Chapter 11:

36 3 0
                                    

Madison's POV

Mahina akong napahiyaw nang madiin ko ang pag tatali ng bandage sa kamay ko. Peste naman kasi yung Shannen na yun, walang magawa sa buhay.

Pagkatapos mismo ng klase umuwi agad ako at laking pasalamat ko nang hindi ko nakita ang mga pinsan ko sa bahay.

Inis kong pinatuloy ang paglalagay ng bandage at hindi pinansin ang sakit hanggang sa matapos ako. Sinuot ko agad yung pale blue kong hoodie at nagpalit na din ako ng puting cotton shorts.

Bumaba na ako at naabutan ko si Bianca na kumakain ng popcorn sa living room habang nagce-cellphone.

"Hoy Ms. MIA. Ba't hindi ka na naman pumasok? San ka na naman galing?" Tanong ko at sumalampak sa tabi niya.

Arghhh! Gusto kong matulog.

"Uy hi bhe. 'Di ko alam nandito ka na pala. Anyways, nandito lang ako sa bahay natulog. Hindi ko feel pumasok pero framis bukas na ako papasok, okay? Namiss mo ba ako? Buti ka pa namiss mo ako. Pero siya hindi talaga, may iba na siguro yu---"

Umirap naman ako. "Dalawa lang tanong ko pero dami mo nang sinabi agad. Tsk"

"Namiss kasi kita bhe. Loveyou mwah" natatawang sabi ni Bianca.

Napa-tsk na naman ako at pinikit ko mga mata para matulog na sana.

"Hey! Anong ginagawa mo?"

"Kumakain" pamimilosopo ko.

Tinapik tapik naman niya agad ang pisnge ko. "Gumising ka muna. Kuwentuhan mo ako dali"

"Ano bang gusto mong sabihin ko?" Tinamatad kong tanong habang nakapikit pa rin.

"Hmm. Musta ang klase?"

"Boring"

"Eh? Anong topic na kayo?

"Yung topic natin sa dating school"

"WHAT?!" Gulat niyang sigaw.

Humikab ako. "Yeah. Medyo late kasi sila"

Pumalakpak naman siya. "Yeyy! May advantage tayo"

"They also have this so called Language Class"

"Ano?! Language Class?! So you mean mag-aaral tayo ng iba't ibang lengguwahe?!"

Tumango ako.

Hinampas hampas naman niya agad ako. "Huhu Maddiiiieeee. Hirap na nga akong mag-English ibang lengguwahe pa kaya huhu"

"Yep. We're learning the Italian Language, currently"

"Omggg! Italian?! Sh*t buti ka pa may alam ka na"

Dumilat naman ako at umayos ng upo. "Madali lang naman"

"PARA SA'YO MADISON! PARA SA'YO!"

"HOOOOYYYY! BA'T KA BA SUMISIGAW?! KADADATING KO PA LANG SA BAHAY SIGAW AGAD MADADATNAN KO?! KAYO LANG NI MADDIE ANG NAG-UUSAP KUNG MAKASIGAW KA AKALA MO NAMAN ANG LAYO-LAYO NIYA!"

Napapikit naman ulit ako nang marinig ko ang SOBRANG LAKAS na boses ni Mackenzie.

Halatang nagulat din si Bianca dahil napahawak ito sa braso ko.

"U-uy M-mackenzie andito k-ka na p-pala" nauutal na sabi ni B.

"Ay hindi imagination lang ako. Kitang nagsasalita at gumagalaw na nga eh! Letche sumasakit na naman ang ulo ko! Aba makakain na nga lang, bahala kayo diyan" asar niyang sabi at padabog na pumunta sa kusina.

It's Me MadisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon