Madison's POV
Pagkatapos naming kumain nina Ariane at Alliah dinala naman nila ako sa gym na malapit lang pala sa field ngunit hindi ko man lang napansin.
Bulag na yata ako haaayy.
Nang makapasok kami nakita ko agad yung mga basketball players na nag wawarm up while ang iba ay nakaupo lamang.
"Doon tayo ate"
Napatingin ako doon sa banda kung saan tinuro ni Alliah at may nakitang hagdan. Umangat naman yung paningin ko at napatingin doon sa malaking bintana sa isang room kung saan may mga nag-uusap na mga estudyante.
Naglakad kami papunta doon nang may tumawag sakin.
"Maddie!"
Hinarap ko naman yung tumawag at nakita si Damond na nakangiting tumatakbo.
"Hi Dee" bati niya. Bumaling naman siya kina Ariane. "Hi mga kaibigan ni Maddie....uhm Alliah aaaannnddd Ariane..? Right?"
"Omygosh! Hi po Kuya gwapo! Yes po I'm Ariane and this is my best friend Alliah"
Ngumiti naman si Damond. "Anong ginagawa mo dito, Dee?"
Bored ko naman siyang tiningnan at umirap. "Obviously because sinali niyo ako sa Archery"
"Ohhh" tanging sabi niya at tumawa.
Sarkastiko naman akong ngumiti. "Should I say thank you?"
Ngumisi siya. "Hell yeah! It's time to showcase your talents, Madison"
"Being a representative in the Ms. Intrams Pageant is way more the enough, Damond. Dinagdagan niyo lang ang problema ko" nakairap kong sabi.
Nanlaki naman bigla yung mga mata niya. "IKAW ANG REPRESENTATIVE NIYO?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Nagkibit balikat ako. "Unfortunately"
Humagalpak naman siya bigla sa tawa. "DAMN THIS IS GONNA BE LIT HAHAHHAHAHA" malakas niyang sigaw habang tumatawa. Sinamaan ko naman siya agad ng tingin ngunit lumakas lamang ang tawa niya hanggang sa maluha siya. "I'm calling Tita Mommy" natatawang sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Wait wha--"
"Damond!"
Napatigil agad si Dey sa pagtawa at sabay kaming tumingin sa likod.
"Anong ginagawa mo dito? Go back to training" utos nung Bradford na tumawag kay Damond.
Ngumisi si Dey. "Sorry captain" humarap siya sakin. "See you later, Dee" hinalikan niya ako sa pisnge at patakbong bumalik sa gitna ng court.
Tatalikod na sana ako nang magsalita na naman si Bradford. "What are you doing here?" Kunot noong tanong niya. "Are you stalking me?"
Idiot.
Hindi ako sumagot at tiningnan lamang siya.
"Sagutin mo ako! Anong ginagawa mo dito? Nakikipaglandian na naman?"
Wtf.
"He's my cousin" tipid kong sabi.
Mas lalong kumunot ang noo niya. "What?"
Umirap ako at tumalikod ngunit napaharap ulit nang hilain niya ang kamay ko.
"Lahat na lang pinsan mo! Una si Enzo ngayon naman si Damond? Sino ang suno--"
BINABASA MO ANG
It's Me Madison
Teen Fiction"Maybe one day it will be okay again. That's all I want. I don't care what it takes. I just want to be okay again."