EMRYSE FABIAN
Lunch Break na. Nandito ako ngayon sa School Cafeteria dahil ililibre daw ako nila Arrisse at Truth. Buti nalang talaga nagtugma ang schedule namin ngayon at nagkapare pareho kami ng Break time. Edi makakatipid pa ako.
Hindi pa nila alam pala na engaged na ako kay Gio. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila dahil ngayon lang naman kami ulit nagkasama sama. Ngayon ko babanggitin sa apat total, nandito naman silang lahat ngayon.
Hahabol nalang kasi sina Cara at Carille dahil may klasi pa sila. Pasado alas onse y media palang kasi at mamayang alas dose pa ang vacant time nung dalawa.
Habang naghihintay kina Arrise na kasalukuyang nasa counter ngayon para um-order, tahimik na nagpatingin tingin nalang ako sa paligid.
Maganda ang Cafeteria ng school kaya para sa isang katulad ko, nakakatakot itong pasukin. Halata kasi na mahal ang mga pagkaing isiniserve nila dito. Hindi ko alam kung mahal ba talaga o sadyang hindi ko lang afford?
Nagtaka ako nang biglang tumahimik dito sa loob. Anyare?
Napukaw ang atensiyon ko ng tanging grupo ng mga estudyante na hindi nakisabay sa katahimikan. Kakapasok lang nila. Napahinga ako ng malalim.
Kaya pala.
Agaw atensiyon kasi sila dahil kahit ibang mga students ay napatigil sa kanilang kwetuhan. Nagsimulang magbulungan ang mga estudyante habang nakatingin sa kanila.
Napayuko ako nang mapansin kong nagpapabalik balik na ang tingin ng ilan sa akin at doon sa dalawa na kulang nalang ay kagatin ng mga langgam sa sobrang ka-sweet-an. Gusto kong ko masuka. Dikit na dikit e.
Gusto ko ding tusukin ang mga mata nitong mga estudyanteng nakatingin sa akin na akala mo ay isa akong basang sisiw. Parang awang awa sila sa akin e.
Ba't ba nagagawi din ang tingin ng mga to sakin?
Paulit ulit na napapahimas ako sa hita ko na natatakpan ng suot kong palda. Hindi ako komportable na napag uusapan ng iba lalo na't nandito lang ako.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong pabalik na si Arrise at Truth sa table namin. Mas natuwa pa ako nang makitang magkasamang naglalakad na papasok dito sa Cafeteria sila Cara at Carille. Yan! Mas maraming kakwentuhan, mas hindi ko mapapansin ang paligid ko.
"Ang tagal niyo."
"Sorry naman. Ang daming nakapila e."
Ilang minuto lang ay nakapasok at nakaupo narin kasama namin yung dalawa pa.
"What's up?"
"Kamusta?"
Magkasabay na sabi nina Carille at Cara. Tinapik pa nila kami isa isa na sinagot naman namin ng bahagyang pagtulak sa balikat. Hindi uso saming apat ang beso beso. Umoo kaming tatlo sa tanong nila at nagbigay ng space para makaupi na rin sila. Katabi ko si Carille habang nasa harap naman namin sila Truth, Cara, at Arrisse.
"Kailan nga pala ang kasal?" excited na tanong ni Arrise. Napalakas pa yung pagsabi niya non kaya nakuha niya ang atensiyon ng halos lahat ng estudyanteng kumakain dito.
Maging yung mga taong nilalanggam sa katamisan, nakatingin na din dito.
Tinapakan ko ang paa niya. "Ang lakas ng boses mo! " mahina pero mariing sabi ko. Napangiwi siya at tingnan ako ng masama.
"Kailangan mo ba talagang apakan ang paa ko?" nakabusangot na angil niya sakin sabay hablot ng tissue na nasa table. Kinukuskos niya ang sapatos niyang puti habang nakatingin ng masama sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
![](https://img.wattpad.com/cover/110356528-288-k184278.jpg)
BINABASA MO ANG
Haraya
Любовные романыDating Pamagat: Beautiful Deception Sa Apat na taong pag aaral niya sa kolehiyo, hindi naging komplikado ang buhay ni Emryse. Hindi siya pansinin kaya nga mayroon lang siyang apat na kaibigan. Hindi din matalino kahit na malaki ang hugis bilog na e...