Madison's POV
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng hapunan. And unfortunately, ako yung pinaluto ng mga hudas na 'to.
"Yum! Iblackmail kaya natin araw-araw si Maddie para masarap 'tong pagkain natin palagi" sambit ni Marissa at humalakhak na parang isang witch.
Sinamaan ko siya ng tingin at tinapon sa kanya ang tinidor na ginagamit ko na agad naman niyang iniwasan.
"Aba grabe siya! Brutal!" Sigaw niya at nagtawanan sila.
"Eto dee oh" napatingin naman ako kay Enzo nang inabutan niya ako ng panibagong tinidor. Tinanggap ko iyon at tinapon muli kay Maris na sa swerte ko'y tumama na.
"QUEEN MADISON YSABEL STAN--argh..mmm" napatigil siya sa pagsasalita nang subuan siya ni Austin ng isang kutsarang kanin. Nginuya niya iyon habang nagbibigay ng isang death glare kay Aus.
"Ingay. Kitang kumakain yung tao" inis niyang sambit at nagpatuloy sa pagkain.
Bago pa man kami makapagsalita muli biglang tumunog ang cellphone ni Marissa.
"Aba sino naman 'to, gabi na ah" sambit niya at kinuha ang cellphone sa bulsa.
"Hoy Thompson! Baka naman manliligaw mo 'yan? Papuntahin mo dito dahil magtutuos kami. Bago ka niya ligawan, dumaan muna siya samin" maangas na sabi ni Blake.
"'Wag ka ngang baliw. Si Tita Mommy yung tumatawag" nakataas ang kilay na sagot ng pinsan kong maarte.
"Ah ganon? Hehe naninigurado lang. Oh siya, sagutin mo na"
Umirap si Kenzie. "Ul*l. Sapakin kita ng sampu diyan eh" saad muna nito bago sinagot ang tawag. "Hello good evening po Tita"
"Aysus pa good shot" asar ni Blake at dahil nga magkatapat sila sinipa siya ni Mackenzie. Napahiyaw naman agad ang gunggong.
"Po? Si Madison? Nandito po. Actually kumakain kami ngayon" kumunot ang noo ni Ken at tumingin sakin. "Hoy g*ga nasaan daw ang cellphone mo"
Tiningnan ko siya saglit at kumain ulit. "'Di ko alam"
Umikot yung mga mata niya. "Cellphone mo pero di mo alam, tsk. Hindi daw niya po alam kung nasaan, Tita" uminom muna siya ng tubig at tumingin ulit sakin. "Ba't hindi mo daw hanapin"
"Eh" nagkibit balikat ako.
"Neh, Tita tinatamad daw siyang hanapin 'yun"
The h*ll? Kailan ko sinabi iyon?
"Pumunta ka daw sa kompanya niyo"
Tumaas yung kilay ko.
"Bakit---teka nga lang" inis niyang kinamot ang buhok niya at inilahad sakin ang phone niya. "Ikaw kaya humawak niyan. Naging messenger ako ng wala sa oras eh"
Tinanggap iyon ni Bianca, na nasa tabi ko at binigay sakin.
Nang itinapat ko na ang phone sa tenga ko at idinikit din ni B ang tenga niya sa kamay kong nakahawak sa cellphone ni Ken.
Kinunotan ko siya ng noo at inilayo ang ulo niya gamit ang kamay kong may cellphone.
"Oh ikaw na lang kumausap. Mas curious ka pa sakin eh"
"Oh thank you" maarteng sambit niya at willing niyang tinanggap iyon kaya napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. "Good evening po Tita. Yes, si Bianca po ito.....Ay ayun deads na po, katulad ng pagmamahal ko sa kanya deads na din.....Hehe joke lang po Tita nandito po siya sa tabi ko. Buti pa nga siya nasa tabi ko at hindi ako iniwan"
BINABASA MO ANG
It's Me Madison
Teen Fiction"Maybe one day it will be okay again. That's all I want. I don't care what it takes. I just want to be okay again."