"Pasta sakin. How about you?" Asked Arrise . Another friend of mine na ngayon ko pa lang ulit nakasama after four months. In fairness naman sa mga friends ko, lahat sila ay magaganda. Mga dyosa ika nga.
Arisse has this aristocratic features that would really make you drool. Sakto ang nipis ng kilay at labi. May kahabaan ang pilik mata na kaiingitan talaga ng maraming babae at bakla. Haha. Ang mga mata niyang kulay abo ay tiyak na makakapagpalambot ng tuhod sa bawat tingin nito. And her complexion? As white as snow.
Matagal tagal din siyang namalagi sa Zamboanga dahil narin doon siya na deploy for her OJT. She's a Culinary Student. She worked in a Hotel-Restaurant as a requirement for their program. Constant naman yung communication niya samin kaya updated siya sa lahat ng mga ganap dito.
Even yung panliligaw ni Amanda alam niya. Take note, pati yung sigawan na nangyari a week ago. Nagkataon kasi na nandoon si Cara sa likod ng building ng College of Engineering nang magkasagutan kami. Dahil likas na madaldal ang kaibigan ko ay naikwento din niya kina Arisse, Truth, at Carille.
"Libre mo ba?" Natatawang tanong ko dito. Inayos ko ang suot kong jacket. Bakit ba kasi ang lakas ng aircon dito sa restaurant na to, eh Gabi na naman? Lamig. Pinusod ang may kahabaan kong brunette hair pagkatapos ay inayos ang salamin ko na muntik nang malaglag mula sa pagkakasuot.
"Of course not. May bayad to no."
"What?! Hala, tubig nalang sakin. Wala akong pera no!" Alalang sabi ko dito. Pasimpleng kinapa ko ang mga bulsa ng suot kong slacks. May nakapa naman ako. Sincuenta pesos. Sakto lang pamasahe pabalik sa apartment. Abala ako sa pagkapa ng lahat ng mga bulsa na meron ako nang matigil ako dahil sa isang mabining tawa. Napataas naman ako ng kilay.
"What's funny?" Tumikhim ito para pigilan ang pagtawa. Hinawi niya ang buhok niya na nahulog papunta sa pisngi niya dahil sa katatawa. Tumingin siya sa likod ko at may sinenyasan doon. Nang tingnan ko kung sino, yung waiter pala.
"2 orders of Rigatoni alla Genovese and---"
"Water!" Putol ko sa sasabihin ni Arisse. Paano ba naman, ang mamahal ng pagkain dito. Isang order palang yata dito, pang apat na araw na kainan ko na. Haist. Pag talaga mayaman, hindi marunong manghinayang.
"Is that all, ma'am?" Tanong pa ng waiter na nakatingin kay Arisse ng buong paghanga.
"Wala ka na bang ibang gusto?"
"Wala na!" Pailing iling pa na tangi ko. She just chuckled. Nakooo, San kaya ako kukuha ng pangbayad dito? Siguro, magpapaiwan nalang ako dito mamaya para maghugas ng pinggan. Pwede din namang mag cr ako tapos pasimpleng lalabas.
Nagulat ako nang magorder pa siya. Hindi ko naman alam kung ano yun. Alien food yata.
"It's my treat. Don't worry. Biniro lang kita kanina."
"Langya ka talaga." sabi ko sabay hila sa ilang hibla ng buhok niyang hanggang balikat ang haba. Napa aray naman ito ng mahina kapagkua'y natawa na naman. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"So, I heard may boyfriend ka." itinaas pa nito ang kamay sa hangin at umaktong kino-quote ang salitang yon. Napabuntong hininga naman ako. Ibinaba ko ang kanang kamay ko sa may hita ko at nilaro laro yung table cloth na abot ng mga daliri ko. Nakayuko akong nagsalita.
"Meron naman."
"Kailan pa at sino?" seryosong tanong niya sa akin. Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. Puno ng kuryosidad ang mga iyon. Bahagya pang nagsalubong ang magkabila niyang kilay sa pagtataka.
"You know who."
"What do you me—don't tell me..." isang makahulugang tingin ang itinapon nito sa akin. Medyo nahila ko yung tela ng mesa. Matapos ang ilang taon, naramdaman ko muli yung pamilyar na sakit na lumulukob sa puso ko. Nangilid ang luha ko sa pagkakaalala sa kanya. Matagal na din pala pero yung sakit sa tuwing naaalala ko ang araw na yon, nandito pa rin.
Wala sa sariling nakapa ko ang kaliwang dibdib ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago muling nagsalita.
"Kung sino man yang nasa isip mo ngayon, siya nga." Napaayos ita ng upo sa narinig. Her face went blank.
"It's been 2 years, Em. Dapat wala na. Dapat nakalimot ka na."
"Ar, I can't. I just can't." maluhaluha kong bulong na alam kong nadinig din naman niya. Napabuntong hininga na lang siya. Alam ko na hindi na niya itutuloy tong usapan na to. Kilala niya ako at alam niya kung anong mangyayari sa akin pag pinagpatuloy namin tong pag uusap tungkol sa boyfriend ko.
I-s-in-erve yung mga order namin. Nagumpisa na kaming kumain. Halos laruin ko nalang yung pasta na inorder ni Arrise.
"Okay, change topic." napangiti na ako ulit sa sinabi niya. Nang mapagdesisyunan ko namang sumubo na ay doon naman siya nagsalita ulit. Naubo tuloy ako sa tanong niya."Kumusta naman si Amanda?"
"Err...siya kaya ang tanungin mo? Ba't sakin ka nagtatanong?" ngumisi lang ito sakin at hindi pinansin ang sinabi ko. Humalukipkip ito. Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Puno ng kapilyahan ang mga mata niya na kanina lang ay kinukwestiyon ako. Mukhang hindi ko magugustuhan kung ano man ang tumatakbo sa isip niya ngayon.
Si Arrise kasi yung klasi ng tao na seryoso kung seryoso pero kapag nakasumpong naman ang kapilyahan ay maghanda handa ka na. Nalala ko tuloy yung nangyari nung 4th year high school kami. May isang kaklasi kasi kami na maganda. Mala anghel ang mukha pati na din ang ugali pero kinaiinisan talaga niya ng sobra. Kapag nakikita niya si Kelly, nag iinit talaga ang ulo niya. Siguro dahil inagaw nito ang pagiging rank 1 sa klasi. Maldita din kasi talaga itong si Arrise.
One time, sinundo si Kelly ng boyfriend niya na taga ibang school. Nakatanaw lang kaming dalawa ni Arrise sa mga ito habang inaalalayan ng lalaki si Kelly papasok sa kotse. Ang sweet lang. Binigyan pa ni kuya si ateng ng tatlong piraso ng pulang rosas. Baka naman monthsary?
Nagkibit balikat nalang ako. Nang humarap ako sa katabi ko ay nagtatagis na ang mga bagang nito. Tinawag ko naman ito para maagaw ang pansin niya.
"Ar, huy!" pinatama ko yung siko ko sa sakanya. Napatikhim naman ito.
"Tara." yun lang ang sinabi nito atsaka nagpatiuna na paglalakad palapit na kinapupwestuhan ng sundo niya.
Ilang araw ang lumipas matapos iyon, may mga kumalat na pictures ni Arrise na kahalikan yung bf ni Kelly. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari. Isa lang ang sigurado ko, naghiwalay si Kelly at yung boyfriend niya. At higit sa lahat, nasisiguro ko na masakit yung sampal na dumapo sa magkabilang pisngi ng kaibigan ko.
Isang ngisi lang ang ipinakita niya kay Kelly. Ni hindi niya sinagot ang mga tanong ng galit na galit na babae. Naglakad siya palayo nang walang ano mang sinabi.
Kung anu-ano pang kalokohan ang ginawa niya kay Kelly kaya sa huli, pagkamuhi na yung ipinapakita sa kanya ng babae.
At heto nga, ngingisi ngisi lang ito sa akin. Nabigla ako ng punasan niya ng panyo niya yung kung ano man ang nasa may labi ko. Ang ipinagtaka ko, bakit kailangan pa niyang ilapit ng sobra yung mukha niya. Nang lumayo siya. Natatawang nagsalita lang siya uli.
"kawawa naman yung karne. Nadouble dead." ninginuso niya yung sa may likod ko. Lumingon naman ako.
Napalunok ako ng dalawang beses nung makita ko kung paano nito panggigilang hiwain at tsukin yung steak. Isang pilit na ngiti naman ang ginawa iginawad ko sa kanya nang magtama ang tingin namin tsaka ako mabilis na humarap sa direksiyon ni Arrise. Wala sa sariling napainom ako nang tubig.
Ano namang ginagawa ni Amanda dito? Wag kayong pilosopo. Alam kong kumakain siya, mga sira.
uminom ulit ako ng tubig na halos maibuga ko naman nang maramdaman ko ang senswal na paghaplos ng isang tao sa magkabilang balikat ko.
"Hi, babe." bulong nito sa tenga ko. Feeling ko, namula ako ng todo nang marahan niyang kagat kagatin ang punong tainga ko at dilaan yon. Yung kanang kamay niya, shet! dumausdos patungo sa kanang dibdib! Bumibigat na yung hininga ko sa ginagawa niya. OMG!
"May date ka pala. Wala ka man lang pasabi, hon." muli nitong bulong. Napasinghap ako nang kagatin uli niya yung tenga ko kasabay ng marahang pagpisil niya sa dibdib ko na mag iisang minuto na yata niyang hawak.
Oh, shit!
———————
Mamaya na po yung isang chapter. Di pa tapos. Hindi ko po alam kung okay ba yang chapter. Di po talaga ako makafocus since kakamatay lang po ng aso ko. 😢

BINABASA MO ANG
Haraya
RomantiekDating Pamagat: Beautiful Deception Sa Apat na taong pag aaral niya sa kolehiyo, hindi naging komplikado ang buhay ni Emryse. Hindi siya pansinin kaya nga mayroon lang siyang apat na kaibigan. Hindi din matalino kahit na malaki ang hugis bilog na e...