5:07 a.m.
"Where are you going? Don't leave, please." pigil pigil ng kamay nya ang braso ko. Hinarap ko siya at hinawakan sa kamay.
"Hindi naman ako aalis. Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig para mapunasan kita ha." ang init kasi niya. Nilagnat siya dahil sa pagkakabasa niya sa ulan kagabi. Kasalanan ko to e. Bakit lagi kong nakakalimutan ang mga mahahalagang okasyon sa buhay niya?
"Uhm...Okay"
"Lalabas muna ako ha. Saglit lang naman." mabilis na naglakad ako papunta sa kusina nila para kumuha ng basin. Nilagyan ko yon ng maligamgam na tubig. Pagbalik ko sa kwarto ni Amanda ay hinalungkat ko ang closet niya para maghanap ng bimpo.
"Amanda, may bimpo ka ba dito?" umiling lang ito. Wala? Napakamot ako sa ulo.
Alam ko meron ako non sa bag eh.
Wala akong mahanap kaya sunod na kinalkal ko ay ang bag ko. Buti nalang, waterproof kaya hindi nabasa ang mga gamit ko kagabi. May nakita akong dalawa. Kinuha ko na pareho.
Inilagay ko sa basin yung bimpo at dinala yon sa table na nakapwesto sa tabi ng kama ni Amanda.
Habang pinupunasan ay nakapikit lang si Amanda kaya malaya ko siyang natititigan. Sa ilang minutong pagtitig ko sa kanyang mukha ay isang desisyon ang nabuo sa isip ko.
Matapos ko siyang punasan ay pinalitan ko ang suot niyang damit. Mukhang hindi naman siya nilalamig kaya sinuotan ko nalang siya ng t-shirt at shorts.
Dahil malaki naman ang kama niya ay tumabi nalang din ako sa kanya. Hindi naman ako malikot matulog kaya okay lang to.
Ilang minuto lang ay nakatulog na din ako.
------------------------
AMANDA WILDEA smile curved my lips as I stare at the most beautiful being I've ever seen. Ito na siguro ang pinakamatagal na pagkakataong nakuha ko para matitigan siya. Iwas siya sa akin e.
I'm not that stupid para hindi mapansin ang mga ginagawa nila. I know they are only trying to make me believe that she loves me. That' Obvious naman no. Sinong girlfriend or boyfriend ba ang papayag na i-date ng iba ang mahal niya diba?
Alam ko na iiwan niya din ako balang araw. Gusto lang nila na ibaling ko sa iba ang pagmamahal ko na hindi ko magagawa. Si Em lang.
Okay lang sa akin tong ginagawa nila as long as I get to keep her. She's mine lang kaya. Wala akong paki kahit desperada na akong maituturing.
Gumalaw ako para umusog palapit kay Emryse. Yumakap ako sa kanya habang unti unting bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari sa nakalipas na taon.
-----
Nagising ako sa ingay ng mga taong nag uusap sa paligid ko. Hindi ko alam kung sinu-sino ang mga taong ito. All I know is that I want them out of my surrounding. My gosh! Ang ingay. Gusto kong sigawan sila but I don't have the strength to do so at wala akong ganang gawin yon.
Nagmulat ako ng mga mata. Tumigil ang lahat sa pagsasalita. They were all staring at me. Nabigla ako na makitang nandito din si Emryse at nakatitig siya sa akin ngayon. Hindi ko mabasa ang mga mata nya. They were as blank as a clean sheet.
Unang lumapit sa akin ang Daddy ko. He hugged me tight which made me guilty. Hindi ko naisip ang tatay ko noon. Ang kapatid ko.
Pinagmasdan ko ang paligid. Nasaan kami? This is not my room. Anong nangyari?
Napatingin ako sa suot ko. Nakasuot pala ako ng hospital gown. Doon ko naalala ang tangkang pagpapakamatay ko.
Muli akong napatingin kay Emryse at bumalik na naman ang lahat sa akin. Muli ko na namang naalala ang isang masakit na katotohonan. Na may mahal siyang iba at ikakasal na siya sa taong yon. Again, I felt empty.
BINABASA MO ANG
Haraya
RomansaDating Pamagat: Beautiful Deception Sa Apat na taong pag aaral niya sa kolehiyo, hindi naging komplikado ang buhay ni Emryse. Hindi siya pansinin kaya nga mayroon lang siyang apat na kaibigan. Hindi din matalino kahit na malaki ang hugis bilog na e...