Chapter 10:

15 3 0
                                    

Madison's POV

Nandito na kami sa labas ng Hotel, pauwi na nga kaso sabi ni Lala hintayin muna daw namin siya....kaya eto mukha kaming mga magagandang batang kalye na naligaw kung nasaan ang ukay-ukay para isauli 'tong mga damit na ninakaw namin.

Gusto ko nga sanang tumakas eh kaso nga lang baka magalit si Lala, kalbuhin pako nun.

"Mad-die *huk* hihi"

Inis ko namang inayos ang pagkakahawak ko kay Mackenzie. Nakaalalay kasi ako sa kanya kasi 'tong babaeng 'to lasing.

Nasa balikat ko yung braso niya habang hawak ko naman yung beywang niya.

"Ang bigat mo ano ba"

"Se--*huk* shessy ako"

"Anong shessy pinagsasabi mo diyan?" Takang tanong ko.

"Valiw! *huk* sekshiii! SEKSHIIII! Ang venge mo Mad--*huk* Madison" malakas niyang sagot.

"Tsk. Yan lasing pa more" asar ko g sambit at inayos ulit ang pagkakaalalay ko sa kanya. Nadudulas kasi eh kainis.

"HA?! SHINONG *huk* LASHINGGG? AKO? Hihihi *huk* tipsy lang" sigaw niya at tumawa.

"Aish" nasabi ko na lang at napakamot sa ulo.

Ilang segundong katahimikan nang marinig ko na naman ang boses ni Mackenzie. "Nung ako'y bata paaaaa" kanta niya.

"Mackenzie shut the f*ck up" inis kong sabi.

Teary eyed naman siyang napatingin sakin. "UWAAAHHHHH HUHU UWAAHHHH MAMA SI BUDAK SINUNTOK AKO SA LIKOOODD" sobrang lakas niyang sigaw habang umiiyak na parang bata.

What the h*ll Ken?

Ano bang nangyayari sa babaeng eto.

Letche kaya ayokong nalalasing si Mackenzie eh. Parang baliw.

"Ken. Pakihinaan nga yang boses mo? Tsk. Maddie naman ba't mo pinainom yan? Alam mo namang doble ang lakas ng boses nyan paglasing" iritang sita ni Enzo.

"Ay grabe maka sita ka naman! Tulungan mo nga ako dito. Ang bigat bigat ni Ken oh"

"No way! Ikaw nagpainom jan kaya magdusa ka" maarteng sabi niya at umirap.

"Wow bakla lang ah? 'Wag mo nga siyang pakialaman kung gusto niyang uminom, siya naman ang nalalasing at hindi ikaw! Pakialam mo ba?"

Mariin naman siyang tumingin sakin. "Eh yun ang gusto ko! Gusto ko siyang pakialamanan. Hindi naman ako tulad mo na walang pakialam sa lahat!"

"P*t*ng*na!" Inis kong sigaw at inayos ulit si Ken. "Kanina ko pa talaga naririnig ang katagang na yan ah! Oo ako na! Ako na ang walang pakialam palagi! Pero t*ng*na intindihin niyo naman na ginagawa ko lang 'to para matutunan niyo na wala ako palagi sa tabi niyo! Paano na lang kung nasanay kayong nandyan ako palagi sa tabi niyo nag-aalalay tumutulong sa mga konting problema? Edi magdudusa kayo kapag nawala na ako! Pero all of you know that I will always be there for all of you kapag alam kong kinakailangan niyo na talaga ako! Tapos ngayon nagagalit kayo sakin dahil lang sa hindi ko sinabi sa inyo na may girlfriend yang si Austin? P*ta pinagloloko niyo ba ako? Si Austin yung naglihim pero ako 'tong pinabubuntungan niyo ng inis. Porket ba may malaman ako sasabihin ko agad sa inyo? Ganun ba? Kung wala akong pakialam sa inyo edi sana kanina pa nakasalampak si Mackenzie sa sahig, kanina pa sana ako tumakas at nakipag racing kay Logan, kani---"

It's Me MadisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon