Chapter 12:

24 3 0
                                    

Madison's POV

"Good Morning Students!" Nakangiting bati ng adviser namin. "Okay before starting our class I just want to make some announcements. But first, may I know who the new transferee is?"

Siniko ko agad sa tagiliran si Bianca na busy sa pakikipagtext sa nobyo.

Agad siyang napaayos ng upo at itinaas ang kanang kamay.

"Hello! Hi! Hi! Hello! Hihi I'm Bianca Marie Sanchez po. And naniniwala po ako na ang pag ibig ay parang wifi. Madaling ma detect ngunit mahirap iconnect. I, thank you!" Masayang pakilala nito at umupo na ulit.

Napairap na lamang ako.

"Well then, hello Bianca. I'm Jessica Sandoval, I will be your adviser but at the same time your calculus teacher.......Alrighty then, like I said I have some---"

"Uhm excuse me lang po, Ms. Sandoval"

Lahat kami napatingin sa pinto nang marinig ang boses na iyon. Hindi ko siya kilala pero sigurado akong 2nd year pa'to. Ang bata kasing tingnan at bantot pa talaga.

"Oh Veronica? Anong kailangan mo?" Tanong naman ni Ma'am.

Teka pakialam ko ba sa kanila? Tsk. Inis naman akong nag iwas ng tingin at sumandal sa upuan ko.

"Ah Ma'am pinapapunta na po kayo sa 5th floor. Kayo na lang po ang hinihintay kasi magsisimula na daw po ang meeting"

"What? Teka akala ko mamaya pa ang meeting" gulat na sabi ni Ma'am.

"Hindi ko po alam Ma'am eh. Napag-utusan lang po. Nandon na po ang lahat ng accountancy students mula 1st year, kayo na lang po ang hinihintay" paliwanag naman nung Veronica. "Mauna na ho ako Ma'am Sandoval"

"Oh sige. Susunod na din kami" sambit ni Miss. "Okay class narinig niyo naman yung sinabi niya right? Stand up na and let's go sa 5th floor"

Tinapik tapik naman agad ako ni Bianca. "Teka anong meron?" Takang tanong niya.

Binuksan ko naman yung mga mata ko at tumayo. "Wala akong alam" walang gana kong sabi at naglakad na palabas ng room.

"Oy teka! Bhe 'wag kang ganyan! Walang iwanan. Pare pareho lang naman pala kayo, nang-iiwan. Nasasaktan din naman ako ah? Akala mo ba---Aray naman! Ba't ka tumigil?"

Nagulat ako paglabas ko dahil nakita ko si Austin at Mackenzie na halatang naghihintay samin.

"Ba't kayo nandito?" Takang tanong ko.

"Hinihintay kayo. Obviously" maarteng sagot ni Ken.

Nagkibit balikat naman ako at nagpatuloy na sa paglakad at sumunod naman agad sila.

"Teka nga teka. Ano bang meron? Kanina pa talaga ako nagtataka. Anong announcements ba ang sasabihin? Ano bang gagawin? Anong fifth floor? Ilang floor ba 'tong building na'to! Grabe naloka beauty ko sa paaralang ito" sunod sunod na tanong ni B.

"Naloka lang wala kang beauty" pang-aasar naman ni Mackenzie.

"Aba't--Hoy ang sama!"

It's Me MadisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon