This is the only special chapter of the story. Happy reading po :)
Two months after the University Days...
EMRYSE FABIAN
Ala sais palang ng umaga ay papunta na ako sa university kahit na 7:30 pa naman ang simula ng mga klasi. Usually, dumadating ang mga kapwa ko estudyante nang ala siyete. Pero dahil gusto ko nang masilayan agad siya, naexcite akong pumasok sa school.
Mula sa pagkakahawak sa manibela ng bisikletang sinasakyan ko ay iniangat ko ang kaliwa kong braso. I checked the time. 6: 04 am. Napangiti ako at napasulyap sa basket ng bike ko na nakapwesto sa harap. My smile grew wider seeing the white rose I brought for her. May tanim kasi akong mga rosas sa harap ng apartment.
Ngayon, may magandang dahilan na ako sa pagtatanim ng mga bulaklak. Buti nalang hindi ko tinanggal ang mga iyon.
Binilisan ko ang pagpedal hanggang makarating na nga ako sa university. Dali dali kong inilock sa parking lot ng mga bisikleta ang bike ko. Pagkatapos ay dali dali akong pumunta sa building ng department nila. Pupunta ako sa may locker niya. Bago pa man ako makararing doon ay pumasok ako sa isang room na wala pang tao. Mabilis na naglabas ako ng isang maliit na papel at sinulatan yon.
Because of you, my world has never been this bright ❤
Damn. I'm whipped! Hindi ko alam kung kailan pa to nagsimula pero gusto ko siya. Mahal ko na nga e. Yun nga lang, I don't think she knows me. Baka nalimutan na niya ako. Di bale, maiinlove din sa akin yon. Soon. Haha. Ang confident ko diba? I've never been this confident. Ngayon lang. Kasi ramdam na ramdam ko na sakin din siya babagsak. Kahit na mukhang hindi niya pa ako trip. Ang snob e. Haha.
Nagpunta ako sa locker ni Amanda. Gamit ang dala kong tape ay dinikit ko ang rosas sa pinto non kasama yung maliit na note. Nang matapos kong gawin yon ay nagpalingon lingon ako sa paligid. Nang masiguro ko na walang tao, nagmamadaling nagpunta ako sa may gate. Hihintayin ko ang pagdating niya. Dito kasi siya ibinababa ng driver na laging naghahatid sa kanya.
Unti unti nang dumadating ang mga estudyante. Sinulyapan ko ang relong imitation ng g-shock na gamit ko. 7:10. Umayos ako ng tayo. Hindi lang ako ang nakatayo ngayon dito sa may gate. Marami kasing humahanga sa kanya kaya marami din ang nag aabang sa pagdating ng reyna. Sa dami ng mga tao, hindi ko na makit a kung ano man ang nasa harapan. Gusto ko sanang sumiksik paharap kaso di ako makasingit. Wala na akong nagawa kundi ang tumingkayad nalang nang marinig ko ang mga tao na nagbubulungan. Nandiyan na siya.
I frowned. Ang tangkad naman ng mga tao sa harap. Nung feeling ko ay dumadaan na siya, nagtatalon nalang ako. Natuwa ako nang masulyapan ko ang ulo niya. Yes. Ulo lang ang nakita ko at okay na sa akin yon.
"Excuse me." narinig kong sabi niya.
Natigil ako sa kakatalon nang biglang nahawi ang mga tao. Naiwan ako sa gitna. Napansin kong nakatingin ang lahat sa akin kaya umusog na din ako sa gilid.
My heart beat wildly when I saw her. Dumaan siya sa harap ko. Nagtapon siya ng pinagbalatan ng candy. Nagkataon na yung basurahan ay nasa tabi ko.
Gorgeous. She's really a goddess.
Nakatitig lang ako hanggang tumuloy na siya sa paglalakad. Nang makalayo na siya ay muli akong tumingon sa relo ko.
7:14 am. I smiled. Sumunod ako sa kanya hanggang sa building ng business ad.
9:00 pa naman ang pasok ko.
Patago akong nakikinig sa usapan nila ng mga kaibigan niya.
"Oh, you have your daily delivery of flower nang ganto kaaga." nang aasar na sabi ni Melissa. Kaibigan niya. Everytime na binibigyan ko siya niyan, lagi akong pasimpleng nagmamasid sa magiging reaksiyon niya. Lagi din siyang inaasar nitong kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Haraya
Любовные романыDating Pamagat: Beautiful Deception Sa Apat na taong pag aaral niya sa kolehiyo, hindi naging komplikado ang buhay ni Emryse. Hindi siya pansinin kaya nga mayroon lang siyang apat na kaibigan. Hindi din matalino kahit na malaki ang hugis bilog na e...