6:15 a.m.
Nagising ako na may kung anong nakapatong sakin. Nang buksan ko ang mga mata ko ay bahagya akong natawa kasi nakadapa sa mismong harap ko si Amanda.
Sinalat ko ang leeg niya. May lagnat pa siya. Gumalaw ako para ibalik siya sa kama. Kailangan ko kasing lumabas.
Nakahinga ako nang maluwag nang maayos ko siyang naihiga sa kama ng hindi nagigising. Mukhang malalim ang pagkakatulog niya.
Bumangon ako at nagpunta ng kusina para magluto. Ang mga kasambahay palang nila ninong ang gising.
"Magandang Umaga po." bati ko sa mga dinatnan ko sa kusina. Ngumiti sila pabalik.
"Magandang umaga din, ma'am. May kailangan ba kayo?"
"Magluluto ho sana ako. Pwede bang makigamit nitong kusina?"
"Kami nalang po. Ano po bang gusto niyong kainin?"
"Ako nalang po. Ipagluluto ko ho sana ng lugaw si Amanda." tumango tango lang ito.
"Ganoon po ba? Sige po." yun lang at umalis na ito.
Matapos ang halos isang oras ay natapos din ako sa pagluluto. Kumuha ako ng saging at isang basong tubig. Ipinatong ko ang mga yon sa isang bed tray atsaka na ako muling pumasok sa kwarto ni Amanda. Sakto namang gising na din siya. Nakatingin lang siya sa may bintana.
"Good Morning." I smiled. Napalingon siya sakin saka ngumiti pabalik.
"I thought, you already left." umiling lang ako. Lumapit ako sa kanya dala yung bed tray.
"Naghanda ako ng agahan para sayo. Kain ka na." bumangon siya ng dahan dahan.
Inilapag ko yung pagkain sa kama. Hindi ko hinayaan kunin niya mula sa aking yung kutsara. Susubuan ko nalang siya. Baka kasi nanlalambot siya dahil sa lagnat.
Ang laki nang ngiti niya habang sinusubo ang iniumang kong pagkain sa kanya. Natawa naman ako. Mabilis na naubos nya ang lugaw na niluto ko para sa kanya. Babalatan ko na sana ang saging kaya lang biglang nagring ang phone ko.
Kinuha ko yon mula sa side table at sinagot. Si Carille pala. Sinenyasan ko si Amanda na saglit lang. Nang tumango siya ay lumabas muna ako sa kwarto.
"Hello."
"Em, I saw your mom with Marcus. Dito din sa Zambales. Nakausap ko siya ngayon lang. She wants to see you."
"Ano? Ano pang sabi niya?"
"Wala na. Kinuha lang niya ang contact information mo pagkatapos ay umalis na."
Hindi na ako kumibo. Nakakapagtaka. Paano naman kaya nalaman ng nanay ko kung nasaan ako.
"Anyway, bumalik ka dito. Ang dami kayang magagandang lugar, Sis. Bigla ka nalang umalis kasi."
"Eh? Kasi...ano"
"Sige na please. Ang dalang na nating magkasama sama." napabuntong hininga nalang ako. Sasagot pa sana ako kay Carille nang bigla nalang nagsalita mula sa loob si Amanda.
"Hon, matagal ka pa ba diyan? I'm still hungry and I'm not going to eat by myself." Nagsasalita sa kabilang linya si Carille pero wala akong maintindihan dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa boses ng girlfriend ko.
"Let's talk some other time, Sis." yun lang ang sinabi ko at binaba ko na ang tawag. Pumasok na ulit ako. Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha niya. Gusto kong ngumiti kasi mukhang inis na inis siya. Pero wag nalang.
"Hey, kumain ka pa." matapos ang ilang minutong pagpapakain ko sa kanya ay natapos din. Nagpaalam ako sa kanya para umuwi sa apartment. Kailangan ko kasing iuwi ang mga damit kong basa. Ayaw pa sana niya at ipalalaba nalang sana niya sa mga katulong ang mga iyon pero hindi ako pumayag.
BINABASA MO ANG
Haraya
RomanceDating Pamagat: Beautiful Deception Sa Apat na taong pag aaral niya sa kolehiyo, hindi naging komplikado ang buhay ni Emryse. Hindi siya pansinin kaya nga mayroon lang siyang apat na kaibigan. Hindi din matalino kahit na malaki ang hugis bilog na e...