Chapter 15

11.9K 520 93
                                    

"Tara, date---- I mean, let's talk about the play. In my house. My room."

Hindi ko narinig yung huling sinabi niya dahil nag ring bigla yung phone ko na pwedeng ipang kudkod ng yelo. Haha. Lumang model e. Wala akong pambili ng  smart phone.

"Excuse me." bumitaw ako sa pagkakahawak niya at tumalikod para sagutin ang tawag. Ilang hakbang ang ginawa ko bago pindutin ang answer button ng phone ko.

Si Gio pala.

"Hello?"

"Babe, may gagawin ka ba mamaya?" tumingin muna ako kay Amanda na tahimik nakamasid lang din sa akin. Hinihintay akong matapos makipag usap.

Nag iwas lang ako ng tingin kay Amanda bago ko sagutin ang tanong ng boyfriend ko.

"Bakit?"

"Gusto lang sanang ayain ka sa labas mamaya. Naisip ko lang kasi na ang tagal na pala nating di nagde date. Gusto ko namang makabawi sa paghihirap mo nung mga panahong nawala ako sayo." Malambing na sabi niya. Mapangiti ako ng malapad sa sinabi niya. Gusto ko nang umoo kaso...

Napatingin uli ako kay Amanda na kinindatan lang ako. Tss. Muli akong nag iwas ng tingin. Para kasi akong nabulunan ng walang kinakain dahil sa pagkindat niya. Hindi na yata ako masasanay sa kanya.

"Okay. Pwede ako mamaya. Wala naman akong gagawin." Bahala na. Pwede naman siguro naming pag usapan ni Amanda ang tungkol sa play sa ibang pagkakataon. Magpapalusot nalang ako.

Mahaba habang panahon ang pagkakawalay namin si Gio. Ni wala kaming komunikasyon. Wala kaming naging balita sa taong hindi namin alam kung nasaan siya. We almost believed that he is already dead.

Kailangan namin magcatch up. Alam kong kahit papaano ay nagkaroon kami ng malaking gap dahil sa haba ng panahong hindi kami nagkasama. Hindi ko din alam kung bakit hindi siya agad nakabalik sa amin. Hindi ko muna siya tinanong tungkol don.

Ang nasa isip ko lang kasi, nakabalik na siya. Yon lang ang mahalaga. Alam ko namang may maganda siyang rason sa hindi niya pag uwing agad. Hinihintay ko lang siya na sabihin sa amin yon.

"Really? Okay. Susunduin kita mamaya. 7 pm tayo mamaya, ha." napatango lang ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

Ibinaba ko ang tawag at lumapit na kay Amanda. Nakangiting muli siyang humawak sa kamay ko.

"So about the pla----" I cut her off.

"May importanti akong lakad mamaya. Sa ibang araw nalang tayo mag usap tungkol diyan." sandali akong nag isip.

"Ahm, bukas. Pwede ako bukas" kunot ang noo na nakatingin lang siya sakin. Binitawan niya ang kamay ko na hawak niya.

"Why? Saan ka pupunta?" she crossed her arms. Bahagyang nakataas ang kaliwang kilay niya kaya medyo kinabahan ako.

"A-ah, diyan lang." utal na saad ko.

"Okay." Yun lang ang sinabi niya. Tinalikuran niya ako at kinuha ang bag niyang mamahalin sa table namin. Walang lingon likod na naglakad ito palayo. Kahit nakatalikod siya sakin, parang nasesense ko na inis na inis siya. Ang bigat ba naman ng bawat hakbang niya. Parang sinasadya niyang patunugin yung takong ng black shoes na suot niya.

Malapit na siyang makalabas ng may makabangga sa kanya.

"Watch where you're going!" asik niya tapos ay tumuloy na sa paglalakad palabas. Wala sa sariling napatango nalang yung lalaking nabunggo niya.

Ang weird talaga niya. Pabago bago ng mood. Katakot. Napabuntong hininga nalang ako sa nakita.

Kinuha ko muna ang backpack ko bago ako umalis sa Cafeteria. Papasok muna ako sa ibang mga course tapos aabsent ako don sa huli para makapaghanda ako sa date namin ni Gio. Gustung gusto ko siyang makasama lagi.

Nakakatuwa dahil gumagawa siya ng paraan para makabawi siya sakin.

I smiled at that thought.

----------------------------------

Lumabas na ako ng bahay nang makarinig ako ng busina ng motor. Alam ko na si Gio na ang dumating. Tulad dati, noong di pa siya nawala, nagsuot lang ako ng simpleng tshirt, jeans, at rubber shoes. Pinili ko na ang pinaka bago sa mga damit ko.

Sanay naman na sakin si Gio. Isa pa, hindi naman kami sa isang mamahaling restaurant madalas kumain. Hindi na namin kailangang pumorma ng bonggang bongga. Iba kasi kaming mag date.

Nakangiting nakatingin si Gio sakin. Pareho lang kami ng get up. The usual plain tshirt, jeans, at sapatos. Napangiti ako. Wala pa ring nagbabago. Tulad pa din kami ng dati.

Nang makalapit ako sa kanya, sinuotan niya ako ng helmet.

"Let's go." kagat labing umangkas ako sa kanya. Pag sakay ko, nilingon niya ako. Kinuha yung mga kamay ko at iniyakap sa bewang niya. Kinilig naman ako. Hihi. Gusto ko sanang damahin yung abs niya kaso nahihiya ako.

"Kapit ka lang mabuti ha." ngiting ngiti na sabi niya. Napangiti din ako. Lumalabas kasi yung mga biloy sa magkabilang pisngi niya. Ang gwapo talaga. Hindi ko alam kung paano siya nagkagusto sakin.

Tumango lang ako sa sinabi niya. Pinasibad niya na ang motor, ako naman, nakahilig lang sa likod niya. Sinisinghot yung amoy niya. Haha.

Matapos ang mga tatlumpung minuto, tumigil kami sa harap ng isang gotohan. Walang masyadong tao dito dahil medyo tago siya. We used to eat here. Ngayon na nga lang kami ulit nakabalik dito.

Umorder kami ng goto at bote ng coke at nagsimulang kumain.

"Ri, namiss ko to." nilibot pa niya ang tingin niya sa buong lugar.

"Ako din, Gi. Lahat ng to, namiss ko."

"Ri, sorry ah. Hindi ako nakabalik agad." seryosong sambit niya. Alam ko na sasabihin na niya kung bakit kaya naman tutok talaga ang atensyon ko sa kanya. Gusto kong malaman.

"Nung araw na maaksidente kami. Napunta ako sa isang malayong bayan. Wala akong naaalala dahil tumama ang ulo ko sa bato. Nakita lang ako ng mga residente sa lugar sa may dalampasigan na nagdudugo ang ulo. Inabot ng taon bago bumalik ang mga alaala ko." mahabang litanya niya. Nagpatango tango nalang ako. Naiiyak ako. Iniisip ko palang ang nangyari sa kanya, naluluha na ako.

"Bakit ka na naman umiiyak? Tama na, babe." sabi niya habang pinupunasan niya ang mga luha ko.

"Wala. Haha. Kain na tayo." sabi ko. Yumuko ako. Natawa pa ako sa kadramahan ko sa buhay.

Hinawakan niya ako sa chin ko. Nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko.

"I love you, Ri." Unti unti niyang inilapit yung mukha niya sakin. Napapikit nalang ako. Wala naman masyadong tao dito kaya okay lang siguro to.

Ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa ilong at ng labi ko. Maglalapat na sana nmang mga labi namin nang may tumamang papel sa mukha namin ni Gio. Ang sakit. Lakas ng pagkakabato e.

Napahimas ako sa pisngi kong tinamaan.

Napatingin kami ng sabay sa direksyong pinanggalingan ng papel. Napanganga ako.

W-what the hell is s-she doing here?

Isang mapang asar na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya.

"Oops. Sorry, di ko sinasadya." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi sinasadya? Ang asintado kaya niya!

Nilapitan ko siya.

"Why did you do that and what are you doing here?" hindi niya ako sinagot. Nabura yung ngiti niya. Nanlilisik ang mga mata na tinignan niya ako ng diretso sa mga mata. Nagtatagis din ang bagang niya. Napaatras ako ng konti.


"Punyeta, babyloves. Ito pala yung importanti mong gagawin. May date ka na naman pala. Tangina talaga."

HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon