Chapter 22

13.5K 560 140
                                    

"Hey, hon!" napalingon ako sa taong bigla nalang sumulpot mula sa kung saan.

Patalon talon na lumapit ito sa akin habang may malaking ngiti na nakapaskil sa mukha niya. Napataas nalang ako ng kilay at napakamot sa ulo.

Nang makalapit siya sa akin ay agad niya akong niyakap sa leeg. Yumakap nalang din ako pabalik. Ang slim talaga ng katawan niya. Sakto lang para maakap siya ng maayos.

"I missed you" sabi nito bago kumalas sa pagkakayakap. I almost rolled my eyes. Muntik na din tumikwas pataas ang kaliwang kilay ko. Hello, ilang oras palang kaming hindi nagkikita.

Hindi na ako nagulat nang halikan ako nito nang mabilis sa labi. Lagi naman niyang ginagawa kaya lang nasa school kami kaya sinaway ko siya.

"Ano ba, Amanda? Nasa school tayo. Baka may makakita satin.

"So?" Ngali ngaling sabunutan ko siya sa sagot niya. Nagpipigil inis na huminga nalang ako ng malalim.

"Sabi ko, namiss kita" tsaka humalik ulit. Kumunot naman ang noo ko.

"I heard you." napasimangot lang siya sa sagot ko.

"I missed you." ulit na naman niya. Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng kilay ko. Bakit ba paulit ulit siya? Mukha ba akong bingi?

"Alam ko. Narinig ko, okay?" blangko ang mukha na ani ko.

Pinukol lang niya ako ng masamang tingin. Ilang segundo siyang ganoon. Pumikit siya saglit at nagpakawala ng hangin.

"Let's go na nga." aburidong aniya. Napakurap nalang ako ng mga mata. Naglakad ito palapit sa motor ko. Nakatalikod na naghintay ito hanggang maabot ko ang distansya namin. Hindi siya humaharap sa akin. Nagkibit balikat nalang ako.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ko. May sarili na din naman siyang trabaho at may sasakyan din.

"I already told you that I missed you kaya pinuntahan kita." Hindi nalang ako kumibo. Nagpatingin tingin ako sa paligid. Ano kayang sinakyan niya papunta dito?

"Where's your car?" I asked. Umiling lang ito habang nakayuko pa din. Hindi na naman siya nagdala ng sasakyan. Kailan ba ako masasanay?

"Sasabay ka ulit sakin? Sana nagtaxi ka nalang. Mas mapapabilis ka pa sa pag uwi. Out of way tong school pauwi sa inyo ah."

"I missed you nga. You're so makulit talaga!" gigil na asik nito. Kahit hindi ito nakatingin sa akin, alam kong nakasimangot na talaga ito ngayon.

"Paano yan? Wala akong dalang extra hel--- " natigilan ako nang mapansin ko ang hawak niya. Ayos ah. Hindi din naman talaga siya handa ano? May dala siyang sarili niyang helmet.

"Uh, tara na nga." tumango lang ito. Bumaba ulit ang tingin ko sa helmet na hawak niya sa kaliwang kamay. Kinuha ko iyon sa kanya. Inangat ko yung ulo niya at isinuot yon doon.

She seems annoyed. Nakatingin sa ibang bagay ang mga mata niya. Hindi ko alam pero sa halip na mainis ay muntik pa akong matawa sa ikinikilos niya. Para kasi siyang nalugi sa hitsura niya. Haha. Nang mailock ko na yung chinstrap ay marahan kong tinapik tapik yung itaas na bahagi ng helmet.

Sumakay na ako at isinuot yung helmet ko at jacket ko.

"Tara na." She just rolled her eyes. Walang gana na sumampa na ito sa motor. Kumapit siya doon sa bakal sa may likod na hindi naman niya usually ginagawa. Lagi kasi siyang lumilingkis sa baiwang ko sa tuwing umaangkas siya sakin.

Mukhang inis talaga siya. Napailing nalang ako. Bahala siya diyan. Mapapalayo pa ako dahil sa kanya.

Nang maihatid ko siya sa kanila ay agad din akong umalis. May lakad pa kasi ako kasama sila Truth. Napatigil ako sa pagdadrive nang maramdaman ko na nagba-vibrate ang phone ko na nasa pocket ng suot kong jacket.

HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon