Naiuwi ko ng maayos si Amanda sa bahay. Dito na muna siya, nakakapagod kasi kung dadalhin ko pa siya sa bahay niya. Nakabike lang ako, hello.
Ibinaba ko siya sa three wheeler bike at inakay papasok sa apartment ko. Hindi naman siya ganon kabigat kaya naging madali para sakin ang pagdala sa kanya sa loob.
"E-emryse kooo! Hihihi." hinimas himas niya yung braso ko kung saan siya nakakapit. Nalukot ang mukha ko nang maging senswal ang paghaplos niya hanggang bumaba ang kamay niya sa side ng kanang dibdib ko.
Inakap ko ang bewang niya para hindi siya matumba. Tinampal ko palayo ang naglilikot niyang kamay dahil ilang na ilang na ako. Bastos. Nakatingin lang siya ng pilya sa akin tapos ay biglang ngumuso.
"Whyyy?!"
"Tumigil ka nga. Umayos ka!" isang nakakalokong ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Napailing nalang ako sa kakulitan niya. Muli ako humakbang pasulong hanggang makapasok kami. Nasa tapat na kami ng kwartong tutulugan niya.
Inilabas ko ang susi at bubuksan na sana ang pinto kaya lang napatigil ako. Kung posible man, nalaglag na ang panga ko sa ginawa niya.
Nakangangang unti unti akong napatingin sa dibdib ko na ngayon ay natatakpan na ng malambot niyang palad. Uhm, sakto lang sa ano ko.
Ipinilig ko ang ulo ko sa naisip. Pucha! Ano bang iniisip mo, Em?! Hindi to pwede. Hindi tama!
"Amanda, ano ba?!" asik ko bago marahas na hinawi ang kamay niya. Muntik ko na siyang mabitawan nang pisilin niya ang dede ko. Juskooo! Ano bang ginagawa ng babaeng to.
Tuluyan na akong napabitaw at napaatras ng ilang hakbang palayo sa kanya nang galawin na niya ang kamay niyang nakakapit sa dibdib ko.
Tuluyan siyang napasalampak sa semento pero mukhang di naman niya ininda ang sakit ng pagkakabagsak niya. Nag init ang ulo ko nang makitang nakatitig siya sa palad niya habang ngiting ngiti.
"What the hell, Amanda Wilde?! Ano bang pumapasok diyan sa kukote mo't ginawa mo yon?" singhal ko. Malalalim na hininga ang inilalabas ko sa sobrang pagkainis ko. Nagpipigil ako ng galit.
"Honeybunch, Why are your breasts so soft? Hihi. I wanna touch them mooorrreeee! Hihihi." parang timang niyang sabi. Napaatras ako nang mabagal na gumapang siya palapit sa akin. Punung-puno ng kapilyahan ang mga mata niya.
Hindi ko na nagawang lumayo nang maramdaman ko na ang pinto sa likod ko. Nakasandal nalang ako at nakatingin sa mga susunod niyang hakbang. Siya naman, patuloy sa pagapang na paglapit sa akin.
Yung tingin niya sa akin, nang aakit. Pinagpawisan ako ng malapot nang mapansin ang pagsilip ng malulusong niyang bundok. Bakit ba akasi nakalislis ng ganon yung suot niyang damit?
Pumikit ako ng mariin para mawala sa isip ko yung init na nararamdaman ko. Oh lord, help me. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.
Pagmulat nang mga mata ko, bumungad sa akin ang mukha niya. Pasimpleng napapaypay ako nang bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Kagat kagat niya kasi. Ang sexy pang tingnan. Jusko po! Ano po ba to? Ang iniiiitt!
Muli akong pumikit ng mariin at huminga ng malalim. Emryse, kaya mo to.
Nang buksan ko ang mga mata ko, mabilis na hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat. Inalog alog ko siya pagkatapos ay pinikit sa noo.
"O-ouch!" reklamo niya habang hinihimas himas ang noo niya. "Why did you do that, babyyyy?"
"Siguro naman, kahit papaano ay nagising na yang diwa mo, ano? Hala sige, pumasok ka na diyan sa kwarto." tinulak ko siya papasok.

BINABASA MO ANG
Haraya
RomansaDating Pamagat: Beautiful Deception Sa Apat na taong pag aaral niya sa kolehiyo, hindi naging komplikado ang buhay ni Emryse. Hindi siya pansinin kaya nga mayroon lang siyang apat na kaibigan. Hindi din matalino kahit na malaki ang hugis bilog na e...