Chapter 2

17.2K 670 61
                                    

"So bale ikaw ang magsisilbing groom. All you have to do is say yes. If you do not want to, pay 300 pesos." Paliwanag sa akin ng babaeng namamahala sa Wedding Booth na ang pangalan ay Serena base na din sa nakasulat sa
t-shirt niya.

"What? Wala akong pera dito. Let me get my wallet from my friend." Pakiusap ko kay serena. Actually, wala naman akong ekstrang pera na dala. Sakto lang pamasahe pauwi. Haha. Baka lang naman kasi makalusot.

" And bakit ako ang groom? Babae po ako. Kakainsulto naman kung di mo napansin. My ghad!" Frustrated na sabi ko dito. Like hello? Mukha ba akong lalaki at ginagawa nila akong groom? Baka naman akala nila ang term na groom ay tumutukoy sa babaeng ikakasal at ang bride naman ay yung lalaki? Hala, iko-correct ko sila! Hindi ito maaari!!!

"Wait lang guys, huh. Yung groom, lalaki yun then yung bride, babae naman yun. Gets? Pakawalan niyo na ako. Please. Babae po ako, just in case di nyo napansin." Pag mamakaawa ko.

Nagpapapadyak na ako sa desperasyong makawala. Nakaposas kasi ako sa posteng sumusuporta sa tent ng booth nila. Kung pupwersahin, makakaalis naman ako, yun lang, sasama yung tent. Ganda pa naman ng pagkakaayos nila. Akala mo may ikakasal talaga, eh. May red carpet pa na pitong yarda siguro ang haba na nakalatag sa daan. May mga puting rosas din na nakalagay sa paligid bilang decoration ng booth. Sa harap ko ay isang bogus priest at sa katabing bangko naman ng pari ay mga damit pang kasal.

"We promote gender equality as well as same sex marriage. Okay lang naman na babae din ang groom. Ang rule naman kasi, kung sino man ang makaapak sa plain red na tali, siya ang magiging groom at kung sino man ang makaapak sa glittery na tali ay siyang magiging bride. Diba, ang simple? And well, you happened to step on a plain red string." Nakangiting eksplika nito sakin.

Napakamot nalang ulo dahil don. Bakit ba kasi wala akong perang pambayad dito? At bakit ba kasi pagkamahal mahal ng singil nitong mga 'to. Seriously, tatlong daang piso? Pambili ko na 'yon ng pandesal sa loob ng isang linggo!

"Oh, sya. Sige. Nasaan na ba ang bride at nang matapos na ito?" Tanong ko habang patingin tingin ako sa paligid. Ang daming tao dito sa central ground ng ACUF. Nandito kasi lahat ng booth ngayon. Mayroon ding food fest kaya naman dinagsa talaga ng mga estudyante even outsiders. Yes, outsiders are allowed to enter the school premises during University Days.

Napako ang paningin ko sa isang booth na madalas puntahan ng mga tao. Yung Cafe Dulce ng mga 4th year business Administration students. Sa bagay, bakit nga ba hindi yun pupuntahan ng mga tao eh, ang sasarap ng mga pagkain don. Puro matatamis. Kung iniisip niyo na nakapasok na ako sa booth nila, well of course...NOT! Alam niyo naman, wala me money para diyan. Ang mamahal ng mga dessert na isineserve nila. Pangmayaman talaga. Paano ko nalaman? Naririnig ko sa ibang tao na pumapasok at kumakain diyan. Mabudget naman sila e.

Halos nasa business administration kasi lahat ng pinaka mayayamang estudyante ng ACUF.

Usually, ang mga makakasalubong mong Business Ad Student ay mga tagapagmana ng kumpanya. Minsan nga, nakasalubong ko ang tagapagmana ng MiCorazon Corporation.

Sila ang gumagawa ng MiCorazon wine na nagkakahalaga ng limang libo kada bote. Hindi pa iyon ang pinaka mahal na wine na binebenta nila, ha. In fact, pinakamura na daw 'yon. Hala, bago ako bumili non, babayaran ko na yung mga bills ko sa apartment no.

