Chapter 12: Asan ba ako?
Riyel's pov
Ahhhh! sakit ng ulo ko ah. Napaupo ako habang sapo sapo yung ulo ko.
Nang iminulat ko yung mata ko sa taas, nakatingala kasi ako.
Ano to? Kulay puti, Nasa heaven na ba ako? Patay na ba ako?
"Lord, wag mo muna po akong kunin, gusto ko pa makita sila mama at papa. Huhu lord please"sabi ko
Biglang may tumama sa mukha ko.
"Aray naman!"sigaw ko, pagkatingin ko sa tumamang bagay, icepack pala.
"Para kang tanga jan, wala ka pa sa langit at kung magkataon man, hindi ka dun tatanggapin" ng lumingon ako. Tsk! eh sino pa ba ang walang hiyang lalaki sa mundo?.
Tsk di talaga matatapos ang araw na hindi ko siya nakikita, Kainis! at anong sabi niya di ako tatanggapin sa langit? grrr!!!
"eh kung suntukin kaya kita ulit jan!"sigaw ko
"ako susuntukin mo ulit? grabe na pala ang thank you ngayon, suntok na pala. Alalahanin mo ako ang nagligtas sayo kanina, kung di ako dumating siguro nastuck kana dun at nabaliw na"sabi niya
Aba! ang lalaking to ah, ako baliw?! baka siya lang ang baliw!
Biglang nagpop out sa isip ko yung mga nangyari kanina
-----------------Flashback------------
Bigla kong naramdaman na may humawak sa akin. HIndi ko makita yung itsura kasi blurd yung paningin ko sa kakaiyak at hinang hina pa ako di ako makaalaw.
"ok ka lang ba?"parang kilala ko yung boses pero hindi ko matandaan kung kanino yun.
Sa totoo lang kung tatanungin ka ng ganun, imbes na sumagot ka ng maayos, sisigawan mo pa siyang"tanga ka ba! nakita mo ngang hindi ok, tapos magtatanong ka pa"pero wala akong lakas eh para sigawan siya.
Tapos nakikita ko yung ibang sa paligid na parang may ginagawa.
"Uy, sumagot ka"tapos tinapik tapik niya yung pisngi ko
"Sir dadalhin nalang po namin siya sa clinic, kami na po ang bahala"sabi nung isa na hindi ko rin makita kung sino
"No, I will take care of her. Ayusin niyo na ang dapat ayusin. Be sure that next time it will not happen again"sabi nitong lalaking bumuhat sa akin, yung pang bride style.
"wow ha, naeexplain mo pa rin lahat"sabi ng isip ko
"Wag ka ngang magulo jan, eh gusto ko maintindihan ng readers eh, paepal ka eh"sabi ko naman sa isip ko
And then lumabas na kami sa elevator buhat buhat niya ako. Ewan ko ba parang nung hinawakan niya ako, nafeel kong safe na ako at hindi ko na kailangang matakot kasi naanjan na siya. tiningnan ko uli yung mukha niya pero ang blurd talaga eh di ko makita. He's like a life shining armor. Nafeel secured na ako sa mga hawak niya sa akin kahit di ko siya kilala.
"Sandali nalang, malapit na tayo"sabi niya
Ang heartwarming ng boses niya, yung tipong parang gusto mo yun marinig palagi.And then nakita kong binuksan niya yung pintuan at lumakad lakad hanggang sa nararamdaman kong inilapag niya ako sa isang malambot na bagay.
"Magpahinga ka na muna jan"sabi niya pa bago umalis. Unti unti ko naman naramdaman na gusto ko ng ipikit yung mata ko at magpahinga.
------------End of Flashback--------
BINABASA MO ANG
WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVA
Roman pour AdolescentsWhat if nakilala ng isang boyish girl ang isang casanova?.. magbabago ba ang kanilang buhay? o mananatili sila sa kanilang itinatayong prinsipyo sa sarili nila....? ....