Madison's POV
"HAHAHAHAHA sandali ang sakit HAHAHA ang sakit na ng tiyan ko HAHAHA--Aray naman Blake!" Singhal nito nang batukan siya ni Blake. Tumingin ulit siya saakin at nagsimula na namang humagalpak sa tawa.Napatampal na lamang ako sa noo.
Sinasabi ko na nga ba at pagtatawanan ako ni Mackenzie once na malaman niya.
P*tangina naman oh. Sampung minuto na siyang tumatawa, hindi ba 'to nauubusan ng hininga?
"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah!" Inis kong sabi.
"HAHAHA sandali HAHA ano kaya HAHAHAHA teka 'di ko kaya HAHAHAHAHAHA"
"Pakshit naman Mackenzie! Kung 'di ka titigil sa kakatawa at magsalita na ipapalamon ko talaga 'tong remote jan sa bunganga mo" asar na sigaw ni Marissa habang dinuro duro si Kenzie gamit ang remote.
Napatakip naman agad si Ken sa bibig at tumikhim. "Okay fine. Basta 'wag niyo akong hayaang tumingin kay Maddie" natatawang sabi nito habang tinatakpan ang mukha ng throw pillow.
Tumaas agad ang kilay ko.
"Ba't ka ba kasi tawa ng tawa?" Tanong naman ni Damond.
"Eh kasi naman po. Natawa lang ako sa thought na titigil na si Madison sa paggawa ng kalokohan"
"Bakit naman?" Kunot-noong tanong ni Chase.
"Eh diba sabi nga niya hindi na daw siya gagawa ng mga pranks. Eh pa'no na lang kung may aaway sa kanya? Ano kayang magiging reaksyon ni Dee? Wait iisipin ko!" Tumahimik naman si Ken saglit at maya maya bigla siyang humagalpak. sa tawa. "HAHAHAHA NAISIP KO NA HAHAHAHA sandali tawa HAHAHA ulit ako HAHAHAHA isipin niyo HAHAHAHAHAHA"
Matapos ang ilang minuto, nagtawanan na din ang mga pinsan ko kaya mas lalo akong naasar.
"Sige tawa pa...Mawalan sana kayo ng hininga tsk tsk" inis kong sabi habang kinakamot ang kaliwang pisnge.
Lumakas naman ang tawanan nila kaya wala akong nagawa kundi ang umirap at hintayin silang tumigil.
Maya't maya, salamat sa Diyos ay tumigil na din sila pero panay pa rin ang ngiti.
"Oh? Buti naisipan niyo ring tumigil? Tawa pa, nakakahiya naman kasi sa inyo" sarkastiko kong sabi.
"Ikaw naman, Dee. Hindi ka na mabiro" nakangising sagot ni Macky.
"Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa'yo? Mahigit sampung minuto kang tumatawa at nung tumigil ka na, matapos ang ilang segundo humagalpak ka ulit. Anak ng.... Sapakin kaya kita?"
"Eh sabi ko nga diba? Natawa lang akong isipin na hindi ka na gagawa ng pranks"
Kumunot naman ang noo ko.
"G*ga anong nakakatawa don?"
"Syempre yung magiging reaction mo!"
Aba teka baliw na nga siya.
"So ano? Ipagpapatuloy ko ba yung paggawa ng kalokohan? Gusto mo ba talaga akong ipatapon sa Paris?!" Singhal ko kaya biglang nanlaki yung mga mata niya.
"Hoy ulul! Wala akong sinabing ganon! Grabe 'to sinabi ko lang na siguradong magiging nakakatawa yung reaction mo. Kung aalis ka sino nang magluluto para sa'min?" Tanong naman niya.
"Anak ng... Gusto mong batukan kita? Anong tingin mo sakin? Katulong? HOY! MASYADO AKONG MAGANDA PARA MAGING KATULONG LANG!" Inis kong sigaw.
BINABASA MO ANG
It's Me Madison
Fiksi Remaja"Maybe one day it will be okay again. That's all I want. I don't care what it takes. I just want to be okay again."