So ayun, kaya nga mabudget sila siguro dahil malaki yung halaga ng sharing nila.

Isa pa, paanong hindi pagkakaguluhan yung Cafe nila eh, nandoon kaya ang Reyna ng ACUF na si Amanda Wilde. Siya na ang pinaka sikat na babae sa buong University pati narin sa iba pang school.

Lahat ng estudyante sa Unibersidad na ito ay kilala siya maliban nalang kung may tranferee na galing sa malayong probinsya. Kahit ganoon, agad din naman niyang makikilala ang "reyna" dahil araw araw siyang bukang bibig ng mga estudyante.

Akala mo, artista kung ituring. Maganda kasi. And when I say she is beautiful, I mean it. Baka nga, kulang pa yon para i define ang kagandahang taglay niya.

Minsan nga naiisip ko, noon bang bumabagyo ng kagandahan sa mundo, nagtampisaw siya ng matagal sa labas habang ako naman ay nagtatago at balot na balot? Hahaha. Naambunan lang kasi ako habang siya naman ay basang basa. Lol.

Nakakainggit ang ganda niya. Ang dami nga niya ngang fans eh. May fans club pa silang itinayo na tinawag nilang Wilde Cats. Haha. Bagay naman kasi maraming mean girls ang kasama. Hindi naman ganoon ka mean ang Queen.

Hindi nga lang din siya ganoon ka approachable. Some says she's a playgirl. Madami na din kasi itong naging boyfriend na sikat din dito sa school. Yung captain ng Basketball team na si Grant Steve, yung swimmer na si Jason Fuentes, pati na si Charleston Caballejo, ang apo ng may ari nitong university. Lahat sila ay tumagal lang ng tatlong linggo hanggang isang buwan.

As of now, she's dating the star player of the football team; Cole Cervantes. So far, I think she is enjoying Cole's company naman ayon narin sa mga kaibigan kong fan din ni Amanda Wilde.










Ang tagal naman, halos trenta minutos na akong naghihintay dito sa Marriage booth. Hanggang ngayon kasi ay wala pa silang nahuhuli na nakaapak ng glittery string. Muli akong nagtingin tingin ako sa paligid sa sobrang boredom na nararamdaman ko.

Natigil ang ako sa kakatingin ng dumako ang mga mata ko sa bond paper na naka pin sa mesang nasa harap ko. Ngayon ko lang ito napansin at talagang ikinalaki ng mga mata ko ang mga nakasulat don. JUSKOOO!

"Hala! Ano 'yan?!" Nabibiglang tanong ko kay Serena. Sinundan naman niya ng tingin ang kamay kong nakaturo sa papel na nasa mesa.

Bahagyang siyang natawa nang makita ang tinutukoy ko. Hello, ano naman kayang nakakatawa?



"Oo nga pala, nakalimutan kong ipaliwanag. Diba may kiss the bride naman talaga sa Kasal? 80 pesos ang ibabayad kung gusto niyong sa kamay lang kayo magkikiss, 50 naman kung sa chicks, at 20 pesos sa lips."

"ANO?!"

"Ay, mukhang may nahuli na sila sa wakas." Ngiting ngiting sabi nito sa akin.

Nagbaling ako ng tingin sa mga taong may hawak na babae na tulad ko ay nakaposas din. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ito. My Gulay! Kinurot ko ang sarili ko para lang masiguradong nasa realidad pa ako at hindi nananaginip.

Halos matumba ako sa panlalambot nang mag angat ito ng tingin at magtama ang mga mata namin. Binigyan niya ako ng isang ngiti na tuluyang nakapagpawala ng lakas ko dahilan sa biglang pag upo ko sa damuhan.

"Hala, okay ka lang?" Tanong sakin ni Serena.

"Ha? O-okay lang ako. Yes."

Muli akong tumingin sa babae na ngayon ay nakatingin parin sa akin ng may pagtataka.

"Miss Amanda, dito po tayo."

HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon