Chapter 9

12.4K 604 28
                                    

Oh, shit! Hiyaw ng utak ko. My gulay! Ano bang ginagawa niya. Mabilis na nagpatingin tingin ako sa paligid. Baka may nakakita. Buti nalang, busy ang iba sa kanya kanya nilang mga buhay. Kasi kung hindi, naku talaga! Napatingin ako kay Arrise nang tumikhim siya.

Namimilog ang mga mata na nakatingin siya sa may dibdib ko. Nagpalipat lipat yung tingin ko sa kamay na nakahawak sa dede ko at kay Amanda.

Fuck! Sigaw ko sa utak ko ng pisilin niya uli yon. Dali dali kong hinawi yung kamay niya. She chuckled but her eyes were blank.

"Enjoy your date, mine. I'll see you some other time." I shivered upon hearing that. There was something in her voice that you should be afraid of. Yung ngiti niya, mahahalata mong hindi genuine. It was dangerous. Nakakatakot. Bigla akong nanlamig.

Tumalikod na ito at naglakad palabas. Ni hindi niya na pinansin si Cole na kasama niya dito. Nakatingin lang ako sa likod niya hanggang makalabas siya ng restaurant.

Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Nakagat ko ang pangibabang labi ko. Pumikit ako at tatlong beses na huminga muna ng malalim bago tumayo.

"Excuse me. Magkita nalang tayo bukas, Ar." hindi ko na siya hinayaang magsalita. Tumalikod na ako at tinakbo ang direksiyong dinaanan ni Amanda.

Matapos ang ilang minutong paghahanap, nakita ko na rin siya sa labas. Nag aabang ng taxi. Wala siguro siyang dalang kotse. Baka sinundo siya ni Cole. Kawawang Cole, ni hindi siya pinansin ni Amanda nang tawagin niya ito kanina sa loob.

Nilapitan ko siya bago pa man siya makasakay sa taxi.

"H-hey." Ani ko habang hawak ko ang kaliwang braso niya. Napakislot siya ng konti. Nabigla ko yata siya. She shot me a confused look. This is the first time na nilapitan ko siya ng kusa. Yung hindi niya ipinipilit na makalapit sakin. Nagulat siguro siya.

She's not wearing any make up. Nakasuot siya ng uniform tulad ko. Yung skirt niya, di hamak na mas maiksi kung ikukumpara sa suot ko na hanggang kalahati ng binti ang haba. Medyo hapit sa katawan niya yung blouse di tulad sa akin na may kalakihan.

Ang simple lang niya ngayon pero lalo pa siyang gumanda. Hindi na niya kailangan ng ano mang kolorete sa mukha kasi natural ang ganda niya.  Ilang minuto siguro akong nakatitig sa mukha niya. Natigil lang ako nang magsalita siya.

"Baby?" kunot noong sabi niya. Napasulyap ako sa driver ng taxi na kanina pa naghihintay. Kanina pa din yata niya pinagpipiyestahan ang makinis na legs nitong bababeng to. Masamang tingin ang iginawad ko sa driver nang mabaling ang tingin nito sakin.

"Sige na manong, di na siya sasakay." Sumama ang hilatsa ng mukha niya. Sinamaan ako nito ng tingin bago mabilis na pinaharurot ang taxi niya.

"Why did you do that?" hindi ko siya sinagot. Hinila ko nalang siya patungo sa parking ng mga bisikleta. Naka bike lang kasi akong pumunta dito. Hindi naman kasi ako nasundo ni Arrise dahil wala din naman siyang dalang kotse. May driver siya at hindi pa siya nito sinusundo. Ayaw ko namang ipatawag niya pa si Manong para lang sunduin ako.

In-unlock ko kung bike ko at hinila yon malapit sa kanya. Sumakay ako tsaka ko siya tinignan. Tahimik na nakatingin lang naman siya sa akin.

"Sakay."

"Huh?"

"Sabi ko, sumakay ka na." Hinawakan ko yung isa niyang kamay at hinila siya palapit. Mukhang na gets naman niya kung ano yung ibig kong sabihin. Naupo siya sa angkasan ng bike ko sa likod.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito. Basta ang alam ko lang, pakiramdam ko ay responsibilidad ko siya ngayong gabi. Feeling ko, kailangan ko talagang bumawi sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.


