EMRYSE FABIAN
"One piece chicken with rice."
"Drinks, ma'am?"
"Coke." Grabe, gutom na talaga ako. Nakooo. Puno kasi lahat ng canteen sa ACUF. Ewan ko kung bakit kaya nga dito nalang ako kumain. May pera pa naman ako.
"Is that all, Ma'am?" tanong ng Cashier sa akin. Tatango na sana ako nang may narinig akong bumulong sa tainga ko.
"And me. Won't you add me to your order?" Mahinang sabi nito. Dios Mio! Ramdam na ramdam ko ang mainit na hangin na nagmumula sa bibig niya.
Halos manlambot ako sa senswal na pagsayad ng mga labi niya sa punong tainga ko at ramdam ko din ang mabilis na pag akyat ng kilabot mula sa lower back ko tungo sa ulo ko.
Pakiramdam ko ay masusuka ako sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Aatakihin na yata ako dahil sa sobrang kaba.
"Ah, Ma'am?" pukaw ng Cashier sa atensyon ko pero sadyang hindi ako makabawi mula sa pagkabigla. Bahagya itong umatras at tumuwid ng tayo. I mean, itong malandi sa likod ko.
"Yes, that's all her orders. Thank you." Masiglang sabi ng babae sa likod ko na siyang dahilan ng paninigas ko ngayon sa harap ng counter ng Jollibee.
Nakakahiya! Nakita kaya ng Cashier yung ginawa niyang karumaldumal sa pagkatao ko?
Tumingin ang cashier waring tinatanong kung 'yon na talaga ang order ko. Nakangiwing tumango na lamang ako. Hindi ko mahanap ang boses ko sa sobrang hiya dahil sa babaeng 'to.
"O-okay. I se-serve nalang po." Sabi nito sabay abot nung number. Madami din kasing customer ngayon kaya mabilis maubos yung mga nakaready nilang pagkain.
Hindi naman ako madalas kumain dito pero alam ko naman na matagal bago mai serve ang pagkain dito dahil nga palaging madaming tao. Hindi naman problema sa akin yon dahil malapit lang naman dito ang ACUF.
Hindi naman ako male late dahil mabilis lang naman akong kumain lalo na ngayong wala akong kasama. May klase pa kasi yung apat.
But now? How I wish, mai-serve agad nila ang pagkain ko. I badly want to get out of here.
Napatingin ako kay Amanda na hanggang ngayon ay nasa counter parin. Naramdaman yata niya na nakatingin ako sa kanya kaya naman tumingin din siya sa direksyon ko.
Napalunok ako nang kaganitin nito ang pang ibabang labi bago ako kindatan. Nakaramdam ako ng sobrang pagka ilang sa ginawa niya kaya naman mabilis na nagbaba ako ng tingin.
Sakto namang dumating ang isang crew dala ang order ko.
"Thank you." Ngumiti lamang ang crew bago ako iwan. Nang makaalis ito ay sinunggaban ko agad ang pagkain. Wala na akong pakialam kung mag mukha akong patay gutom sa bilis kong kumain.
Ang mahalaga, makaalis ako ng mabilis dito. Nakayuko lang ako habang kumakain nang bigla akong mabulunan. Hinimas himas ko at mahinang binayo ang dibdib ko nang may mag lapit nung coke sa akin.
I grabbed the cup and drank the softdrink. Napahinga ako nang malalim ng makaramdam ng ginhawa.
"Are you okay, honeybabe?" Oh, Shit!
"Y-yes. Thank y-you. I...I h-have to go." Mabilis na tumayo ako para umalis pero hinwakan niya ang kamay ko at hinila paupo.
"Hindi ka pa tapos kumain."
"B-break time's over. I have to go back to school." Pagsisinungaling ko. Ngumisi lamang ito sa sinabi ko. Alam ba niya na nagsisinungaling ako?
"Stop kidding, bebs. You still have..." tinignan nito ang wrist watch na suot niya saka ako muling binalingan ng tingin. "...fifty minutes before your break end. Stay here for the mean time."
"H-how..."
"Oh, how did I know? Well, I know your schedule." Nakangising aniya. Walang magawa na napatitig nalang ako sa kanya. Ibang klase talaga.
"Finish your meal, Munchkin."
Tahimik na itinuloy ko ang pagkain na balak ko na sanang iwan kanina. Palihim na sumusulyap sulyap ako kay Amanda. She's gorgeous, indeed. Kilay na medyo makapal.Yung tipong hindi na kailangang ahitin. Mga matang light brown at bilugan na sinamahan pa ng mahahabang pilik mata na naturally curled. Mayroon itong matangos na ilong. And oh, she's got soft looking pinkish lips.
"So, have you already figured out why?" huh? Ano daw?
"figured out what?" kunot noong ani ko. Ipinatong niya ang kanyang baba sa kanan nitong kamay and just playfully smirked at me. Oh, damn! That was really sexy-NO! She looks hilarious! I swear.
She put her arm down the table and leaned closer to me. Now, she's just inches away. Napasinghap nalang ako sa pagkakalapit ng mga mukha namin.
"A-ahm..."
"What's not to like about me?" I don't get her.
"H-ha?"
"You were staring at me few minutes ago. I was wondering if you now know any reason why you shouldn't like me. You see, I am very beautiful, loyal, attentive, caring and rich." Ah, conceited too. Hindi naman niya hilig buhatin ang sarili niyang bangko, 'no?
Isang sarkastikong tawa ang pinakawalan ko. "Seriously?" tinaasan lamang ako nito ng kilay. "Do you want me to be frank to you?"
I just don't like you.
Yan sana ang gusto kong sabihin. Napahinga na lang ako nang malalim at nag patuloy na sa pagkain.
"Hey!"
"Ano?"
"Answer me. You were about to. Kanina. So, what is it?"
"Wala"
"Ryse."
"Ang kulit mo. One of my reasons why I do not like you. Ayoko sa mga makukulit na tao. Please stop following me around. It annoys me seeing you everyday.
Napansin ko ang mabilis na pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata na mabilis din naman niyang naitago sa pamamagitan ng isang nakakalokong ngiti. I felt guilty, tho. Damn, I know it hurt her. But if it is the only possible way to get rid of her, then be it.
Tumayo ito at inabot ang shoulder bag na dala nito. "We have to go. You only have fifteen minutes to go back to school." Tinalikuran na ako nito at naglakad palabas.
Hindi na nito ako nilingon hanggang makasakay sa sariling kotse. Naiwan akong nakaupo parin at nakatanaw sa kanya mula sa transparent glass window ng Jollibee. Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan ni Amanda ay nakapag desisyon na akong bumalik sa school. Napabuntong hininga nalang ako sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Haraya
RomanceDating Pamagat: Beautiful Deception Sa Apat na taong pag aaral niya sa kolehiyo, hindi naging komplikado ang buhay ni Emryse. Hindi siya pansinin kaya nga mayroon lang siyang apat na kaibigan. Hindi din matalino kahit na malaki ang hugis bilog na e...