Prologue

69 4 0
                                    

*8 years ago*

"Shh. 'Wag kang maingay Prince kung ayaw mong mahuli tayo" natatawang sabi ng isang dalaga sa kanyang nakababatang kapatid.

Humagikhik naman ang batang lalaki na nangangalang Prince. "Pero ate Queen hihi I can't wait to see Kuya King's face after he sees what we're gonna do to him"

Napatakip na lamang ang dalaga para pigilan ang tawa na gustong kumawala sa kanyang bibig.

11th birthday ngayon ni Queen at ni King, obviously kambal sila. Habang si Prince naman ang bunso nila na walong taon na din.

Tulog pa si King kaya naisipan agad ng dalawang magkapatid na pagtripan ito.

Sa murang edad ni Queen sobrang talino na nito at mahilig gumawa ng kalokohan.

Prankster kumabaga ang tawag sa kanya ng mga pinsan niya pati nadin ng mga kapatid niya.

May nakakaibang instincts din si Queen, na malalaman agad niya kung may gagawing kalokohan ang tao sa kanya, kaya madali niya itong naiiwasan.

"Ano? Game na?"

Excited namang tumango si Prince at nauna nang pumasok sa kwarto.

Dahan dahang sumunod si Queen ngunit medyo nahirapan siyang ipasok ang hindi gaanong kalaking inflatable kids pool na puno ng whip cream.

"Ate please be fast, come on"

Umirap naman agad si Queen nang makarating siya sa dulo ng kama ni King. "Kung ikaw kaya gumawa ng trabaho ko, tingnan lang natin kung hindi ka mahihirapan" bulong nito sa sarili habang binubuhat ang inflatable pool at pinatong sa paanon ni King.

"What? Ate did you say something?"

Umiling naman si Queen. "Wala. Sabi ko gisingin mo na yan"

Masayang tumango ang bata at yinugyog agad si King. "Kuya. Kuya. Wake up. Please wake up"

Umirap ulit si Queen.

'Hirap talagang gisingin ang isang taong mantikang tulog'- sabi ni Queen sa isipan niya.

"Kuya. Hey wake up"

Maya maya napansin agad nila na gumalaw ng konti si King at kumurapkurap ang mata nito.

Malakas namang tumawa si Queen kaya tumaas ng konti ang mukha ni King at nanlaki ang mga mata nito nang biglang itapon ni Queen ang inflatable pool sa kanya.

"WHAT THE F*CK QUEEN?!"

Napuno ang silid ng tawanan at agad na kinuha ng dalaga ang kamay ng bunsong kapatid at nagmadali silang tumakbo palabas.

"PRINCE! QUEEN! I'M GOING TO KILL YOU BOTH!"

Lumakas naman ang tawanan ng dalawang magkapatid hanggang sa makarating sila sa kusina at naabutan nila ang kanilang ina na naglalagay ng frosting sa ginawang cake.

"Mom! Mom! Mom!" Tuwang sambit ni Prince at yumakap sa likod ng ina.

"Aww hello there my cute little babies. Wait where's King? Didn't I tell you to wake--" napatigil naman si Michelle(yung mommy nila) sa pagsasalita nang biglang dumating ang isa pa niyang anak na ngayon ay punong puno ng whip cream sa katawan at mukha. "What happened to you, young man?" Takang tanong nito.

It's Me MadisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon