Chapter 18: Ang arte arte mo!

1K 25 1
                                    

Chapter 18: Ang arte arte mo!


Riyel's Pov

"Aaaahh!! Ano ba tama na ang paghila saakin! Sige na oo na, sasama na ako. Kainis naman kayo, kailangan pa talagang kaladkarin?!" Sabi ko sa kanila. Tsaka lang nila ako binitawan sa pagkakahawak.

"Dapat lang talaga sayo kaladkarin, dahil alam namin na hindi ka sasama" sabi naman ni Amy

"Sabi naman kasi sa inyong hindi ako aatend eh. Tss!" Pagrereklamo ko

Pinipilit kasi nila ako mag aatend mamaya dahil Royal Night na. Ang iba nagbeaubeauty rest na, eh etong mga kasama ko ako ang iniintdi imbes na mga sarili nila. Nasa labas na kami ng Apartment ko, namula tuloy ang braso ko. Ikaw ba naman hilahin ng apat mong kaibigan ng sapilitan. At take note mula pa sa taas ng kwarto pababa dito.

"Hay nako Riyel, magbago ka na, dapat maexperience mo naman ang mga ganitong event hindi yung parang loser kalang na nakastuck jan sa bahay mo" sabi naman ni Annise habang inaayos ang damit niyang nagusot.

"Oo nga naman Riyel, once in a lifetime maging tao ka naman at makihalubilo" garalgal na sabi ni Clare

Abang hindi yan nabubulunan, Nagsasalita habang kumakain. Tss! Gutumin na masyado.

"Hay nako tama na ok? Pumayag na si Riyel kaya tara na maghanap ng gown niyan at wag na magsayang ng oras" suggest naman ni Elina at tsaka tinulak kami sa kotse niya

"Ah teka! Eh kung bilhan niyo nalang ako? Eh bibili naman rin yata kayo ng para sa inyo. Bilhan niyo nalang ako ah" sabi ko at handa ng tumalikod kaso pinigilan ako ni Amy

Aish! Plan failed! Ano ba yan wala na ba talagang takas sa ganitong sitwasyon. Huhuhu

"Ooops! At saan ka pupunta? Hindi! Kailangan ka sumama dahil hindi namin alam kung kasya ba sayo ang gown o hindi. Mamaya niyan mamali kami ng bili, edi nasayang lang. At tsaka don't worry about us, tapos na kaming mamili kaya kung ano pang takas ang gawin mo, di yan samin tatabla ok?!" Agad naman ako hinila ni Amy at ipinasok na sa kotse.

Aish! So plano na talaga nila ito noh?! Aish nakakainis naman, no choice na ako kundi ang sumama sa kanila. Hayst! Nakabusangot ako buong byahe. Hindi naman nagtagal at nakarating na kami sa Mall.

Nang makapasok na kami ay hindi ko maintindihan ang mga kasama ko kung bakit parang iba ang kinikilos.

"Ikaw na kasi magsabi Elina"bulong ni Annise

" Shhh! Wag kayong maingay, baka marinig kayo ni Riyel " pagsaway naman ni Amy

Ewan ko ba dito sa mga kasama ko, nagbubulungan pero naririnig ko naman. Tss! Nasa likod ko kasi yung tatlo na ewan ko kung anong pinag uusapan. Nang lumingon naman ako kay Clare na katabi ko, parang di mapakali. Tapos kapag titingin ako sa kanya, ngingiti siya ng pagkawagas wagas. Baliw ba to?!
Hindi ko na lamang sila pinansin.

"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo lakad ng lakad dito ah" tanong sa kanila

"Ahhh. Ano... Malapit na, basta dun pa sa taas" tapos ngumiti na naman siyang wagas

Naano si Clare?! Nakapagtataka lang, para kasing may mali sa kilos nila eh.

"Ano bang sabi niya sayo? Saan daw ba makikipagkita?" Rinig kong bulong ni Annise kay Amy mula sa likuran ko

Huh? Makikipagkita? Sino?

"Sabi niya kasi kahapon, sa Japanese restaurant" tugon naman ni Amy

Kahapon? Sino nagsabi? Tsaka anong Restaurant? Ang gulo nila ah, tsaka bakit ba sila nagbubulungan jan.

WHEN A BOYISH GIRL MEETS THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon