Chapter 14

11.7K 486 92
                                    

"Sige na, Cara. Samahan mo na kasi ako." nagmamaktol na sabi ko. Hinihila ko pa yung suot niyang uniform. Kanina pa kasi ako nagmamakaawa sa kanya na samahan ako kay Melissa Sosa. Pambihira naman kasi. Di talaga ako nakatanggi.




Paano naman ba ako tatanggi kung pakiramdam ko ay lalamunin nila ako ng buhay pag umayaw ako?




Hindi niya ako pinapansin. Tuloy lang siya sa pagbabasa ng libro. Percy Jackson and the Olympians. Inabot ko yung libro niya at ibinaba sa table.



Close kasi sila ni Melissa kaya siya na ang inaabala ko. Kaya, heto, nasa Cafeteria din ako sa loob ng school. Alam ko kasing dito lagibg nakatambay si Cara tuwing vacant period niya. Buti natiyempuhan ko.



"No." I pouted. "Please." nagpapacute kong saad. Kakaasiwa siguro pagmumukha ko nito.




"No. Lover mo naman yung pinsan niya. Kaya mo na yan." Yun lang at hinarap na uli niya yung binabasa niya. "Kumain ka na. Wag kang magtampo. May mga dapat lang kasi akong asikasuhin." napatango nalang ako. Alam ko namang busy siya e.



Actually, hindi lang siya. Pati yung tatlo kasi pare-parehong tagapagmana kaya ngayon palang nag a-undergo na sila ng training.



"I understand."



"Is it true?" nag angat ako ng tingin sa kanya. Wala na uli sa libro ang atensiyon niya. Na sakin na.


"What?"


"Is Gio really back?"



"Yes." She sighed. Inabot niya yung orange juice na nakalapag sa mesa at sumipsip ng konti. "What about Amanda?"




"What about her?" I asked.



"The girl is inlove with you, Em. Masasaktan yon pag nalaman nya ang tungkol kay Gio."



"She's not inlove with me, Cara. Infatuation lang yon. Ano ka ba?" natawa pa ako sa sinabi niya. Inlove? Napaka aga pa para sabihin yon. Ilang buwan palang kaming magkakilala.



"Believe me. She is. Speaking of..." tapos may ininguso siya sa likod ko kaya napalingon ako. Pagharap na pagharap ko sa kung ano man ang iningunguso nitong si Cara, may malambot na bagay na dumikit sa mga labi ko. Namilog ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin.




Hindi ako nakagalaw sa pagkabigla. Napakapit lang ako ng mahigpit sa mesa habang siya naman, mukhang nakabawi agad. Damn! She's enjoying this! Paano ba naman, nakabawi na siya sa shock, di pa niya inihihiwalay yung mga labi niya sa sa akin.




I was about to pull away when she grabbed the back of my head and pulled me in more. I felt her smile.



Kinagat niya ang pang ibabang labi ko. Napa aray naman ako dahil may konting diin niya iyong ginawa. She took that chance to suck my lower lip for several seconds then pulled away.




Talagang hindi pa siya nakontento. Hinalikan pa niya ako sa cheeks.



Tila batong walang kakayanang gumalaw naman na nakatingin lang ako sa kanya. Mabilis ang paghinga ko. Natauhan lang ako nang mag salita si Cara.




"Ahm, guys, tapos na ba ang live show?" nagkatinginan uli kami ni Amanda. Kinindatan lang ako nito.Bigla akong nahiya. Nakagat ko lower lip ko at nagbaling ng tingin sa kaibigan ko na kunwaring nagtatakip ng mukha gamit ang kaliwang palad, nakabuka naman malapit sa mata.





Gusto ko nang pukpukin ko ang sarili kong ulo dahil sa sobrang kahihiyan. Pasimpleng hinila ko ang buhok ko sa pagkainis ko. Bakit hindi man lang ako gumalaw?





"Nice show, Em, Mandy!" the she crossed her arms and laid back on her seat. I glared at her. Humanda ka sa aking babae ka! Sarap mong pakainin ng sili. Kung hindi lang kita kaibigan, naku!




Tumayo ako at maglalakad na sana paalis nang hawakan ng mahigpit ni Amanda ang hem ng uniform ko na pantaas. Gusto ko nang makaalis dito lalo na at pinagtitinginan na naman kami. Hindi man ako nakatingin, alam ko na may mga matang nakasunod sa bawat kilos namin. Ang saya naman. Sobra! Kagigil!


"Where are you going?" napabuga nalang ako ng hangin.

"Sa ano...sa library. Tama, sa library." Siguro naman, hindi niya alam na hindi uso sakin ang pagpunta sa lugar na punung puno na mga libro. Nakakahilo.




Nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko at hilahin paupo sa tabi niya.




"Honey, you don't like going to libraries." wow! Ano bang klasi ng stalking skills mayroon itong diyosang to?




Una, alam niya ang class schedule ko. Ngayon naman, alam niya na hindi ako nagpupunta sa library.




"We'll talk about the play." Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya.




"Bakit ikaw? Y-you're not Melissa Sosa."




"Someone from your class told me you'll be the representative for the play." Ang bilis! Si The Flash ba ang chumika sa kanya? Hindi pa yon lumalagpas ng isang oras, ah.



Uminom muna siya ng juice gamit yung straw. Naglikot ang eyeballs ko. Hinahanap ko yung juice ko.



Dalawang baso lang ang nakalagay sa mesa. Juice ko yon! Kung maka kagat pa naman siya sa straw, akala mo sa kanya talaga, eh! May naiwan pang stains ng lipstick niya.

"Sinabihan ko siya na ako nalang makikipag usap sayo. I told her that I'll take the responsibility from her. Para naman makapagpahinga siya. You know, she's running their family business. I just want to help her through this." then she winked.

Palapit sana yung mukha niya sa mukha ko nang may narinig kaming tunog ng gumalaw na upuan. Mabigat pa naman ang mga upuan dito. Dinig talaga.

Si Cara pala. Kipkip ang libro habang nakasabit ang bag sa kaliwang balikat ay hinarap niya kami.

"Mauna na ako." pinanlakihan ko siya ng mga mata. I know she got what I was trying to say. Nilapitan niya ako para  i beso. Tumayo ako at sinamantala ang pagkakataon na yon para makaganti naman ako ng konti.




"Talagang iiwan mo ako dito, ha. Magkaibigan ba talaga tayo?" I asked. Mahina lang. Yung kami lang dalawa ang makakarinig.

Kinurot ko yung tagiliran niya dahilan para mapaigtad siya ng konti.

"Yari ka sakin sa susunod na magkita tayo." pabulong kong saad.

"Ingat ka, friend. Ang cute cute mo pa naman." pinanggigilan ko yung pisngi niya. Matagal bago ko yon binitawan.


"Ah, eh...Alis na ako. Haha" nakangiwing sabi nito. Dali daling naglakad ito palabas ng lugar. Natawa pa ako nang halos hindi siya magkandaugaga sa pagmamadaling makalabas.

Hindi ko namalayang naka tayo na pala sa tabi ko si Amanda. She intertwined our hands then she pulled me.






"Tara, date---- I mean, let's talk about the play. In my house. My room."

HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon