Chapter 1:

63 4 0
                                    

Madison's POV

*Beeeeeeeeeppppp*

Humagalpak na naman ako sa tawa nang businahan ako ng panglimang ten wheeler truck na nalagpasan ko kani-kanina lang.

Alas singko na ng umaga ngunit nandito pa din ako sa gitna ng daan.

Oh diba? Ang bait kong bata.

Galing kasi ako sa race track nina Logan--pinsan ko-- nakikipag karera na naman. Pag bored ako sa bahay agad nina Logan ako didiretso, may race track kasi sila sa likod. He's my first cousin sa father side.

I'm the Queen of Drag Racing. I'm legit fast and I'm unbeatable. 

Kagabi pa ako dun, mga 10 siguro. Kasama ni Logan yung mga kaibigan niyang lalaki. Nagkuwentuhan muna kami pagkatapos ay nagkayayaang magracing.

Hindi ako prosti nor a slut, sa ganda kong 'to? No thanks. I'm half boyish. Pusong lalaki ako. Eh ikaw ba naman ang lumaki sa isang bahay na puno ng mga pinsan mong lalaki, sinong hindi magbabago? Well maybe my two other cousins pero basta yun na yun. Babae ako pagdating sa ayos at damit, sadyang pang lalaki lang talaga yung mga kilos ko.

Magsasaya pa sana ako kung hindi lang tumawag yung napagaling kung pinsan na si Mackenzie. I'll introduce that megaphone later.

Tinawagan niya ako at pinauwi na agad baka kasi maabutan na naman ako ni Mommy na wala pa sa bahay at magwala na naman yun.

Yes, this has happened before. Galing din ako nun kina Logan. Nasiyahan lang siguro ako ng konti kaya hindi ko namalayan yung oras. Maagang nagising si Mommy at hinanap niya agad ako. Eh wala namang naisagot sina Kenzie at Rissa kasi hindi ko naman nasabi kung saan ako pupunta, sakto din yun na lowbat yung cellphone ko kaya off. Ayun, nag hysterical yung mother earth ko. Tinawagan agad ang mga pulis at pinadiretso sa bahay. Kaya nga takang taka ako, kase pag-uwi ko sa bahay pinalibutan na ng mga sasakyan ng pulis iyon at pagpasok ko sinunggaban agad ako ni Mommy ng yakap. Akala daw niya nakidnap na ako. Eh sa good girl ako kaya sinabi ko sa kanya na nakipag racing ako kina Logan, kaya ayun nakatanggap ako ng isang malutong na batok at isang napakasakit na pingot sa tenga. Brutal ng nanay ko diba?

Ganito kasi yun. Extra bantay si Mommy saakin kasi marami daw ang tumatarget samin. Isa kasi kami sa pinakamayamang tao sa mundo kaya maraming gustong makitang bumagsak kami. Oh hindi ako nagsisinungaling 'no, sabi sa inyo good girl ako eh. My mom is a very successful business woman, isa din siyang international supermodel kaya mas lalo siyang sumikat. Marami kaming kompanya all around the world kaya palagi siyang wala sa bahay.

Enough with the stories muna, mamaya na ulit. Let's go back to the present.

Kanina habang nasa daan ako may isang ten wheeler truck na ahead saakin. Wala ding traffic, kaya ako naman si walang magawa nag-overtake agad ako sa truck na halata namang nagulat yung driver kasi binusinahan agad ako. Yun lang ang naging kasiyahan ko habang nagmamaneho. Sarap kasing pagtripan 'tong mga driver na'to eh.

Nang makarating ako sa bahay nakita ko agad si Kenzie na nakapameywang habang kunot ang noo na halata namang kanina pa naghihintay saakin.

Pagbaba ko ibinigay ko agad sa butler ko ang susi at inutusan na siya na ang maglagay sa garahe.

"Ang sweet mo talaga Ken. Pasensya na, pinaghintay pa kita. 'Di ka tuloy nakatulog" biro ko kaya mas lalong kumunot ang noo nito.

May ikakakunot pa ba ang noo ng babaeng ito?

"HOY BABAE! ALAM MO BANG KANINA PA AKO NAGHIHINTAY SA--"

Tinakpan ko naman agad ang bibig niya.

It's Me MadisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon