Chapter 7

14.2K 538 69
                                    

EMRYSE FABIAN

Nakangangang nakatingin lang ako sa isang bungkos ng mga puting rosas at isang kahon ng tsokolate na nakalagay sa ibabaw ng desk ko.


Hay, makulit nga talaga.



Nagpa sulyap sulyap ako sa mga kaklasi ko. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin o di kaya naman ay sa mga bagay na nakapatong sa mesa ko. Juskoooo poooo! Bakit kailangan makilala ko pa ang makulit na babaeng yon?!



Lumipas ang ilang mga araw hanggang sa naging buwan ay hindi na tumigil pa sa kakasunod sa akin ang reyna. Araw araw, may ibinibigay siya sa akin. Tulad ng mga bulaklak ngayon.


Nung nakaraan, binigyan niya ako ng love letter. I admit, napakasweet ng mga nakasulat don kaya lang, medyo naasiwa ako. Just by thinking na galing yon sa isang babae...hay.

There are times na tinataguan ko na talaga siya kasi minsan talaga, basta basta nalang siyang nang hihila sa kung saan.



Isang buwan na din palang nagiging matunog ang pangalan ko dito sa ACUF. Lahat ng madaanan kong estudyante, pinagtitinginan at pinagbubulungan ako. Kesyo, ang swerte ko naman daw at nililigawan ako ng reyna. Hindi naman daw ako kagandahan kaya ano naman daw klasi ng gayuma ang ipinainom ko sa kanya.


Madalas akong harangin ng mga mean girls para lang sabihan na layuan ko daw si Amanda. Ba't di kaya siya yung sabihan niyong lumayo?



Ako na nga tong nahihirapan sa kakaiwas, ako pa tong "papansin".


Nakangiwing naupo na lang ako sa upuan ko. Isa isa kong ipinasok sa bag ko yung mga chocolates at itinabi sa baba yung mga bulaklak.



"Kailangan mo ba ng gunting?" tanong sa akin ng seatmate kong si Jessica. Nagtaka naman ako. Ano namang gagawin ko don?


"Uh, para saan naman?"



"Haba kasi nang buhok mo, bes. Kasing haba na yata ng buhok ni Rapunzel. Sarap putulin. Hahahaha"


Pilit na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya tapos ay inayos ko na ang upo ko. Ilang minuto lang ang dumating na ang si Engineer Cabigting.




"Good Morning, ma'am."



"Good morning. Miss Fabian, Miss Amanda Wilde is waiting for you outside. You may leave the classroom now. I think you have some important matters to discuss."



"P-po?" Tinaasan lang nito ako ng kilay. "Sabi ko nga po, lalabas na ako."



Tahimik na lumabas ako ng classroom habang nakayuko. Nagbubulungan lang naman kasi yung mga kaklasi ko.


Although sanay na sila sa presensya ni Amanda dahil nga lagi ako nitong pinupuntahan, nabibigla parin talaga sila. Sino bang hindi? Hindi naman talaga nagagawi dito sa College of Engineering ang reyna. Ako din naman, minsan nagugulat sa biglaang pagsulpot niya.

"Hi, babe!" Masiglang bati nito sa akin sabay mabilis na humalik sa labi ko. Napaatras ako sa ginawa niya pero di na nagkomento pa.



"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko dito. Gusto ko lang naman kasing iparamdam sa kanya na wala akong interes sa kanya.



"Let's have our 8th date." Nakangiting sagot niya sa akin. Ang weird niya kasi binibilang pa talaga niya kung ilang beses na kaming nag date. I bet, binibilang din niya kung ilang beses na siyang nakapagnakaw ng halik sa akin. I frowned at that thought. Hinawakan nito ang kaliwang braso ko at hinila papunta sa kung saan.



Nasa may likod na bahagi na kami ng building ng College of Engineering which is an open field. Walang tao dito ngayon dahil on going ang mga klasi. Usually, dumadami lang naman ang mga tao dito tuwing may football game.

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Saan ba kasi kami pupunta? May pasok pa kaya ako.



"A-anong...may pasok pa ako."



"Nah, pina excuse na kita sa klase ni Ma'am Cabigting at sa iba mo pang mga klase for this day. I told them that you have an emergency at home." Nag init ang ulo ko sa sinabi niya.



"What?!" Nagpipigil ang galit na asik ko dito



"What were you thinking?! Sa tingin mo natutuwa ako sa mga pinaggagagawa mo? Are you really this selfish? You stole my study time just because you want to!" Pigil ako sigaw na sabi ko dito. Feeling ko, lumalabas na yung mga litid ko sa leeg sa pang gigigil ko sa kanya.


"Calm down. I just want you to know about me more. Hindi naman maaapektuhan masyado yung pag aaral mo." Kalamadong sabi nito sa akin na pakiramdam ko ang ikinasagad ng pasensya ko. Nagtaas baba ang dibdib ko. Kagat kagat ang pang ibabang labi na napapikit ako. Huminga ako ng tatlong beses bago humakbang ng dalawang beses palapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at gigil na niyugyog siya.



"Are you serious?! Hindi nakakaapekto? You brat! Sa tingin mo, por que in-excuse mo ako sa klase ay excused na din ako sa mga activities? Hindi! Madalas na zero ako pagkatapos ay laging huli sa mga quizzes. Maswerte na kung payagan pa akong magspecial exam. Lagi mo nalang akong iniistorbo! Hindi na natupad yung pangarap kong makatapos ng matiwasay! Simula nung mapansin mo ako, madalas na akong pagbulungan ng mga tao. Tapos sasabihin mong wala tong epekto sa pag-aaral ko?! Mag isip ka nga! Di ka naman siguro tanga!" Mahabang litanya ko.



My Gosh! Hindi ba niya alam na sobrang mahalaga sa akin ang pag aaral lalo na't wala akong pera. Hindi pwedeng parelax relax lang. Kailangan kong magfocus dahil determinado akong makapagtapos sa tamang oras. Hindi ako matalino kagaya ng iba kaya di pwedeng laging ganito.




Gulat na nakatingin lamang ito sa akin. Ilang sandali pa ay yumuko ito.



"I'm sorry."



"Sorry?! Ano pa bang magagawa niyan? Nagawa mo nang guluhin ang buhay ko! Ano ba kasi talagang gusto mong magyari?! Sabihin mo na!"





"Gusto kong mag open up ka sakin Gusto kong maging malapit sayo! Ginagawa ko to kasi sa tingin ko, hindi ka kahit kailan magkukusa na lapitan ako. Bakit ba kasi panay ang iwas mo sa ak-----" I cut her off. I don't care kung masaktan man siya sa sasabihin ko. Nakakapika na kasi talaga siya. Ang laki ng naging pagbabago ng buhay ko nang sumulpot siya dito. Hindi na kasing normal tulad noon.


"Dahil hindi kita gusto. Tigilan mo na ako. May iba akong gusto." Mahinahong sabi ko sa kanya. Diretso ang tingin ko sa kanyang mga mata kaya mabilis na nakita ko ang rumehistrong gulat sa mukha niya.



Tumawa siya ng mapakla. Tila hindi makapaniwala sa narinig. Pinilig pa nito ang ulo ng ilang ulit.



"Y-you're lying. No!" Garalgal ang boses na sabi niya. Hinagis niya sa damuhan ang bag niya. Nagkalat doon ang laman ng bag niyang hindi naman nakasara. Nanlalaki ang aking mga matang nagbaling ulit ng tingin sa kanya.Galit at sakit. Dalawang emosyong nakikita ko sa mga mata niya. Bahagya akong kinabahan sa mga nakikita ko sa kanya. This is the first time she acted like this. Or atleast infront of me. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang kaba sa dibdib ko. Bahala na.


"I'm not. I actually have a boyfriend." I told her. It's the truth anyway.

HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon