"Aray aray aray aray" paulit ulit nitong sabi habang hinihila ko siya paalis ng campus.
Matapos akong sumigaw kanina mabilis pa sa alas kwatrong lumayo si Chase sa babae niya.
Pinamulahan naman agad ang babae at nagmadaling umalis.
Masama ang tingin ko kay Chase habang inuutusan si Blake na mauna nang lumabas sa school at hintayin kami sa labas habang inaayos pa ni Chase ang sarili.
Nang matapos siya ay pinikot ko ang tenga niya at nagmartsa palabas.
"Aray Maddie aray aray"
Mas diniinan ko naman ang pagkakahawak sa tenga niya.
"Sige umaray ka lang diyan" inis kong sabi at tinulak siya sa sasakyan ni Blake. "Pasok"
Nakabusangot namang hinimas niya ang tenga at pumasok sa backseat.
Umikot naman ako at sumakay sa passengers seat.
"Saan tayo, Dee?" Tanong ni Blake habang inaayos yung rearview mirror.
"Magdidinner tayo. Sunduin muna natin sina Austin"
Tumango si Blake at pinaharurut agad ang sasakyan.
Nasa kalagitnaan kami ng pagbabyahe nang biglang ngumawa na parang bata si Chase.
Napatingin ako sa salamin at tinaasan siya ng kilay.
Bumukas yung isang mata niya at nang mapansing nakatingin ako pinikit niya ulit at ngumawa na naman.
"Oh shut the f*ck up Chase"
"Maddie naaamaann. Nabitin akoooo huhu" reklamo nito.
Sinamaan ko naman agad siya ng tingin. "Tatahimik ka o sisipain kita palabas ng sasakyang 'to?"
Sumimangot naman agad siya at parang batang pumadyak.
"Saan mo nga pala napulot yung chicks mo? Ganda nun ah" natatawang sabi ni Blake.
Humalakhak naman si Chase. "Syempre kailan pa ba ako pumatol sa panget? HAHA nabingwit ko yun sa building niyo" sagot nito at kumindat.
"Naks bigyan mo naman ako. Ang dami mo nang babae eh" biro naman ni Blake.
Tinapik ni Chase ang balikat ni Blake. "Balikan natin ang babaeng yun bukas. Threesome tayo!" Pagsakay ng g*go sa biro ng isa pang g*go.
Nagtawanan agad sila.
Umirap ako bigla. "Hello nandito pa ako"
"Edi takpan mo ang tenga mo para di mo marinig!"
Tinapunan ko siya ng masamang tingin at agad na tinabig ang manibela.
Muntik na kaming masagasaan buti na lamang ay lumiko agad si Blake.
"Madison naman!" Sabay nilang sigaw.
Umikot agad ang mga mata ko. "OA"
Reklamo lang sila ng reklamo hanggang makarating kami sa bahay.
Ngunit kumunot ang noo ko nang pagbaba ko ay may nakita akong limousine na nakaparada sa labas.
"Kanino 'to?" Takang tanong ni Chase.
"Hindi ko alam. Hindi pamilyar sakin"
BINABASA MO ANG
It's Me Madison
Novela Juvenil"Maybe one day it will be okay again. That's all I want. I don't care what it takes. I just want to be okay again."