Mackenzie's POV
"Woah you guys are up early" natatawang sambit ko habang pababa ako ng hagdan.Kakatapos ko lang maligo at pagbaba ko, nakita ko na agad ang mga lalaki kong pinsan na nag-uusap.
"We're just excited for today. You know how much we love seeing Madison wearing different kinds of gowns" nakangising sagot ni Chase.
Umiling-iling na lamang ako at dumiretso sa kusina.
Nakakatawang isipin na naisahan na naman ni Tita Mommy si Madison. Last night, pagdating naman si company nila nagulat kaming lahat nang pagpasok namin sa office ni Tita mommy ay ang bumungad samin ay ang iba't ibang klase ng gown.
At the end of the month pa pala si Madison pupunta sa Paris, sinabi lang ni Tita Mommy yun para mapapunta niya si Maddie. Alam naman kasi niyang 'pag sinabi niyang magsusukat at mamimili sila ng gown ay hindi sisipot si Dee.
Para ngang si Tita ang sasali sa intrams namin dahil sobrang busy niyang mamili ng gown, sapatos, make-up artist, at pati talent ni Madison siya ang pumili. Wowed na wowed kaming lahat.
At ang mas nakakagulat pa ay nandon yung class adviser namin. Pinatawag siya ni Tita para magtanong at mag approve ng mga binili at pinili niya. Tuwang tuwa pa nga si Ma'am eh. Nakakaloka.
Kaya nga kagabi, kakapasok pa nga ni Maddie ay lumabas na agad siya. Well, napapayag lang naman ni Tita si Dee dahil nakipagdeal ito sa kanya. Oh diba, ang galing nilang mag-ina.
Kapag ginawa daw ni Madison ang mga gusto ni Tita ay bibilhan daw siya ulit nito ng isang Aston Martin na sasakyan. Ngumisi naman agad si Maddie at agad na pumayag, ngunit sa isang kondisyon. Ngayong araw na lamang daw ni Maddie gagawin iyon. Dahil kung kagabi namin ginawa, nakuuuu baka lagpas hatinggabi na kami makakauwi. Knowing Tita, gustong gusto niya talagang gawing model si Maddie at pasusuotin ng iba't ibang damit lalo na't mabilis pumayag si Madison.
"AAAAHHHH!" Muntik na akong mabilaukan nang marinig ko ang matinis na sigaw ni Marissa. Kumakain kasi ako ngayown ng malamig na pizza na nabili namin kagabi kaya ganown.
Mabilis akong lumabas sa kusina at nakita si Marissa na maarteng bumaba sa hagdan.
"Omygosh. I didn't find her! Where is she? Ilabas niyo siya!" She dramatically said habang sinasapo sapo pa ang ulo.
"Sino? Sinong hinahanap mo?" Takang tanong ni Enzo.
Nag-acting namang nanghihinang umupo sa sofa si Risa at pinaypayan ang sarili.
(Read this in a Kris Aquino voice HAHAHAH)
"Si Madison! I couldn't find her. She's not in her room, she's not in yours, neither in mine or Mackenzie's. I've searched the entire floor but I didn't see even her shadow. Omygosh this is a travesty. I can't breath. Hindi niya tayong pwedeng takasan" madramang sambit niya.
Muntik na akong matawa dahil sa kinikilos niya. Seriously, if I had a camera I would definitely film her. Para siyang si Kris Aquino eh. Lalo na sa way ng pagsasalita niya.
"What? Paano nangari 'yun? Kasama natin siya kagabi, hinatid pa nga natin siya sa kwarto niya eh" -Blake.
"Call Logan, baka nakipag racing siya"
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa at dinial ang number ni Logan.
Naka-ilang ring muna siya bago ito sinagot.
(What the f*ck do you want now Thompson? Argh masyado pang maaga)
Tsk. Magpinsan nga sila ni Maddie. Parehong ayaw sa umaga.
BINABASA MO ANG
It's Me Madison
Novela Juvenil"Maybe one day it will be okay again. That's all I want. I don't care what it takes. I just want to be okay again."