EMRYSE FABIAN
Lumipas ang tatlong taon at marami nang nagbago. Nakapagtapos na ako at may trabaho na din sa wakas. Sa awa nang diyos ay naipasa ko naman ang board exam pero hindi ako matagal na nagtrabaho bilang isang inhinyero. Mas pinili ko na magturo nalang sa unibersidad kung saan ako nagtapos.
Hindi man ako matalino pero alam ko na kaya ko namang ibahagi ang kaalaman ko nang mabuti.
Ang mga kaibigan ko naman ay may mga trabaho na din at may kanya kanya nang love life. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang kinahinatnan ng buhay pag ibig nilang lahat. Sino nga bang mag aakala na ganon ang ending nila? Haha.
Ako? Hmm. Hindi natuloy ang kasal namin ni Gio. Masaya na siya ngayon dahil may sarili na din siyang pamilya. Masaya ako para sa kanya. Hindi naman masama ang loob ko dahil sa kinahinatnan ng relasyon naming dalawa kasi ako naman ang nagdesisyon. Siguro nga, may mga tao na dumadating sa buhay natin hindi para manatili kundi para dumaan lang talaga.
"Ma'am Em, hindi ka pa ba uuwi? Tara sabay ka na sa amin." nilingon ko si Ma'am Amethyst na nasa may pinto na saka ako ngumiti.
"Una ka na, ma'am. Mag aayos pa ako ng mga gamit ko. Salamat."
"Sige, ma'am. Ingat sa pag uwi!" yun lang at naglakad na ito palayo.
Matapos kong mag ayos ay lumabas na din ako ng faculty room. Habang papunta sa parking lot ay hindi sinasadyang napasulyap ako sa isang building. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari noon.
Halos isang buwan ang lumipas mula nang maganap ang gabing iyon, tuluyan na ngang hindi lumapit sa akin si Amanda. Madalas siyang umiwas sa tuwing magkakasalubong kami. Hindi ko man siya madalas makita, napansin ko parin ang pamamayat niya at ang pangingitim ng ilalim ng mga mata niya.
Ang sabi sabi, naging tahimik na daw ito. Yung mga kaibigan niya, hindi na niya pinapansin pati mga nanliligaw sa kanya. Ilag siya sa mga tao maliban siguro sa mga kamag anak niya.
Makalipas ang ilang buwan pa ay napabayaan daw nito ang pag aaral kaya hindi siya nakapagtapos. Kaya nga nang huling taon ko sa kolehiyo ay nandoon pa din siya. Hindi daw kasi nito nameet ang mga requirements para makagraduate.
Pakiramdam ko, kasalanan ko lahat nang ito. Nagiguilty ako. Nabalitaan ko din kaseng halos maging tahanan na niya ng ibat ibang bars at pubs.
Ilang buwan na ganyan lang siya. Papasok sa school na parang nakalimutan niyang mag ayos. Gulo gulo ang buhok. Nanlalalim at nangingitim ang ilalim ng mga mata. At bagsak ang katawan. Pumapasok siya pero hindi nakikinig at hindi din nagsasalita gaano.
Hindi na nagulat ang mga tao nang mapabalita na naospital ito pero ang ikinabigla nang lahat ay ang balita na nagtangka pala itong magpakamatay. Maraming galos ang nakita sa katawan niya lalo na sa kanyang pulso.
Nag alala ako kaya nagdesisyon ako na bumisita sa kanya. Nasa isang malaking ospital siya sa Quezon. Nagpunta ako doon na hindi nagpapaalam sa boyfriend ko.
Nang marating ko ang ospital kung saan siya naka confine ay agad akong dumeretso sa front desk para itanong ang room number niya.
Nang sa wakas ay nakarating ako sa kwarto niya ay pumasok agad ako. Walang tao. Lumabas siguro sandali ang nagbabantay sa kanya.
Wala siyang malay at ang payat niya. Bakas sa mukha niya ang pagod sa mga bagay bagay. Parang stressed na stressed siya. Hindi ko alam kung sapat ang mga salitang iyon para idescribe ang mga nakikita ko sa mukha niya.
Naupo ako sa tabi niya at hinimas ang kaliwang kamay niya.
"Anong ba itong ginagawa mo sa sarili mo, Amanda?" kausap ko sa kanya na akala mo ay sasagot talaga siya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Iniluwa noon ang ama niya na halata sa mukha ang pagod. Mukhang wala pa siyang tulog.
"Emryse, hija" bati nito sa akin. Isang ngiti ang isinagot ko sa kanya. Muling nabalot ng katahimikan ang buong silid. Ilang minuto pa ang lumipas nang magsalita siyang muli.
"Mag usap tayo sa labas, hija. May dapat akong sabihin sa iyo." Nang lumabas siya ay sumunod na din ako. Mukhang seryoso ang pag uusapan namin. Naabutang ko siya na nakaupo sa mga upuan sa labas ng kwarto. Naupo ako sa tabi niya.
"I heard, my daughter is in love with you but you're getting married." nilingon ko siya ngunit deretso lang ang tingin niya.
"Ilang buwan na siyang hindi okay, hija. Buhay pero parang patay na rin. Napabayaan na niya nang tuluyan ang kanyang sarili." ang lungkot tignan nang mga mata ni ninong. Tila punung puno ng mga alalahanin ang mga yon. Biglang sumakit ang puso ko sa nakikita ko. Kung tutuusin kasi, isa rin ako sa mga dahilan ng lungkot niya.
Sumandal ako sa upuan at tumitig nalang sa kawalan.
"Gusto ko na maibalik ang dating siya, Emryse. Alam ko na hindi ko magagawa iyon nang ako lang." nakatingin na siya sa akin ngayon.
"Tulungan mo naman ako, hija" napatingin ako sa kanya.
"Ano pong gusto niyong gawin, ninong?"
Ilang sandali na natahimik siya. Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Tanging ingay lang ng mga yabag ng mga taong dumadaan. Magsasalita na sana siya kaya lang may biglang sumabat.“Be with her until she falls in love for somebody else. That’s all I’m asking from you. Let her love you.”
What?
"That's funny, sir.'' Nagpakawala ako ng pilit na tawa.
"I'm serious."
Pakiramdam ko naubusan ako ng dugo sa narinig. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya at naghihintay na sabihin niyang nagbibiro lang siya and this is his prank for April fool’s day although it’s September. You know, baka nag advance siya for next year.
“So?” seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Walang bahid ng pagbibiro ang mukha niya.
I sighed. “F-fine.”
This is crazy.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero pakiramdam ko kailangan ko din namang sumunod kasi may kasalanan nga ako dito. Nakatingin ako sa mga mata niyo at mababanaag doon ang kaseryosohan.
Nang ibaling ko ang tingin kay ninong, mukhang sang ayon naman siya sa sinabi nitong lalaking to.
Isang malalim na hininga pinakawalan ko. Naisip ko...
Bakit mo ito ginagawa, Cole?
--------------------------
3-16-18So ayan, natagalan uli sa pag update. Haha. Sorry naman. Matapos lang talaga tong thesis, dadalasan ko na. Hahaha
BINABASA MO ANG
Haraya
Lãng mạnDating Pamagat: Beautiful Deception Sa Apat na taong pag aaral niya sa kolehiyo, hindi naging komplikado ang buhay ni Emryse. Hindi siya pansinin kaya nga mayroon lang siyang apat na kaibigan. Hindi din matalino kahit na malaki ang hugis bilog na e...