Kung tutuusin, pwede ko naman siyang dalhin kay Cole para siya nalang sana ang maghatid. Sila naman ang magkasamang pumunta dito e. Pero ewan ko ba.

Napatingin ako sa pagkakaupo niya. Mas kapansin pansin na yung makinis niyang hita ngayon dahil nalilis yung suot niyang skirt. Napabuntong hininga naman ako.

"Bumaba ka muna nga." walang tanong tanong na bumaba nga ito. Ibinaba ko yung stand ng bike. Kinuha ko yung hoodie ko na nakalagay sa basket sa may manibela ko. Lagi akong may dalang jacket dahil madalas ay ginagabi na ako ng uwi. Halos lahat kasi ng part time job ko ay panggabi. Hindi naman kasi ako makakapagtrabaho sa umaga. Buti nga, pang umaga lahat ng mga course ko.

Lumapit ako kay Amanda at lumuhod sa harap niya. Itinali ko kasi sa bewang niya yung hoodie. Nang mag angat ako ng tingin, nakangiting pinagmamasdan lang naman ako nito.

Bumalik na ako sa bisikleta.

"Tara na." dali dali naman siyang sumakay. Kinuha ko yung dalawa niyang kamay at ipinulupot ang mga iyon sa bewang ko. Baka kasi mahulog siya. Mukha kasing hindi pa siya nakakasakay sa bisikleta. Hindi siya sanay.

"Kumapit kang mabuti. Baka malalaglag ka." Naramdaman kong tumango ito.

Sinimulan ko nang magpedal pinilit kong magfocus sa daan. Nawawala kasi ako ng konti sa focus dahil sa higpit ng yakap niya sa bewang ko. Akala siguro niya, hindi ko nararamdaman yung pagsinghot singhot niya sa likod ko. Balak ba niyang ubusin ang amoy ko?

"Saan kita ihahatid?"

"Hmm?" tanging sagot niya.

Hindi ko nalang siya tinanong ulit. Mukhang wala akong makukuhang matinong sagot mula sa kanya.

Nagpedal lang ako ng nagpedal. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Matapos ang lagpas tatlumpung minuto na pagpapaikot ikot, huminto ako sa tapat ng isang peryahan.

"Uy." tinapik tapik ko yung mga braso niyang nakaakap sa akin. "Pagod na ako, dito muna tayo."

"Saan?"

"Baba." bumaba naman siya. Ini lock ko naman yung bike ko sa pinakamalapit na punong nakita ko. Hinila ko siya sa tapat ng nagtitinda ng fishball. Gutom na ako. Hindi naman kasi ako nakakain ng mabuti sa restaurant. Wala naman akong pera panglibre sa kanya sa mamahaling lugar kasi nga sincuenta nalang ang pera ko. Gagastusin ko na. Ngayon ko lang naalala na hindi naman pala ako mamamasahi dahil nakabisikleta naman ako. Eh, kung sakali pala, may pambayad ako dun sa tubig sa restaurant. Haha. Di naman siguro yun ganoon kamahal. P

"What are those?"

"Fishballs. Naka kain ka na ba niyan?"

"No." Inabutan ko siya ng baso na may laman ng fishballs at squid balls.

"Anong gusto mo, maanghang o hindi?"

"Ahm, hindi." nilagyan ko ng sauce yung fishballs niya. Nagsimula siyang kumain habang kumukuha naman ako ng sakin. Mukhang nagustuhan naman niya kasi naubos niya yung bente pesos na fishballs. Noong matapos kaming kumain, bumili ako ng juice. Yung tigli-limang piso.

Nang makapagpahinga kami ay hinatid ko na siya sa bahay nila. Salamat naman at sinabi na niya kung saan. Itinuro niya sa akin yung direksyon ng bahay nila. Nang nasa tapat na kami, pinababa ko na siya.

"Pasok ka na."

"Do you want to get inside?"

"Wag na." tumango lang siya. Aalis na sana ako nang lapitan niya ulit ako.

"Thank you, Emryse." sabi niya sabay nakaw ng halik sa mga labi ko. Tumakbo siya papasok sa mansion nila. Napailing nalang ako.




HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon