Chapter 25: End

18.7K 605 274
                                    

Last na po ito. Enjoy reading po 😊

EMRYSE FABIAN

Zambales 9:45 a.m.

Takang taka ang mga kaibigan ko nang makita nila ako na pabalik sa villa. Alam naman nila na babalik ako kaya ako man ay nagtataka kung bakit parang nabigla pa sila na nandito ako. Literal na nakatitig lang ang mga ito. Kumunot ang noo ko sa ikikilos nila.

Unti unting na intindihan ko ang pagtataka nila nang mapansin ko ang pagbaba ng tingin nila sa magkahugpong naming mga kamay ni Amanda.

"Woah, anyare?" anang Arrise na nakangisi na ngayon. Hindi ko nalang sila pinansin. Para silang mga ewan na hanggang ngayon ay nakatingin pa din.

Ano kami? Artista?

Para silang na starstruck. Nagpatuloy nalang ako sa paglakad habang hila si Amanda. Bahala sila.

Nilagpasan namin ang apat at dumiretso sa kwarto ko dito. Si Amanda na ang nag ayos ng mga gamit namin. Habang ginagawa niya yon ay nakangiting pinagmasdan ko lang siya.

She's wearing a plain white V-neck shirt, black shorts, and sandals. Yun lang ang suot niya pero ang lakas pa din ng dating niya. May suot siyang kulay puting sumbrero na kakaalis lang niya. She's really gorgeous. You have a very beautiful girlfriend, Fabian. How the hell did that happen?

Naiiling nalang ako sa naiisip ko. Isinuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok pagkatapos ay isinuksok ang kamay ko sa bulsa ng suot kong tight jeans. Abala talaga siya sa pag aayos kaya di niya napapansin na wala akong ibang ginawa kundi tumitig lang sa kanya.

Lalapit na sana ako para tulungan siya dahil pati gamit ko ay inaayos na niya kaya lang, biglang tumawag mula sa labas si Cara.

"Em, tara saglit. Mamili muna tayo ng makakain natin."

"Teka, nag aayos pa si Amanda. Kayo nalang." Sabi ko nang mapagbuksan ko siya ng pinto. Nilingon ko ang girlfriend ko. Nakatingin lang naman siya.

"Nah. May kasama naman siya dito. Tayo lang muna nila Arrise at Truth. The rest, maiiwan muna dito." Sumilip siya sa loob.

"Okay lang naman diba, Miss Amanda?" nahihiyang tumango lang siya. Wait! Nahihiya? Wiw. That's new. Haha.

"Sige. Labas ka muna. Mag aayos lang ako."

"Sure. 5 minutes, okay?" tumango nalang ako bilang sagot. Lumabas na siya at isinara ko na ang pinto.

Hindi na ako nag abalang magpunta pa sa banyo. Nagpalit ako ng shorts at tshirt sa harap niya. Nagtsinelas nalang din ako. Nang okay na ang lahat ang nilapitan ko siya. Nanlalaki ang mga mata na nakatitig lang ito sa akin. Para siyang nakakita ng multo dahil pinagpapawisan siya.

"What?" natatawang sabi ko dito.

"You should have changed at the comfort room." namumulang bulong niya. Loud enough for me to hear. Natawa lang ako. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nila. Habang sinusuklay ang buhok ko ay tumabi ako ng upo sa kanya.

"Okay ka lang ba na maiwan muna?"

"Uhuh. It's not like maiiwan akong mag isa dito." tumawa siya ng mahina na ikinangiti ko naman. Ang ganda talaga.

Magsasalita pa sana ako nang marinig ko mula sa labas si Cara.

"Em, Let's go!"

"Coming!" sigaw ko pabalik

Tumayo na ako at dumukwang lang uli. Hinawakan ko ang baba niya at iniangat ang mukha ni Amanda. Humalik ako sa noo niya pagkatapos sa matamis niyang mga labi.

HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon