Chapter 3

16.5K 726 87
                                    

"7:55 a.m." basa ko sa relo ko. Inayos ko sa pagkakasuot ang backpack saka ko hinila ang kulay puti kong mountain bike patungo sa parking ng mga bisikleta dito sa unibersidad.



Nang mai lock ko ito doon ay muli akong lumabas sa school para makakain ng almusal sa mga kainan na nakatayo sa tapat mismo ng unibersidad.



Higit na mas mura ang mga pagkain dito kung ikukumpara sa mga pagkaing mabibili sa school cafeteria.



Marami rami din namang kumakain dito para makatipid. Malaki din kasi ang bilang ng mga estudyanteng nag aaral dito na hindi ganoon kayaman. May mga scholars din naman kasi ang ACUF, kabilang na ako.


"Nay Fe, palabok nga po. Isang order." Sabi ko nang makaupo ako sa karinderiang madalas kong kainan.



"Ikaw pala, Em. Hindi ka pa ba huli sa klasi mo niyan?" Nakangiting tanong nito sa akin.




Mabait si nanay Fe kaya maraming kumakain dito dahil narin pinapayagan niyang tumambay ang mga estudyante kahit tapos nang kumain. Di tulad sa mga katabing kainan na kulang nalang ay magpagawa ng billboard na may nakalagay na 'No Loitering'.


"Hindi pa naman po, nay. Mamaya pa naman pong alas nueve ang unang klasi ko. Napaaga lang ng pasok."



"Aba'y mabuti yan kaysa sa pumasok ka ng late. Oh, sya sige. Ihahanda ko na yung order mo." Yun lang at iniwan na ako ng matanda.


Isang linggo na mula nang matapos ang University Days naman at hanggang ngayon ay may hang over pa rin yata ang mga tao. Lahat kasi halos ng makikita kong schoolmate ko ay tinatamad pang pumasok.




As per our section, yung mga blockmates ko ay nakikiusap parin sa mga professors namin sa bawat kurso na wag muna mag klasi. Haha. Mga tamad talaga.




Ako nga rin, kung kaya ko lang hilahin ang mga araw ay ginawa ko na para mag march na agad. Sobrang boring naman kasi mag aral pero ano bang choice ko? Kailangan kong makapagtapos para naman makahanap ako ng magandang trabaho.



Isang trabaho na tutustos sa mga pangangailangan ko sa buhay.



"Ito na, hija. Kumain ka ng mabuti. Dinamihan ko na yan para naman mabusog ka talaga." Galak na nagpasalamat naman ako sa kanya at kumain na.


Nang maubos ko ang pagkain ay naghintay nalang ako nang oras at naglakad na papasok.



Malapit na ako sa elevator ng makita kong sumakay doon si Amanda Wilde kasama si Cole kaya naman nag alangan akong pumasok. Tumingin ako sa wrist watch ko para tantiyahin ang oras. 8:40 a.m. may oras pa naman.



Lumihis ako ng daan at pinili nalang na umakyat gamit ang hagdan. Nasa second floor lang naman yung classroom namin kaya hindi masyadong nakakapagod.




Ang nakakapagtaka lang, ano naman kayang gagawin ni Miss Amanda sa building ng College of Engineering? Hindi din naman Engineering student si Cole dahil sa pagkakaalam ko, BS Aviation major in flying siya. In short, mag pipiloto. So anong dahilan para magawi dito ang "Reyna"?




Baka naman, may kaibigan siya dito. Haist. Kung ano man ang dahilan, bahala siya.



Nang marating ko ang second floor ay muli akong napatingin sa oras. Checking if hindi pa ako huli sa klasi.



8:45 a.m.




Naglalakad na ako papunta sa classroom namin nang maalala kong may sandwich nga pala ako sa bag. Tinanggal ko sa pagkakasukbit sa kaliwa kong balikat ang bag ko para makuha ko yung tinapay. Pwede ko naman kasing kainin yon sa classroom dahil wala pa naman sigurado si prof. Habang nagkakalkal ako ng bag ay naglalakad narin ako pasulong nang may mabangga ako.



" Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya." Hingi ko nang paumahin sa nakabanggaan ko.


Dali dali akong yumuko para sana pulutin yung mga nahulog niyang gamit pero nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong cookies ang mga iyon. Maraming natapon sa sahig. Patay.

Dahil sa panic ko ay pinagpupulot ko ang mga iyon at basta nalang ipinasok sa magandang plastic nito. May ribbon pa nga e.

Wala na akong paki kung nagmumukha na akong timang sa kakapasok ng mga cookies sa plastic. Natigil lang ako nang makarinig ako ng may marinig akong tumatawa.

"Hahaha. I wonder kung gugustuhin mo pang kainin yan." At doon ko narealize yung katangahang ginawa ko. Hala, paano nga naman nila kakainin to? Eh, hinalo ko na yung mga natapon sa sahig!

"Sheeeet! Sorry, pasensya na talaga..." Hinging paumanhin ko sabay angat ng tingin sa kanila. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba nang malaman ko kung sino yung nabangga ko.

Amanda Wilde. The "Queen" of ACUF! Naku po, ano bang kamalasan 'to?! Ano ba kasing ginagawa nila dito sa building namin.

Lumihis na nga ako ng daan para hindi niya ako mapansin pero talaga namang napakabuti ng pagkakataon, oh! Ang saya naman. Ang saya saya talaga!

Lately kasi, she's acting weird. Weird in a way na she came to notice someone like me. Actually, since thursday pa talaga. Tuwing magkakasalubong kami, lagi niya akong binabati o kaya naman ay nginingitian. Ang sama tuloy ng tingin sa aking ng ibang estudyante. Why not? Halos lahat sila, gustong mapansin niya. Tulad ngayon.

Nagpatingin-tingin ako sa paligid. May iilang mga estudyante ang nakasaksi ng mga pangyayari. Nagbubulungan na ang mga ito na sigurado puro tungkol sa akin at sa koneksiyon ko sa salitang 'tanga'. Natatakot na ako sa paraan ng pag titig nila sa akin. Parang any moment ay ipapabitay na nila ako. Huhu.

"It's okay, Ryse. Mayroon pa naman ako niyan dito." Nakangiting sabi ni miss Amanda sabay tapik sa bag niyang bitbit ni Cole.

"A-ahm...ano, k-kasi..." Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

Ngumiti lamang ito ng malapad bago kinuha sakin yungmga cookies na hawak ko. Nagpalingon lingon siya sa paligid. Nang tila makita niya ang hinahanap ay naglakad ito palapit na isang basurahan na ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya. Itinapon niya ang mga iyon sa trash bin.

Sayang naman yung mga 'yon!

Bumalik ito sa tabi ni Cole at kinuha ang bag niya mula sa lalaki. Ipinasok niya ang kamay niya doon at maya maya lang ay may iniaabot na itong isa pang pack ng cookies.

"For you."

"E-eh? P-para saan? Bakit mo ako binibigyan ng g-ganyan, Miss Amanda?" Alanganing tanong ko.

"I just want to thank you for saving me last wednesday."

"A-hhhh. Ahahaha. You're welco----" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang may sabihin uli ito na ikinasinghap ng ibang nakarinig at ikinalaglag ng panga ko.

"and to show you how I feel about you. I think, I like you."

" He-he-he. A-ah. You m-mean, as a schoolmate or a friend d-diba?"

"Romantically."

Ano daw?!

HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon