Chapter 15:

22 3 0
                                    

Madison's POV
Humihikab ako habang palabas kami ng resto na kinainan namin.

"So? Nabusog ba kayo?" Nakangiting tanong ni Mom nang makalabas kaming lahat at dumiretso sa Parking lot.

"Yep"

"Oo naman yes"

"Of course!"

"Uhuh"

"Uuwi na ba tayo?" Sabi ni Austin.

"Hindi ka naman masyadong atat 'no?" Sarkastikong sambit ni Ken.

Napakamot naman sa ulo si Aus. "Nagtatanong lang eh"

"Kayo ang bahala. Baka may gusto pa kayong puntahan" sagot ni Mommy.

"Pupunta ako kina Lola" sambit ko kaya napatingin silang lahat sakin. "Kukunin ko ang sasakyan ko"

"Why baby?" Tanong ni Mom.

Humikab ako ulit. "Pupunta ako kina Logan, Mom. Magda drag race kami"

"Eh? Inaantok ka na't lahat makikipa karera ka pa rin?" Chase.

"Omg! Maddie sama ako!" Parang batang sabi ni Marissa at pumalakpak pa.

"At ano namang gagawin mo d'on aber? Magpapaganda?" Mataray na tanong ni Mackenzie kaya umirap si Marissa.

"Excuse me hindi ko na kailangang magpaganda because I'm already beautiful"

Ken faked a gasp. "Talaga? S'ang banda?"

"Lahat ng banda. Mula ulo hanggang paa" maarteng sagot ni Risa at tumaas ang kilay.

"Woooh! Goodness, like ang taas taas ng tingin mo sa sarili mo, you know that?"

"Of course dear if you have a face like this, you need to brag and show it to everyone. But I'm sure hindi mo yun magagawa because..." nagpause naman saglit si Marissa at tinabingi ang ulo na parang pinag-aaralan ang mukha ni Mackenzie. "look at you" pagtatapos nito at tiningnan si Ken ulit na parang nandidiri.

Nanlaki naman agad ang mga mata ni Ken. "Hoyy! Anong problema mo sa mukha ko?! Just so you know mas maganda pa ako sa'yo!"

Umirap ako. "Okay magbangayan na lang muna kayo diyan ah? Tapos aalis na kami, text niyo na lang kung sinong nanalo" sarktasiko kong sabi at hinila ko sina Chase papasok sa sasakyan.

"Aba't teka lang!"

"Ikaw kasi eh!"

"Oo na! Ako na ako na ang maganda"

"Yuck! Kapal ng mukha!"

"Girls. Stop that" sita ni Mommy na nakasakay na ngayon sa passenger's seat.

MACKENZIE'S POV

"Siya kase Tita oh!" Sabay naming sagot ni Rissa nang sitahin kami ni Tita.

Oh pak ganern rhyme yun. Ang galing ko talaga. Bigyan niya ako ng palakpak! 1..2..3! Larga!

HAHA thank you thank you.

Umiling na lamang si Tita Mommy. "Manong sa bahay ni Mama muna tayo"

Tumango si manong driver at pinaharurut na ang limo.

It's Me MadisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon