglakad at iniangat niya yung ulo niya para makita ko ang isang di kapani-paniwalang nilalang.
bakit ganun nung ngumiti siya para na siyang anghel. Yung parang slow motion yung pagngiti niya at paggalaw. nadadala ako eh kaya napatitig akong masyado sa kanya.
siguro iisipin ng iba na nababaliw na ako kapag ganito yung kilos ko
"ah, hello bakit?" sabi niya
oooops dun lang bumalik sa katinuan ang pag iisip ko, ano bang nangyayari sakin.? aish kahiya tuloy baka kung anong isipin nitong lalaking to..
"ahmm ano, k-kasi, a-ahmm saan ba yung d-deans office?" ano ba naman bat ako nauutal?
"ah ikaw si Miss Raniella Reyes?" sabi niya at ngumiti
aish ano ba yan, yan na naman kasi ang ngiti niya eh, nakaka inlove...
whaaaa ano yung sabi ko? inlove? no way, never pa akong nainlove kahit kanino
member kaya ako ng NBSB. pero bakit kapag itong lalaki, di ko mapigilan ngumiti.siguro crush ko lang naman. bago pa man akong masabihang baliw niya ay umayos na ako. baka mamaya weird pa tingin niya sakin eh kasi naging conscious na yung facial expression niyA eh.
"ah oo"sabi ko
nahihiya ako eh.
"hay, buti naman, ikaw rin kasi yung hanap ko"sabi niya
hanap niya ako? whaaa bakit parang masaya yung kalooban ko, bakit parang kinikilig ako dun sa sinabi niyang hanap niya ako.
bakit ganun ang lakas ng impact sakin nung sinabi niya yun, ganito ba ang sinasabi nilang LOVE.
tsaka di ko naman siya kilala at nameet ko lang siya ngayon.
"ahmm b-bakit n-naman?" aish grabe bakit ngayon nauutal na naman ako. hindi naman ako yung ganito eh,
"ikaw kasi yung pintawag sa dean's office at sabi sakin dumeretso ka na lang daw sa president office" sabi niya
Ay ganun pala , ikaw kasi Riyel napaka asssuming mo masyado. eh may inutos lang naman sa kanya eh. kung ano ano na naiisip no. tsaka bakit ba ako mag -isip. eh ano kung di yun wala naman akong pakialam.
"saan ba ang deans office?" sabi ko
Pumunta siya sa terrace nitong floor kung saan kitang kita ang ibang building at tiningnan ko yung tinitingnan niya.
"Doon sa malaking building na may 3rd floor." tinuro niya yung building.
"ah ok , salamat pala" sabi ko
humarap siya sakin
"walang anuman yun, sige pumunta kana roon at hinihintay ka na ni Sir Tim" sabi niya
Sir Tim? sino yun?
"Sir Tim?"sabi ko with confusing look
"basta mag-iingat ka , sige bya late na ako eh" sabi niya at ayun mabilis na tumakbo
pero sabi niya mag-iingat daw ako para saan?
hay bago pa ako mapuno ng tanong sa isipan ay pumunta na akong President office.
sayang ano ba yan, di ko lang naman nalaman pangalan niya.
Hala Riyel bakit ganyan ka na, di ka naman interesado sa mga ganyang bagay ah.
di ka rin nag-iisip ng mga bagay na ganyan. ang lakas ba talaga ng epekto sakin nung lalaki?
________________________________________________________________________________
hanggang dito nalang muna..
sory sa mga late update... masyadong busy ako sa school eh.gumagawa kasi kami ng movie project eh tsaka exams rin namin.
pero tinatry kong makaupdate. thanks for reading.godbless!
tnx sa readers,,,
Abangan ang susunod na chapter...
BINABASA MO ANG
WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVA
Teen FictionWhat if nakilala ng isang boyish girl ang isang casanova?.. magbabago ba ang kanilang buhay? o mananatili sila sa kanilang itinatayong prinsipyo sa sarili nila....? ....